Chapter4: Bandmates

525 27 1
                                    




HELLO WATTY READERS! I'M TAKING THIS MOMENT TO SAY THANK YOU SA NAGVOTE AT NAG COMMENT SA MGA PREVIOUS CHAPTERS. tHANK YOU DIN AT SINUBAYBAYAN PARIN NINYO ANG ON GOING NA STORYANG ITO. NAGPOPURSIGE TULOY AKONG PAGANDAHAN PA ANG MGA FUTURE CHAPTERS NA GAGAWIN KO AT HOPEFULLY HINDI KO KAYO MABIGO.

<3 KAYSHA


Natapos ang laro na may score na BSN- 125 vs BSBA-64! Sobra akong na shock sa score talaga kung magaling man si Jazz sa mga games mas todo ang ginawa nyang moves ngayon mabuti nalang at nabigyan pa ng score ang kalaban na sobrang magagaling na manlalaro naman sana sila. Beast mode tuloy pero sports parin sila at kinongratulate pa sila after the game.

Masaya naman ako para sa team nila isabay mo pa ang good news ng coach nila na ma e-invite daw sila on tv kasi may popular basketball players na gusto silang makalaro. Ayos yon a! Ang saya nga ni Jazz e, ayon dinumog ng mga babae.

Natigil naman ako sa kakatitig sa kanya ng napansin kong papalapit sa upuan ko yung mga kasama nya sa team. Grabe talaga ang ga-gwapo nila. Swerte talaga ng mga girlfriend netong mga 'to.

"Grabe Peachy, hindi talaga nagkamali si Jazz sa pagpapunta sa iyo dito. Ikaw nga talaga yung lucky charm ng grupo." Masayang sabi sa akin ni Anthony sabay tabi sa aking umupo. peachy? Peachy talaga tawag nya sa akin? Siguro nahawa kay Jazz, ugh! Ipinagkalat ba naman!

"Ahehehe magaling naman talaga kayong maglaro." Yon lang yung nasabi ko. Hindi kasi ako makapaniwala kilala ako ng mga 'to. They're quite popular noh pero heto tumatabi sa akin FC FC-han. "Uy congats nga pala sa team nyo ha."

"Thank you talaga Jea, e chi-cherish namin 'tong moment na 'to." Sabi naman ni Paul yung isa pang lumapit. Actually napapagitnaan nila ako. "Hindi rin naman kasi kami makapaniwala na makakausap ka namin ng ganito. Sobrang idol ka namin ang galing mong vocalista at lead guitarist. Sometimes kasi nakikita ka namin ikaw yung nag gi-gitara."

"Ha? Nanonood kayo ng mga tugtog namin?" Para naman yatang nasurpresa ako. Sino a ako para panoorin nila? Isa lang naman akong dakilang nobody dito tsaka bihira lang ako lumabas pag may gigi lang.

"Oo naman. Crush na crush ka kaya namin." Sabi ni Anthony at nag apir pa talaga sila ni Paul. Pambobola lang yata 'to. "Palagi ka naming pinapanood noh, kasi palagi kami iniimbeta ni...."

"Peachy!"

Hindi na natapos ang sinabi ni Anthony ng tinawag ako ni Jazz with a high pitch. Habang palakad sya papalapit sa amin.

"Ah, Jea puntahan muna namin si Coach a. May itatanong lang kami about sa next activity namin." Paalam ni Paul. Tumango nalang ako at agad silang umalis.

Habang tinitingnan ko si Jazz na nagplalakad paunta sa kinauupoan ko napansin ko lang nag-iba na naman yung mood nya. Beast mode? Grabe talaga! Talonin ba naman ang babaeng may period kung maka shift ng mood. Haist!

Umupo lang sya sa tabi ko at ako hindi makapagsalita. Nainis yata ako imbis na kiligin. Kahit gusto kong liparin sa kilig, nabalotan ako ng pagkainis! Ugh! Ayoko mang alalahanin, pero hindi ako tinantanan ng brain ko.  Napagkamalan ba naman akong yaya nya kaysa sa date o kaklase man lang. Kasi naman itong si Jazz every break ng game gustong may umasikaso sa kumikinang nyang pawis daig pa si kamahalan.

Sinipa sipa nya yung sapatos ko. Ahy ano ba? May gusto ba syang sabihin o inaantay nya akong magsalita ng una. Sasamaan ko na sana sya ng tingin kaya lang nang tingnan ko sya kanina pa pala ansama ng tingin sa akin.

"O, ba't ka beast mode? Daig mo pa gustong kumain ng tao a." Panguna ko sa kanya.

"May nakalimutan ka." Yon lang yung sabi nya tapos simangot simangot pa sya.

It's YOU or NOBODY (kaorhys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon