CHAPTER 8: Kiss u

584 23 4
                                    




Hello Watty readers at sa lahat sumusubaybay parin sa storyang 'to!!!!! Pasensya na sa slow update kasi medyo naging busy ako netong mga nakaraang araw hahahah anyways., I'm back!! Enjoy. Happy reading! Don't forget to leave a comment and of course VOTE....

xoxo

KAYSHA <3


JEA'S POV


Ang tagal kong hindi nagpakita sa mga tao at ngayon lang ulit ako pumarito sa school matapos ang founders week namin. Gusto ko silang kumustahin lahat pero gusto ko kasing mapahinga ang puso ko kaya no contacts ako kahit sa mga close ko. Mabuti nalang talaga sinugest ng Dr ko ang break at nakapagrelax ako.

Naisip ko rin si Jazz, ang tagal kong hindi nagpakita sa kanya. After that night that horrible night, hindi na ulit ako pumuntang school. Na hurt lang talaga ang feelings ko and I don't find it cute anymore. I mean, I need a break of everything that happens so quick. Naalala ko tuloy yung matapos nya akong e-buntot buntot sa kanya at e block mail sa diary namin ni Chelsea , sana naman kahit minsan naisip nya may feelings din ako kahit yung pakiramdam ng pagiging tao lang.

"Hoy!"

"Ahy Bakulaw!" Napatalon ako sa upuan ko. May naguguglat nalang bigla. ahy naman talaga wala namang nangugulat na hindi nangbibigla. Alam ko na kung sino. "Chelsea, ba't ka ba----........"

Nahinto ako sa pagsasalita ng nakita ko ang beast mode na itsura ng taong nakatayo sa likuran ni Chelsea at nakapamaywang pa halatang may hugot. Infairness ang gwapo nya sa uniform nya.

"Hoy Gaga! Ba't ngayon ka lang?" Pangunang sermon sa akin ni Chelsea. Sandali, hindi ako maka imik man lang. Imbis na sagotin ko sya napako ako at naka nganga nalang.

Ahy! Ano ba naman kasi Jazz?!! binibigyan mo ako ng ganyang look. Why was I even looking at him at the first place eh si chelsea naman ang kumakausap sa akin? Ang hot kasi nya nakaka heart heart ng mga mata. Ahy! Ano ba naman 'to?! Erase! Erase!

Dapapt kasi burado na dapat eh. Yon ang goal ko eh! Ano ba naman at kumabog na naman ang puso kong akala ko tatlong araw ng naka move on?! Abnormal na yata 'tong pakiramdam na 'to. Kumbaga sa break up pa hindi na normal ngayon ang hindi pa nakaka move on after 2 days. Uso na yan ngayon pero bakit parang stuck up ako?

"Bingi bingihan?!" Dagdag pa nya.

"Ah....M-may inaasikaso lang akong importante Chels." Sabi ko at nagpanggap akong abala sa pagsusulat ng rationale para sa checklist ko. "Tsaka hinahabol ko ang deadline ng pagcheck ni Ms. Ramirez sa mga requirements natin." Hindi ko na sila tiningnan pa.

"Ahy oo nga pala." Pagsang ayon ni Chelsea sa sinabi ko. Siguro na gets nya yung excuse ko na iwasan si Jazz at sumakay sa sinabi ko. mabuti naman kung ganon para umalis na si Jazz. "Dito ka nalang muna kay Jea, Jazz at kukunin ko lang yung checklist ko."

A-ano raw????!!!!! Nawala ang pagka relief ko sa sinabi nya. Iiwan nya si Jazz dito kasama ako?! "Hoy Chels!" Tawag ko sa kanya pero ang bruha ang layo na ng nalakad daig pa si Flash kung makatakbo. Hai!

"Ehem!" Narinig kong umagham si Jazz at tumabi ng upo pero hindi ko sya pinansin. Ni hindi ko sya tiningnan. Bahala sya sa buhay nya. Maiinis lang ako pagnakikita ko sya despite his uncontrollable and tempting charm. It only reminds me of that night. That hurting night.


**********flashback***********


Nakita nya kami ni Inigo na magkayakap sa hallway ng Nursing Department sa tapat ng mga lockers. Walang nagsalita sa aming tatlo nong una. Agad ko namang pinunasan ang mga luha sa mata ko, baka sabihin pa nya iniiyakan ko sya mas lalong hahaba buhok nya.

It's YOU or NOBODY (kaorhys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon