Kabanata 25

32 1 2
                                    

"Adelaide!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Kalia kahit nasa labas pa lang ng kwarto ko. Balak ko pa lang matulog dahil napagod ako sa byahe pero sa tingin ko ay hindi ako makakatulog dahil nandito si Kalia na magtatatanong na naman siya ng kung ano-ano tungkol kay Dariel.

Halos kadarating lang din namin ni Dariel ngayon lang, nakita ko ni Tatay Virgilio kanina na hinihintay kami. Narinig ko rin na sinabi ni Tatay kay Dariel kanina na ayos na raw ang pakiramdam ni Nanay Elsie, kailangan lang daw nila ng pambili ng gamot at narinig ko rin na mahal ang mga gamot na kailangan nilang bilhin. Gusto silang tulungan pero ayokong malaman nila na ako ang nagbigay ng pera, mamaya ko na lang iisipin kung paano ko maibibigay ang pera sa kanila.

Umupo ako sa kama ko at hinintay na buksan niya ang pintuan ng kwarto ko. Nang mabuksan iyon ni Kalia ay tumambad sa akin ang namumuo niyang luha habang nakatayo sa gilid ng pintuan ko, nagulat ako sa reaksyon niya. Tumakbo siya sa harapan ko saka umupo at niyakap ako nang mahigpit.

"Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko hindi ka sasama kay Dariel na umuwi kahapon! Bakit kasi umalis ka pa!" Iyak niya sa balikat ko. Ilang minuto ang lumipas ay kumalas siya ng pagkakayakap sa akin samantalang ako ay nakatingin lang sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya. Masaya ako dahil nakita ko na ulit ang pinsan ko na palagi kong kasama sa lahat ng bagay, nakabalik na rin ako rito sa mansyon pero parang may kulang... Ang pamilya ko, wala sila rito ngayon kaya nakakapanibago at halos ako lang ang mag-isa ngayon dito sa mansyon.  

Wala na ang mga kamag-anak ko, umalis na silang lahat kahapon bukod kay Lolo Cesar na naiwan dito. Maging si Draven ay umalis na rin at ang si Chester, halos ako at ang Lolo ko lang kasama ko dito. Si Kalia kasi ay hindi nagtatagal dito dahil binabantayan niya si Ate Katherine na nasa hospital ngayon.

"Ang sabi ng doktor na tumingin kay Nanay Elsie ay maayos na siya pero maraming gamot ang kailangan na inumin ni Nanay at mahal iyon kaya kailangan ng maraming pera para mabili iyon." Rinig kong wika ni Kalia habang nagpupunas ng luha. 

Mamaya ay iaabot ko na lang kay Tatay Virgilio ang pera o di kaya'y kay Kuya Allerick pero sasabihin ko sa kanya na huwag sasabihin na ako ang nagbigay dahil baka tumanggi pa na kuhanin ang pera kung sakaling malaman ni Nanay. Sana ay gumaling na talaga nang tuluyan si Nanay Elsie.

Alam kong isa si Nanay taong may ayaw sa akin pero hindi ibig-sabihin niyon ay hindi ko na siya tutulungan. Ayokong isipin ng mga ibang tao sa akin na wala akong pakialam sa ibang tao na nasa paligid ko, hindi ako ganoong tao, hindi ako 'yong tao na walang pakialam sa mga taong wala ng pakialam sa akin. 

Naghikab ako habang kung ano-ano ang pinagsasabi ni Kalia na hindi ko naman maintindihan dahil sa antok ko. Ang sabi ko ay hindi ako aantukin pero ngayon ay inaantok ako, nakakapagod rin ang byahe kahit nakaupo lang naman.

"Hoy, Addy, okay ka lang? Bakit parang inaantok ka?" Tanong ni Kalia sa akin halata na sa boses niya ang pag-aalala sa akin. Tinignan ko siya at tipid na nginitian.

Inaantok talaga ako. Hindi manlang ako natulog kanina sa byahe kaya ito ako ngayon, antok na antok. Si Dariel ay halos dalawang oras na natulog sa taxi, ang himbing pa niyang matulog kanina at ako ang gumising sa kanya nang makarating kami rito.

"Okay lang, inaantok lang ako saka pagod sa byahe." Sagot ko na ikinagulat niya, kalaunan ay tumayo siya saka inayos ang sarili niya bago ibaling ang tingin sa akin.

Hindi ko na nga alam kung ano ang nangyari kay Ate Katherine kaya mamaya ay pupunta ako sa hospital para malaman ang kalagayan niya.

"Sige na, magpahinga ka muna. Mamaya na lang. May pupuntahan din ako, eh." Pagpapaalam ni Kalia, tumango ako kaya umalis na siya ng kwarto ko habang ako ay muling humiga sa kama ko.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon