Chapter 14: PAINFULL PAST TO REMEMBER

164 7 0
                                    

KEISHA'S POINT OF VIEW

" You know what? Ang ganda mo. " Pambobolang sabi nito saakin. Malungkot ko lang itong nginitian at itinuloy na ang pagkain.

Pagkatapos kasi niya akong ilibot sa condo nito ay ipinagluto niya ako ng Shrimp Carbonara at Ice cream na binili niya kanina.

" Hey! It's true, I'm not lying. Do you think i am that kind of person? " Sabi nito na ikinailing ko.

" H-hindi naman sa ganon. Sadyang hindi lang ako nasanay na may nagsasabi sa aking maganda ako. B-buong buhay ko kasi ay laging panget ang naririnig ko mula sa ibang tao kaya hindi ako naniniwalang maganda ako. " Nakayukong sabi ko.

totoo naman ang sinasabi ko.

kung hindi matabang balyena, Big mama, Ugly duckling, Bitch, at kung ano ano pa ang sinasabi nila saakin.

" I think nasasabi lang nila yun dahil oo, Mataba ka pero hindi nila yun napapansin kasi bulag sila katotohanang mas maganda ka pa lalo kapag pumayat ka! " Sabi nito na nagpatawa saaming dalawa.

Hindi ko alam na may tao padin palang gustong makipag kaibigan saakin kagaya niya na maganda na nga ay mabait pa. Akala ko non napaka swerte ko na naging magkaibigan kami ni ayana at zoey dahil bukod din sa maganda at mabait sila noon saakin ay matalino at talented din ang mga ito. Pero ngayon ay nagbago na ang lahat.

Bigla nalang nila akong hindi kinausap at bigla nalang nila akong tinalikuran na parang wala lang ako para sakanila. Dahil sa maliit na pagkakamali ko iniwan nalang nila akong mag isa. Siguro nga hindi talaga ako tinuring na kaibigan.

" And keisha your beautiful behind your mask. Your beutiful without anyone knowing that your beautiful. because they are blind by the truth. " Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi nito dahil kahit ako mismo ay hindi tanggap na maganda ako.

Para akong tulala sa mga sunod na sinabi nito, Hanggang sa tuluyan na ako nitong tinapik sa balikat.

" Hey! I said are you okay? You are spacing out. " Sabi nito saka lang ako natauhan at nahihiyang napatungo sakanya. Baka isipin nito na hindi ako interisado sa mga sinasabi nito kahit na ang totoo ay parang ganoon nanga. Hindi naman kasi talaga ako naniniwalang maganda ako.

Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng Movie hanggang sa hindi ko namalayang dumidilim na dahil mag aalasais na ng gabi.

" Hey it's nice to meet you Keisha! I'm really happy that I've got the chance to invite you here in my condo, Ahmm. hope you enjoy your day with me because i actually really do enjoy this day! " Masayang sabi nito saakin kaya hindi ko maiwasang mapatawa at maging masaya kahit papano.

Nabawasan ng kahit konti yung sakit na naramdaman ko ngayong araw. Na kahit papaano ay nakalimutan ko yung nangyari ngayong araw.

Kahit saglit lang.

Bukas panibagong araw, Panibagong Hirap nanaman para saakin.

Malungkot akong nagpaalam kay alli pero pinilit ko pading siglahan ang pag papaalam ko. kahit na sinabi nitong ihahatid na ako nito ay tumanggi ako, masyado na kasing nakaka hiya at nakaka abala na ako sakanya. Saka isa pa kaya ko namang umuwi mag isa.

Nang maihatid niya ako sa labasan ay nag sorry ito dahil dapat ay ihahatid niya ako dahil siya daw itong nag insist na pumunta ako rito pero tinawanan ko ito dahil okay lang talaga saakin and gusto ko ding umuwing mag isa.

Bago ako makaalis ay may binigay itong calling card saakin. In case daw na need ko ng kausap ay sasagutin daw nito agad.

Nang nasa sakayan nako ay agad akong pumara ng jeep dahil kahit ayaw ko sumakay na sa jeep ay kailangan kung gawin.

The Revenge Of Miss PiggyWhere stories live. Discover now