3

52 2 0
                                    

Paalala: Patnubay at Gabay po ay kinakailangan. Wala pong balak ang author na maghasik ng lagim, ng kabaliwan lang po. Pure kemeness ko lang ito. Salamat!

Chapter 3

"Good morning!"

"Ano ba! Araayy~"

Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Ano bang ingay yan? Ang aga aga ang ingay! *drum rolls* Literal na drum rolls ito. Sakit sa tenga. Ang lakas ng bulabog effect.

"Gising na, uy! Magluto ka ng almusal natin." Tinapik tapik pa ako ni Ley sa higaan ko.

"Bwisit! Kitang tulog 'yong tao!" Bumangon ako sa higaan ko. Inagaw ko yung drum stick na hawak niya at ipinalo sa ulo niya.

"Ako ang amo tapos ako din gigising sa'yo?" Nakasimangot na sabi ni Ley. Bwisit to! Umagang umaga, rumarampa sa harap ko.

"Magbihis ka nga! Nakakahiya sa mga mata ko, ang sagwa tingnan yang bulge sa harapan mo." Halay talaga ng lalaking 'to! Walking porn. Akala niya yata sasayaw siya sa Adonis at nakaboxer lang tapos may props pang drum.

"Problema mo sa hitsura ko? Bestfriends na nga tayo, diba? No malice."

Kaninong pauso iyong bestfriends daw kami? Ang instant yata. Walking Porn Bestfriend. Eww!

Nakalimutan kong wala pala talaga ako sa bahay at kailangan ko ngang bumangon ng maaga. Maid ka, Juliet.

Tuluyan na nga akong bumangon at walang-salita na nag-ayos ng higaan ko. Nilampasan ko lang si Ley na nakahawak sa drum niya at nakamasid lang sa'kin. Feeling niya talaga si Cross siya at pwedeng mag-boxer lang.

"Magbibihis ka nga bago ko kapain iyang abs mo, Leyche!" Sigaw ko at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko. Nagtuloy ako sa kusina at naiwan si Ley sa loob. Agad naman siyang sumunod.

"As if naman ipapakapa ko sa'yo."

"As if kakapain ko talaga. Assuming mo!"

"Admit it, natetempt ka sa'kin nuh?"

"Ang halay mong Leyche ka! Magdamit ka sabi! Speaking of damit nga pala, pwedeng pabale ako ng pang-shopping?" Sabi ko sabay lahad ng kamay. Gimme money!

"Ako na bibili ng mga gamit mo." Sabi niya at naglakad palayo. Narinig ko pang bumakas-sara ang kwarto niya. 

Napagdesisyunan ko nang magluto ng umagahan pagkatapos kong magkape. Mabuti naman at may stock ng pagkain 'tong si Ley sa refrigerator at may mga groceries sa cupboard.

"Leyche, anong gusto mong breakfast?!" Pasigaw kong tanong para masiguradong maririnig niya.

"Kahit ano na. Juliet, alis muna ako. Babalik din ako." Sabi niya pagkalabas ng kwarto. Nakabihis na siya. Ay, mas bet ko na pala kapag naka-boxer lang siya. Juliet, ang porn-minded mo!

"Sige, mag-instant noodles ka na lang."

"Bahala ka nga. Alis na ako." Paalam niya at diretso na sa pintuan.

"Ano kaya lulutuin ko? Hotdog na lang kaya. Wag, itlog na lang. Itlog at hotdog kaya? Ano 'yon hotlog? Ay!  Bahala na. Magawan nga ng menu plan 'tong si Leyche." Muntanga lang ako na kinakausap ang fried rice na niluluto ko. "Hala, dapat pala ay tinanong ko kung ano paborito niyang pagkain."

*ding dong* *ding dong*

Tumunog ang doorbell mga ilang minuto lang ang lumipas bago umalis si Ley. Pinatayan ko muna ng apoy ang kalan baka masunog ang niluluto ko bago pagbuksan si Ley.

I'm No JULIETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon