2

54 4 3
                                    

Chapter 2

Kanina lang hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang demolition job este paglilinis dito sa unit ni Leyche pero ito na nga ako todo kayod matapos lang.

"Tao ba nakatira dito? Parang hindi talaga. Ang baboy talaga niya pati briefs kinakalat. Kadiri naman. Buti hindi ako fangirl niya baka itinago ko na 'tong mga underwear at ipinalaminate. Tapos ano? Pagpapantasyahan sa gabi?" Pag-momonologue ko habang sinesegregate ang mga puti sa de-kolor. Magsasalang ako habang naglilinis buti at nasanay akong magmulti-tasking. Kadiri ng naisip ko. Underwear? Ipapalaminate?

"Hello, mama!" Sigaw ko. Naisipan kong tumawag sa nanay ko at baka sabihing inabandona ko na siya.

"Ano nanaman?"

"May trabaho na po ako. Pero po stay-in ako eh. Uuwi na lang ako ng bahay kapag day-off ko." Naalala ko wala pa pala kaming napag-uusapan na fixation ng sahod at kung ilan ang day off sa isang buwan ni Leyche.

"Edi mabuti. Ayusin mong hindi ka nag-asawa hah! Kakalbuhin kita, Juliet!"

"Mama naman! Mukha ba akong malandi?" May sapak din 'tong nanay ko.

"Oo!"

"Baka sa inyo po nagmana!" Binabaan ko nga ng telepono. Bunganga talaga ng nanay ko. Hindi lang megaphone, ampli na yata.

Lumipas ang ilang oras at malapit na akong matapos sa paglilinis. Todong mop na ang ginawa ko sa sahig at nakapag samapay na din ako ng mga nilabhan ko. Malaki din pala tong unit ni Leyche at may laundry area pa. Isang walisan na lang at sa mga kwarto na ako maglilinis.

*ding dong* *ding dong*

"May tao." Sambit ko at tinungo ang pintuan. Mabuti at may screen sa right side ng pintuan kung saan makikita kung sino ang nasa labas. High technology din pala itong unit ni Leyche.

Wait, bakit may pogi sa screen?

"Hi." Bati ko sa pogi. Nagulat pa yata siya sa nasilayan niya ng buksan ko ang pinto.

Umiling siya.

"Bago ka ni Ley?" Natitig niyang tanong sa'kin. Pag ako natunaw, pogi kapa naman.

"Oo. Ano po ang kailangan niyo kay Ley? Wala po siya eh." Wag nagpapakyut, Juliet. Hindi ka cute.

Tumawa si Kuyang pogi.

"Sigurado kang ikaw ang bago ni Ley?" May nahihimigan ako sa boses ng lalaking toh.

"Bakit may duda kang ako ang bagong maid ni Ley?" Diretsong tanong ko.

"Maid pala?" Tumawa nanaman siya. Comedy ba mukha ko? Baka.

"Ay hindi, aso niya. Kasasabi ko lang na maid diba? Anong kailangan mo at naglilinis pa ako? Wala ang amo ko dito."

"Wala, una na ako."

Hirap sa mga pogi, makapanglapastangan sa kagandahan ko, wagas.

"Sige, bye!" Sabi ko sabay talikod at sinara ang pintuan.

"Makaligo na nga lang. Mamaya na ako mag-lilinis ng mga kwarto." Nagtuloy ako sa magiging kwarto ko. "Wow, naman. Luwag naman at aircon pa." Kausap ko sa sarili ko.

Shunga, Juliet! Wala kang damit na pamalit. Problema ba iyon? Edi mangsusungkit ako ng damit sa sampayan.

Naligo na nga ako at nagbihis sa comfy na damit yata 'to ni Leyche. "Babale nga ako dun ng pambili ng damit." Fresh!

Dahil feeling fresh ay naisipan kong humiga na sa kama at nang makapagpahinga naman. Hiyang hiya ako sa mga nilinis ko talaga. Hindi ko namalayang hinila na ako ng antok dahil sa pagod na rin.

I'm No JULIETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon