CRIZEL'S POV:
Nag-inat ako at saka tumayo, tapos na ang paligsahan para sa araw na ito, bukas na lang ulit para sa mga grupong hindi pa nakakapag perform.
Kinuha ko ang camera na nakaharap sa stage dahil nag re-record ako para sa vlog ko ngayong araw, buti nga't pinayagan ako ni Kiahnna pero ang totoo labag sa kaniya 'yun, de charot lang hahahaha.
Nanatiling nakaupo si Kiahnna, hinihintay ako. Concern talaga 'to sakin ayaw pang aminin Whahahahaha.
Ng matapos ang ginagawa ko ay sabay na kaming lumabas ni Kiahnna, tahimik lang ito naglalakad at ganon din naman ako.
"Ang gwapo nung nasa g12-C ano??"
"Oo, teh, sobra, ganda din ng boses."
Parang nanlaki ang mga tenga ko sa narinig na pag-uusap ng dalawang babae na nadaanan namin.
'Gwapo daw mga mare!!!'
'Mapuntahan nga Whahaha'
"Kiahnna, mauna ka na may pupuntahan lang ako." tumango ito at hindi na nagtanong. Nakapamulsa itong naunang maglakad saakin at ako naman ay lumiko para mapuntahan ang classroom ng g12-C Whahahaha.
Wala naman talaga akong gagawin doon, sisilip lang, promise silip lang dahil i got my handsome boyfriend na.
'Ackk kilig ako!! (^o^)'
Nang makarating ako sa classroom ng g12-C ay agad akong sumilip doon pero kumpulan lang ng babae ang nakikita ko. Nakasimangot akong pilit na tinitignan yung pinagkakaguluhan nila, umurong ng kaunti yung isang babae at nakita ko na ang kaso.... likod ang nakita ko, iyakkkk.
Sisilip pa sana ako nang may humatak sa tenga ko...
"A-aray, ouch..." binitawan nito ang tenga ko.
"Sabi na eh, andito ka lang," agad akong napaingin kay Mianne nang marinig ko boses nito.
"Pano mo nalaman??" tanong ko habang hinahawakan ang tenga kong masakit at for sure na namumula.
"Sabi kasi ni Kiahnna na naki-chismis ka tungkol sa lalaking nasa g12-C, and i know you kaya agad akong pumunta rito," paliwanag ni Mianne sabay pingot ulit ng tenga ko.
"Aray!! tama na, Mianne," parang mapipigtas yung tenga ko sa pingot huhu.
"Tara na bago pa may makakita satin dito." tumango ako sa sinabi ni Mianne at nagpahila na lang rito.
'Wait, sila Mianne yun diba??'
'Teka, oo nga sila!!'
'Lapitan ba natin??'
'Oo, tara!!'
At ayon nga nagsilapitan na samin ang mga istudyante, lagot ako nito, help!!
Pati yung mga ibang nasa classroom ay lumabas din para lapitan kaming dalawa ni Mianne. Masarap sana sa pakiramdam tong nangyayari pero kung iisipin ko kung anong mangyayari pagdating sa dorm namin ay hindi ko magawang maging masaya huhu, slain by Mianne the lead.
'sermon malala'
"Pa-picture ako, Mianne,"
"Ako din po!!,"
"Duet tayo, Crizel!!"
"Pa-autograph naman po kahit sa t-shirt lang!!"
ngumiti lang ako kahit masama na talaga ang pakiramdam ko hehe. Ginawa ko ang mga gusto nila maliban sa duet, jusko, panget ng boses ko duet- duet pang nalalaman.
YOU ARE READING
PAIN IN MUSIC (Book 2)
Teen FictionYour music is hurting ------------------------- Book 2 of Musical Academy