1

83 6 7
                                    

I'm No JULIET

Original story written by KillLouiseNow.

A/N: Hindi naman po SPG ang tema ng istoryang ito pero kailangan din po ng PATNUBAY at GABAY. Pasensiya na sa BAD WORDS! :)

---

Chapter 1

HINDI ako si Eya ng diary ng panget, pero ang dami kong pimples, lakas ngang makabadtrip. Ang bilbil ko naman mahihiya na sa three months preggy sa laki ng umbok. Why do I have to be so imperfect in this perfect world? Wag kang nag-eenglish, hindi bagay. Wala ka pang trabaho!

"Ang init sa katawan nitong suot ko. Sarap maghubad." Bulong ko sa sarili ko. Kipkip sa dibdib ko ang plastic envelope habang tumatawid sa overpass sa EDSA Cubao.

Tirik na tirik ang araw dahil tanghali na at tatlong hotel na ang pinuntahan ko para sa interview sa araw na ito pero hindi ko alam kung anong kamalasan ang dala ng sapatos na may takong na suot ko at hindi ako natanggap. Ang hirap maghanap ng trabaho!

"Lintik! Arayyy~"

Diba ang saya! Anong kamalasan ba ang meron sa araw na ito at pati tong lintik na sapatos ay ayaw makisama. Yumuko ako para tanggalin na lang iyong isang takong para pantay na. Sa daming pagkakataong pwedeng bumigay 'to, ngayon pa talaga.

"Ayy... Putik iyan!" Jusko naman! Nasubsob lang naman ako at muntikan ng sambahin ang mainit na semento buti na lang at sanay akong magplanking kaya natukod ko ang kamay ko.

"Railey~!"

Anong meron at may sumisigaw? Riot?

"Hala, manang sorry po. Tara tulungan na po kita." May biglang humawak sa kamay ko at itinayo ako. Aba, may senior citizen pa pala. Gaga, Juliet concerned citizen iyon!

"Manang, sorry talaga at naabala pa kita." Pinulot niya yung envelope kong humagis din ng magplanking ako kanina. "Manang, okay lang kayo? Nasaktan kayo?"

Jusko! Wag kang ganyan. Wag mo akong hinahainan ng ulam at baka mapa-extra rice ako neto.

"Manang..."

"Railey~!"

"Manang, run with me." Hindi ko na namalayang tumatakbo na pala ako kasama ang ulam este ng kung sinumang herodes ito. Ano 'to pelikula o istorya sa wattpad may yuminess na guy at bigla sasabihan ka ng 'run with me'.

Manang? Manang? Ako 'yong manang? Aba, gago 'to ah! Snatcher yata.

"Aray! Putik naman. Wag mo akong kinakaladkad!" Nahinto ang pagtakbo namin dahil nahimasmasan na ako. Feeling ko nabawasan ng ilang pounds dahil tumakbo ako. Bakit ako tumakbo?

Isang napakasamang tingin ang ibinagay ko sa kung sinumang herodes na ito na yumminess na nakahain sa harap ko.

"Ang bagal mo kasing tumakbo, manang."

"Tangna mo! Anong manang? Sinong manang? Wag mo akong tinatawag na manang!"

"May iba pa ba akong kausap maliban sa'yo?" Anak ng kamote toh!

"Maka-manang ka naman, bayad? Bakit ka ba nanghihila bigla? Kailangan mo ba ng jogging buddy kaya ako ang naisipan mong hilain na lang bigla? Mukha ba akong mahilig mag-exercise?"

"Look, I am so sorry about what happened earlier?"

Ano ito, prankster? Nasa gilid lang naman kami ng bangketa kung saan may nagtitinda ng mga pirated na dvd at karamihan ay porn pa. Santisima Trinidad!

I'm No JULIETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon