Chapter 6: Jea BABES

507 29 8
                                    

KUMUSTA WATTY READERS?! nAG EENJOY BA KAYO SA STORY SO FAR? MAGCHIKA NAMAN TAYO DITO SA COMMENT BOX. HAPPY READING! DON'T FORGET TO VOTE!!!!

DEDICATED 'TO PARA SA INYONG LAHAT NA HINDI NAGSASAWANG SUMUBAYBAY SA STORYANG ITO.

SALAMAT.......




<3 KAYSHA

Nasaan ako? Anong lugar 'to? Ang laking space naririnig ko andaming humihiyaw pero walang katao tao. kanina pa ako lakad ng lakad, ano ba naman 'to? Nasaan na ba ako? Anong nangyari sa akin?

"Stop her!"

Nagulat nalang ako ng narinig ko yung boses ni Jazz. Agad naman akong lumingon sa likuran ko. Nakita ko syang may tinuturo. Sobrang tumahimik bigla ang paligid daig pa ang robot kung ma low bat 'tong mga boses na naririnig ko at tanging sya lang ang nakikita ko.

Sqqquuuiiiicckkk!!!

Bumukas bigla ang pintuan. Ayon! Doon lang pala ang exit. Kailangan ko ng umalis dito. Sakto! Walang nakaharang kahit marami akong narinig kaninang naghihiyawan.

Lalapitan ko na sana si Jazz pero parang ang bigat ng katawan ko, animoy parang may shield na nagpapahiwalay sa aming dalawa at hindi ako maka lapit.

"Jazz! Halika na!" Tinawag ko nalang sya at inayang lumabas dito baka na trap kami pareho.

Tumingin lang si Jazz sa akin at nag smirk lang.

"Jazz! Halika na!"

Pero instead of coming with me, tumalikod sya at may nagsalita.

"Bring her here."

Huh? Sino yon? Natakot naman ako at agad akong tumakbo papalabas ng pintuan. Takbo ako ng takbo pero habang nilalapitan ko yung pintuan parang lumalayo!

May biglang dumampot sa akin sa magkabilang braso ko at ibinalik ako sa aking kinatatayuan kanina. "Bitiwan nyo ako!" SIgaw ko sa kanila.

HIndi ko sila kilala. Hindi ko sila masyadong nakita. Lumingon si Jazz at lumapit sa akin. Now is the time, aalis na ako at isasama ko si Jazz.

"Jazz! Halika na!" HInigit ko sya pero hindi sya natibag

Papalapit sya ng papalapit sa akin. Malagkit ang binibitawan nyang tingin sa mga mata nya na sya ikinawawala ng dibdib ko.Unti unti syang lumalapit sa akin and by just centimeter away magdadampi na ang mga labi namin. "Ano ba naman 'to? Nakakaloka!" Napasigaw ang utak ko ng wala sa oras.

pumukit nalang ako at alam kong 'di ko kakayanin ang susunod na mangyaayri. "Oh Lord! This is it!" Oh my Wolfie! My Jazzy Bae.....

Mwuah! Mwuah! Mwuah!!!!!!

Bugsh!

"A....a-aray!" Napahawak ako sa ulo ko. Nagising ako ng may naramdaman akong tumapik ng napakalakas sa noo ko. Agad ko namang nakita ang mukha ni Chelsea na nasa harapan ko. " Ch-Chels?"

"Hoy Bruha! Gising ka na!" Naiiyak nyang sabi at napatalon talon pa talaga sya sa saya. "Inigo! She's awake!" Gising gising nya kay Inigo na nakatulog pala sa tabi ko.

"Jea, thank God gising ka na." Niyakap nalang ako bigla ni Inigo.

Nang tiningnan ko ang paligid, nasa school clinic pala ako naka higa. Silang dalawa yung nagbantay sa akin.

"What am I doing here?" kunot noo kong tanong. Ano nga ba? " Ano bang nangyari sa akin?"

"HInatid ka ni Jazz dito. Hinimatay ka sa gitna ng field." Sabi ni Chelsea. Si.....si Jazz?! Hinatid ako? NI Jazz? Si Jazz talaga?!

It's YOU or NOBODY (kaorhys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon