Chapter 1: Deal or No Deal?

1.1K 34 4
                                    

pls vote for my story ang leave a comment below. thanks :D

#kaorhys


JEA'S POV


"So it's a deal then." Sabi ng Ingleserong kaharap ko.

           Wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang. Tumango pero nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko kakayaning tingnan ang taong nakatayo sa harapan ko at inabot ang kamay nya papunta sa akin para maging official na ang pagkakaroon ng kasunduan.

"C'mon, take it! I'm sure you're dying to hold it." Natatawa pa nyang sabi habang ako, parang nangangamatis na sa pula ang pagmumukha ko.

Bumuntong hininga sya, akmang na bo-bore na sya. Hindi parin ako kumibo kaya naman lumapit sya sa akin at sya mismong kumuha ng kamay ko para makipagshake hands sa kanya. "Hay! Masyado kang pabebe." Narinig kong sabi nya saka nya ako inirapan.

"Nasaan na ang spark?!" Tanong ng isip ko. Nawala na ang spark, hindi ko na nabatid ang ini expect kong spark at kurynte gaya sa mga pelikulang napanood ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, nangmamanhid ang mga tuhod ko!!!! Isama mo na rin ang panlalamig ng mga kamay ko.

Bakit nga ba? Dala ba ito ng pagod kasi kanina pa ako naglalakad, o 'di kaya'y dahil sa kanina pa nagwawala ang dibdib ko?

"Grabe! Anlamig ng kamay mo!" Kita mo 'tong lalaking 'to kung maka react parang nabuhosan ng yelo.  Agad ko namang binawi ang kamay ko. Tiningnan ko lang sya ng masama. Yon lang ang nagawa ko. "Why so mean? Hindi ka man lang marunong magpasalamat?"

Si Jazz ang tipo ng taong hindi tumatanggap ng ayaw. Sanay kasing palaging nakukuha ang gusto nya na walang ka effort effort. Kaya kahit wala akong sinabing Oo sa kanya, inassume na nya yon.

"So, I'll see you around." He winked at me saka sya tumalikod sa akin at naglakad patungong exit. At ako, naiwang mag-isa. Napako sa gitna ng hallway ng abandoned building sa likod ng high school department.

Napayakap nalang ako sa kanina ko pang hinahawakang folder. Sinimulan ko na ring maglakad patungo sa kabilang exit para makauwi na ako. Hindi ko na nadama na natatakot ako sa abandoned building na 'to. Ewan ko, para lang akong lutang.

"Papaano pa ako makakaramdam ng kilig kung napalitan naman ito ng kahihiyan?!" Nagpapapnic na sabi ng utak ko. Hawak pa talaga ni Jazz ang sekreto ko.


                                    -FLASHBACK-

24 hours ago


I was just a normal person, na as usual tumatambay sa covered court at nanonood ng try out ng mga sasali sa basketball team. Syempre hindi naman talaga yan ang sadya ko dito, I'll be honest pinapanood ko ang bida sa ring.... Ang Wolfie kong si Jazz, the love of my life, my only sunshine when it rains, my flashlight when it's dark, ang gasolinang nagpapatakbo ng buhay ko. Geez! Bakit Wolfie? Eh kasi team Lion yung pangalan ng group nila Kaya ayon Wolfie para di halata

Beep! Beep!

"Ahy! Ano ba naman 'tong storbong 'to?" Napakamot ako sa ulo ko habang kinakapa ko yung phone ko sa bag ko. Nanonood pa naman ako ng intense na basketball game e! Close fight! Agad kong binasa ang text. Baka naman operator lang 'to ng network anlaking storbo talaga pagnagkataon!

Agad kong binasa ang message."Ano?!?"  Napasigaw ko ng malakas with my eyes wide open at tinapik tapik ko pa yung mukha ko. What to do?! What to do?

"Ehem!"

Natigil naman ako sa kakapanic ko ng may umagham. Natigilan ako sa paghi-hysterical ko. Panaginip ba 'to? It took me a while to realize na hindi ako nananaginip. Imagine sa gitna ng nagliliyab na laro na sya namang ikinatigil ng lahat at natamik ang buong court. Animoy parang nagpause ako ng video game.

It's YOU or NOBODY (kaorhys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon