Chapter 16: The Javier International Academy

163 3 0
                                    

KEISHA'S POINT OF VIEW

Saturday

Araw ng trabaho, pero yung mga matang yun kagabi. hindi ko makalimutan.

Yung tingin niya na kakaiba. Nakilala ko lang siya bilang tahimik at may malamig na personalidad base sa nagiging kilos nito. Pero ibang iba siya kagabi.

Matapos kung kumanta at nakipag titigan sa nag ngangalang hendrix ay umalis na kaagad ako sa stage at namalagi sa kusina. Dahil sa nangyari ay mas gusto ko nalang na utos utusan akong mag hiwa nalang ng mga patatas at kung ano ano doon. dahil bukod sa bar ito, ay pwede kadin umorder ng makakain kahit ano. kaya mas pinili ko nalang na dumito muna. Lumabas lang ako ng kusina ng makita kung wala na talaga siya doon sa kinauupuan niya kaya nagpatuloy na ang trabaho ko hanggang matapos ang shift ko ng 5am.

At ito ako ngayon kakauwi lang. Pagkatapos kung kumain at uminom ng vitamins at ibigay kay manang ang mga madudumi kung uniform sa trabaho para malabhan na ay agad nadin akong dumiretso sa kwarto at naligo muna bago nahiga at tumulala sa kawalan.

Paano kung pupunta ulit sila don? At bakit big deal sakanila na ako nga vocalist sa ZIA.

Naguguluhan ako.

Pinilit kung matulog dahil shift ko nanaman mamaya.

Nakatulog ako ng hindi namamalayan at ginising lang ako ng saktong 12pm para kumain. Pagkatapos non ay agad din akong bumalik sa kwarto para matulog. Nagising nalang ako ng ginising ako ng kapatid ko.

" Ate 4:20 na. kanina pa sana kitang 4:00 ginising kaso gusto ko magpahinga kapa ng kahit konti. " Sabi nito kaya agad ko itong niyakap.

" Chimmy kaya ko to. Malakas naman ang katawan ko at nakatulog na ako ng mahaba ngayon. So ok lang ako, sige na maliligo nako. " Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi at iniwan ito sabay kuha ng ginamit kung tuwalya kanina at naligo.

Pagkatapos kung maligo ay inayos ko ang pagkakatiklop ng uniform ko para sa bar at sinuot na ang uniform ko para sa samgyup. Kahapon kasi ay nasa school ako kaya sa trabaho nako nagpalit. Ayaw ko kasing i bully nanaman nila ako dahil lang sa nag papart time ako.

Alam ko naman na lahat ng tungkol saakin ay lalagyan nila ng issue kahit sa trabaho ko.

Pagkatapos kung ayusin lahat ng kailangan ko ay naabutan ko si chimmy na nasa sala.

" Ate kumain ka muna bago ka umalis. Si manang pala umalis lang saglit pero babalik din agad para bumili ng gamot ko. " Sabi nito kaya tinabihan ko ito sa sala at nagsimula ng kumain.

" Ok sige may cellphone naman sa kwarto mo incase na kailangan mo ako or si manang. chat or text mo nalang pag nakauwi na si manang ha? ayokong naiiwan ka ng mag isa dito sa bahay. " Nag aalalang sabi ko at sinandukan ko ito ng kanin at ginataang gulay.

" Opo ate. " Sabi nito.

Nagtimpla ako ng Milo para saakin at Gatas para sakanya at nag umpisa na kaming kumain.

" Magpagaling ka ng mabuti patchoy. Uminom ka sa tamang oras ng mga gamot wag ka mag iiskip ng kahit isang gamot ha. Wag mo kaming pag aalalahanin ni manang. " Bilin ko sakanya.

Pagkatapos kung kumain ay hinugasan kona muna ang kinainan namin at hinantay saglit si manang na umuwi dahil ayoko talagang naiiwan ang kapatid ko.

" Ate umalis ka na 5:04 na oh. baka matagalan ka sa paghihintay ng sasakyan. " Sabi nito. Aangal na sana ako ng pilitin niya na akong umalis. pero bago ako umalis ay tinawagan ko muna si manang kung pauwi naba ito.

Nagpasalamat nalang ako at malapit nadaw itong dumating kaya umalis na din ako at binilinan ulit ang kapatid ko na mag ingat habang wala pa si manang.

Muntikan nakong malate dahil 5:56 na nung makarating ako. Nakita ko na sila ella,Suzy at Viviane na nakabihis na at malalawak ang mga ngiti nila saakin.

The Revenge Of Miss PiggyWhere stories live. Discover now