CHAPTER 05:

227 14 7
                                    

KIAHNNA'S POV:

Bumangon ako sa kama na antok na antok pa, puyat kasi ako kagabi dahil may ginawa akong project. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok kami

Wala namang pasok ngayon dahil Weekend kaya ayos lang kung gusto ko pang matulog. Inipitan ko 'yung buhok ko saka nag tungo sa banyo para mag hilamos at mag sipilyo

Pagkatapos kong mag bihis ay dinampot ko na ang bag ko at saka 'yung cellphone kong nakapatong sa bed side table kasama ng earphone ko

Habang nag lalakad ako papababa sa hagdan ay binuksan ko ang cellphone ko pero din namang napatigil sa pag lalakad ng maalala ko 'yung picture namin sa Bundok ng tarist na ginawa kong wallpaper dati

Pinilig ko ang ulo bago sinuot ang earphone sa tenga ko at namili ng kanta

"Ate, mauna ka na, susunduin kasi ako ni Lexious"

'Saan kaya pupunta itong babaeng 'to??!'

Unti lang ang narinig ko dahil nga may earphone akong suot pero tumango pa rin ako at saka lumabas na ng dorm

Mabagal ang paglalakad ko dahil nakatingin ako sa cellphone ko "Aray" daing ko pagkat natalisod ako

'Bwisit naman!!'

Tutungo ako sa library, may gusto akong basahin kaya pupunta ako roon.

Habang nag lalakad ako tungo sa library ay may nabangga akong babae, nahulog ang mga dala nitong gamit kaya naman tumulong na akong dumampot

"Here" inabot ko sa babaeng nakabangga ko ang isang makapal na librong tungkol sa musika

"Sa-sa-salamat" nautal na pag papasalamat niya sakin

Tinignan ko ang mukha nito at bakas ang hiya sa kaniyang mukha. Nang makita niyang nakatingin ako sa mukha niya ay bigla na lang siyang tumungo saka tumakbo papalayo sakin

'Masyado siyang mahiyain??'

Pag pasok ko palang sa library ay agad akong nag tungo sa mga book shelf kahit hindi pa ako nag sa-sign in sa Librarian

Mag babasa ako ng libro na tungkol sa mga wind instrument kasi kailangan pero wala akong sinabing pag aaralan ko mismo 'yung mga wind instrument hahaha

Isang makapal na libro ang nakuha ko, nag hanap ako ng bakanteng table hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang table na may bakante pa kaya nag lakad ako patungo roon pero napahinto pagkat nakilala ko ang babaeng nakaupo roon

'Siya 'yung babae kanina ah. Ayos lang kaya sa kaniya na makiupo ako??'

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pag lalakad. Nakita ko kung paano matigilan sa pagsusulat ang babae nang makita niyang nakatayo ako sa gilid ng table

"Pwedeng makiupo??" tanong ko at tumango naman ito

Nang Umupo ako tinignan ko ang kaniyang mukha na nababakas ang hiya rito, bakit kaya napakamahiyain niya??

Tumikhim ako bago sinimulang buksan ang librong kinuha ko. Bawat page ay binabasa ko ng mabuti dahil kailangan

*Wind instrument - any musical instruments that uses air as the primary vibrating medium for the production of sound*

Nag sulat din ako ng kaunting notes para pag gusto kong mag review or what, hindi na ako pupunta ulit dito para lang mag basa, tss....

*Wind instruments exhibit great diversity in structure and sonority and have been prominent in the music of all cultures since prehistoric times. A system of classification of these instruments must reflect and categorize the relationships and the differences between the many varieties. The conventional division of the symphony orchestra into sections has simplified the grouping of wind instruments into woodwinds and brasses, but this is an inaccurate classification that generally does not apply outside Western culture. The fact that some modern woodwinds, such as flutes and saxophohnes, are made of metal whereas several ancestors of present-day brasses, such as the cornett and the serpent, were typically made of wood illustrates the unsuitability of a classification according to material*

PAIN IN MUSIC (Book 2)Where stories live. Discover now