7

11 0 0
                                    

Chapter 7

Railey

Here it came, my karma. Andun na nga kami, ayos na sana tapos eeksena si Juliet, with those stupid lines. And knowing girls, how wide their imaginations are and how emotional they are... Bravo! Nasampal pa ako. Tapos pa ang relasyon namin.

"Ley, makinig ka. Hindi ko sinasadya, okay. Hindi ko naman alam..."

There's only a thin wall in between our rooms, kaya naririnig ko sinasabi ni Juliet. She's probably shouting.

"Masakit ba 'yung sampal? Alam kong masakit yun. Parang naramdaman ko nga kahit hindi ako yung nasampal. Ley, yoohoo! Naririnig mo 'ko, diba? Uy, Ley. Sagot ka naman diyan. Sorry na ohh, wag mo naman akong sibakin... "

I maybe mad at Juliet pero sadyang napakagaan lang ng loob ko sa kanya. Hindi ko talaga siya gustong paalisin. Who would fix my things kapag umalis siya? Who would cook and do laundry? Ang hirap naman kasi maging babae.

"Bestfriends na tayo diba? Hahayaan mo ba akong matulog sa kalsada? Ley, naman. Alam kong anlaking pagkakamali ng nagawa ko? Aayusin ko. Kakausapin ko si Maina... Sino ulit yun? Maila ba? Ley, sumagot ka naman."

I chose not to reply. Madami pang sinasabi si Juliet, most of it are funny stuffs. Kaya nakakapalagayan ko siya ng loob, real. Magmumura pag gusto niya. Sasabihin lahat ng gusto niya kahit minsan foul yun. She talks what's in her head. She expresses everything.

"Ley, kakausapin ko siya. Magkakaayos kayo. Babawiin ko yung mga kasinungalingang sinabi ko kanina. Akalain mo yun, ang ganda niya pero agad-agad ding naniwala sa pagdadrama ko. May pagka-shunga din ano?"

I fell asleep hearing her voice from the other room...

Juliet

Masakit maiwan pero mas masakit pala ang mapalayas. Yung tipong nahihiling ko na sana hindi na lang napakatabil ng dila ko. Sana hindi na lang ako pinaglihi ng nanay ko sa pwet ng manok. Sana wala na lang akong bibig. Sana shatap ka na lang, Juliet. Kaya ka napapahamak eh!

Inames naman, oo! Bakit napakamalas ko yata sa lifetime na'to! Mawawalan na nga ako ng trabaho, mawawalan pa ako ng tirahan. Ayaw kong umuwi sa'min. Ayaw kong mag-isa sa bahay sa Antipolo. Tinext ako ng nanay ko at sabi niya uuwi siyang Samar. Buti pa siya pabaka-bakasyon lang samantala ako.

Sabi ni Ley, magbalot-balot na ako pero hindi ko magawa. Mabigat kasi sa loob gawin ang isang bagay na hindi mo gusto. Ayokong umalis. Ayoko talaga. Mag-sosorry pa ako sa kanya eh, tapos papatawarin niya pa ako at magiging bestfriends ulit kami. Leyche, Juliet! Tunog madrama na.

Pagkagising ko, agad yung contact number ni Jerome ang hinanap ko. Hinanap ko na sa facebook ang account niya. Mabuti na lang at active siya sa social media. Agad na may notification na inaccept na niya ang friend request ko.

"Jerome!!!!!!"

"Hey, Juliet! Napatawag ka?" Bungad niya sa'kin nung tinawagan ko siya sa messenger.

"Kilala mo ba si Maina? Ano kasi... Si Ley at ako." 'Yun ba pangalan nung girl? Napakamatandain ko talaga kasi sa pangalan ng tao. Siete! Talent ko talaga 'yun eh.

"Ano? Kayo ni Ley? Kailan pa?"

"Gagyu! Hindi ganun! Kasi yun Maina nga. Pumunta dito tapos yung bunganga ko di ko napigilan. Joke lang naman 'yun eh. Akala niya talaga may relasyon kami ni Leyche!"

"Oh, Maita!"

Naipaintindi ko naman kay Jerome ang nangyari. Napagkasunduan naming susunduin niya ako pagdating ng bandang tanghali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm No JULIETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon