4

46 3 0
                                    

Chapter 4

*boom plakda!*

"Hindi mo sinabing may pagka-pacman ka pala, bestfriend.  Bwahahahaha! Ouch~"

Buti nga sa'yong walanghiya ka! Tatawa pa hah? Sinuntok ko lang naman siya kanina sa mukha at bumulagta sa sahig.

"Ulitin mo iyang mga kahalayan mo at paglalamayan kana sa susunod. Ang halay halay! Di ka na nahiya sa mga mata at tenga ko! Kung manonood ka ng porn, i-mute mo ng wala akong maririnig." Naiinis ko pa ring sabi.

"Maid ba kita o nanay?" Nakasimangot niyang tanong. Itong si Ley lang ang kilala kong cute kahit nakasimangot.

"Maid! At wala akong balak maging nanay mo! Jusko! Kung anak kita baka tumanda ako kaagad sa kunsumisyon ko sa'yo!"

"Ah okay." Sabi niya at humiga sa kama niya.

"Maliligo na ako. Pahiram muna ng damit. XXL 'yong pinamili mong duster, nasayad pa pag sinuot. Shunga lang din sa pamimili ano? Nagsayang ka lang ng pera. Salamat na rin sa diapers pero sa'yo na lang." Sabi ko at naghalungkat sa closet niya. May nakita naman akong malaking t-shirt at shorts na sa tingin ko ay kakasya sa'kin. "Leyche, maliligo na ako hah." Sabi ko sa kanya. Biglang tumahimik ang walanghiya na nakatitig lang sa kisame.

"Maliligo na lang kailangan mag-paalam pa. Bakit magpapasama ka?" May pagkapilosopo din 'tong Ley.

"Ano ako paralisado para magpasama. Tangna yuh talaga!"

"Tsk! Lumabas ka na nga." Sabi naman niya. Siya pa may ganang mairita?

"Teka, kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Kumain ka na. Initin mo na lang sa microwave 'yong niluto ko kanina."

"Wala akong gana. Aalis ako, Juliet kaw na bahala dito hah." Tama yan! Lumayas ka ng hindi ako nakukunsumi sa'yo.

Inantay ko muna na umalis si Leyche bago maligo. Hayahay nanaman ang buhay ko. Hayahay na maid, Juliet!

Pagkatapos kong maligo ay naisipan kong linisin ang kwarto ni Ley. Sobrang kalat kasi, given na 'yon kapag lalaki na burara sa mga gamit.

"Eto nanaman 'yong pakalat-kalat niyang underwears. Baboy nun." Nandidiri kong isa-isang pinulot at sinilid sa laundry bag ang mga iyon. "Sus, may bra pa at panty pa. Kahayupan talaga ng isang yun. Siguro naiwan ng mga babaeng ikinakama niya. Eww."

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Ang dugyot ni Ley! Siguro ang walls ng kwartong 'to ang saksi sa lahat ng kahalayan niya. Makasalanan ang kwartong ito.

Sinet-upan ko na din 'yong kama niya. Pinalitan ko lahat, mula punda ng mga unan hanggang sa bedsheet, saka na ang comforter. Labahin nanaman 'to. Sinunod ko 'yung drawers at cabinets niya. Pati gadgets nagkakalat.

Iniba ko na din ang ayos ng couch na nasa loob ng kwarto at mga kutina. Labada overload ako neto. Hirap maging kasambahay. Nagtupi na din ako ng mga damit niyang mistulang ukay-ukay na sa gulo.

"Hala! Jusko! Ano ito? Sex toys? Tangna juice! Kadiri naman ang mga 'yan." Kinilabutan ako sa nakita ko sa drawer sa loob ng closet ni Ley. Adik yata sa sex ang walangyang 'yon. Napagpasyahan kong ilagay sa hiwalay na garbage bag. Mamaya lang, isasaksak ko sa lungs mo lahat ng iyan.

Hindi pa rin ako makaget-over sa mga nakita ko at kinikilabutan ako. Napapaisip tuloy ako. Safe ba ako sa unit na 'to? Harmless kaya siya? Pero kaya ko namang protektahan sarili ko. "Bestfriends kami diba?"

I'm No JULIETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon