Chapter 15: Meeting And Work

163 10 4
                                    

KEISHA'S POINT OF VIEW

Natapos ang klaseng walang kahit anong nangyaring kaguluhan. Maliban nalang sa masasamang tingin na ipinupukol nila saakin.

Masama ang kutob ko na kahit na ano mang oras ay may hihila ng buhok ko dahil ramdam kung may gustong sumabunot saakin mula sa likuran. Pero sa paghihintay ay wala akong naramdaman.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa tagpuan namin kung saan daw kami mag memeeting.

Hindi ko alam kung bakit sa pinaka mahal na coffee shop kami tatambay upang doon mag meeting ng gagawin naming malakihang event kung pwede namang sa room nalang. At kung ako ang papipiliin pwede doon sa Garden, bukod sa preskong hangin at may puno pa at may magandang damo ay mas masarap mag usap kung doon nalang, wala pang gastos.

Kanina ay hindi ako sumabay sakanila at sinabi kung susunod nalang ako dahil may kukunin akong Libro sa library kahit wala naman talaga akong kukunin.

Sadyang ayaw ko lang talagang sumabay sakanila dahil bukod sa mahirap lang ako ay may mga kotse silang dala dala. At kahit nag offer si Vonn saakin na sumabay nalang ako sakanya ay hindi ko tinanggap.

Ramdam ko kasi nung nasa room pakami nung inaya ako ni vonn na sakanya sumabay ay maraming nag ismiran kaya nagdahilan nalang ako na may kukunin sa library kahit wala naman talaga akong kukunin.

" Manong may meeting po ako ngayon, pwede po bang sa Han&Jones coffee shop niyo nalang po ako ibaba ngayon? Kahit wag niyo napo ako hintayin? " Sabi ko kay manong.

" Ok lang maghihintay nalang ako para ligtas kang makakauwi. " Sabi nito na ikinangiti ko.

" Pero manong paano po yun matagal papo kayong maghihintay? " Sabi ko ng nag aalala.

" Ganito nalang. iiwan ko sayo ang number ko at tawagan mo ako. Habang wala kapang tawag ay mamamasada muna ako, Okay lang ba iyon sayo? " Sabi nito. Ngumiti ako kay manong dahil mas okay ngang ganoon nalang para hindi siya ma bored kakahintay, atleast ay kumita pa ito.

" Sige po manong salamat po talaga " Sabi ko at kinuha ang number nito saka ako umalis.

Natanaw ko sa malapit yung Han&Jones coffee shop at kauting lakad nalang ito.

Hindi kasi ako nagpa baba kay manong malapit sa pintuan nito dahil ayaw kung pag initan nanaman nila si manong.

At ng buksan ko na ang hawakan ng pinto ay agad silang nag irapan maliban sa mga lalaki.

" Pa importante. " Rinig kung bulong ni Zoey kahit na rinig na rinig naman.

" Pasensya na sa paghihintay. " Sabi ko nalang sakanila kasi kahit ano namang i explain ko ay wala silang pakialam kaya hindi na ako nag abala pa.

Agad din akong naghanap ng mauupuan at ng makita kung wala akong katabi dahil 1 sit apart sila saakin. nakairap saakin si zoey ng maupo ako sa tabi niya kahit na 1 sit apart ito ay may sama pa ito ng loob. Hindi ko nalang ito pinansin dahil ayoko na ng gulo.

" So dahil andito na lahat we should start na. " Sabi ni zoey kaya tumango nalang ang lahat maliban kay klein na parang may malalim na iniisip.

" So this event is gonna be a huge event in our school. Many participant schools are invited as we celebrate it. And that's advantage for us kasi sarili nating school ang gagamitin for this event and like buti nalang kasi kung sa ibang school? I really don't like it. Hindi ko naman sinasabing hindi prestigious ang school nila at hindi malaki but our school is much bigger than their school. Kasya tayong lahat dito, so were glad that sa school natin gaganapin dahil meron naman tayong maraming rooms na vacant para talaga sa mga event na ganito para meron silang pwesto. " Mahabang sabi ni Samantha.

The Revenge Of Miss PiggyWhere stories live. Discover now