16

74 8 0
                                    

FELECITY

"XYRIL! I'VE been calling you since the last time we've met, but you just blocked my number. May nagawa ba akong mali? Tell me!" She whined as she clung her limbs around Xyril's right hand.

Nakita ni Felecity kung paano kumunot ang noo ni Xyril pero siguradong mas malaki ang kunot sa noo niya. When did I block Satie's number? Nag-text pala siya kay Xyril? Oh my golly, hindi ko naman kasi tinitingnan ang mga private messages ni Xyril. Pero! Am I really feeling relieved after knowing he blocked his supposed girlfriend?

Marahang binaklas ni Xyril si Satie habang may alangang ngiti mula sa labi nito at tila hindi alam kung ano ang gagawin. "Satie, please I already told you I don't remember a thing." Napapatingin din ito sa kaniya na may kung anong hindi niya mawari na emosyon sa mga mata nito kaya napapa-huh na lamang si Felecity. Hindi mo talaga siya maaalala dahil ako 'yon nakaharap niya, Xyril. Oh my golly, I am so sorry.

Tumingala si Satie kay Xyrus at nagpaawa. "But I clearly I heard you calling me sweet nicknames! Wala nang bawian, Xyril! Ang daya mo naman eh!" Para itong batang nagmamaktol buti na lamang at wala sila sa daan kun'di paniguradong makakaabala sila.

Sumanib kaya ako kay, Xyril? Pero baka mas makagulo pa?

Base sa pag-oobserba ni Felecity ay sigurado siyang hindi magnobyo ang Satie na ito at si Xyril. Awang-awa na rin siya pinagpapawisan na si Xyril. Sa durasyon ng pagkakakilala niya kay Xyril ay alam niyang si Xyril ang klase ng lalaki na uunahin kung ano ang iniisip ng babae bago magsasalita. She saw firsthand how he treated Mila even if he hated having 'friends' around him. Plus, she experienced how Xyril treated her even if she's a ghost.

Teka, 'yong mga pinapakita niya ba sa akin ay dahil lang sa mabait siya sa isang babae? Dahil ba naaawa siya sa akin?

Napawi ang ngiti ni Felecity at napalitan ng ibayong lumbay. Kung kanina ay naaawa siya kina Xyril at Satie, napagtanto niyang wala siyang karapatang maawa dahil unang-una ay baka maging Satie version 2.0 siya kung aasa siya na iba siya sa lahat ng mga babae ni Xyril. Not to mention, she's a ghost. Dapat ay ang tinatrabaho niya ang kaniyang misyon. Hindi ang ganito.

After all, I will vanish from his life once the forty-nine days runs out. Dapat siguro ay sanayin ko na ang sarili kong huwag makaramdam ng ganito kay Xyril. Aaminin ko, sa napakaliit na mga sandaling nakasama ko siya ay hindi ko mapigilang magkaroon ng damdamin kay Xyril Higashino. And this is the reason why I should stop this while still young – dahil kapag pinalabong ko ito ay kami lamang dalawa ang masasaktan.

"let's talk about this in my apartment. Masama sa imahe mo kapag dito ka mag-eeskandalo, Satie. Alam mo naman si tito, hindi ka palalampasin no'n." Marahang tinanggal nito ang braso mula kay Satie at humakbang paatras nang isang beses. "Ang laki mo na, Satie. I will send you an message, punta ka lang sa apartment ko or sa sa coffee shop tayo. Mahirap na at baka makita tayo ng pamilya ko at baka kung ano pa ang isipan." Ginulo ni Xyril ang buhok ni Satie na naiiyak na pero hindi na umangal.

Bakit mahirap kung pag-iisipan sila? Nakatingin lang si Felecity sa buong durasyon ng interaksyon ng mga ito at hindi na lumapit sa mga ito . Pero hindi niya pa rin binibitawan ang panyong nag-uugnay sa kanilang ni Xyril kahit may isang dipa na ang layo nila at nasa likuran lang si Felecity ni Xyril upang hindi makita ni Satie ang isang lumulutang na panyo na hawak din ni Xyril gamit ang kaliwang kamay niti.

"Then don't block my number. You know that's rude, right?" Maliit na ang boses ni Satie habang parang batang nakatingala kay Xyril.

Kahit medyo natigilan ay tumawa ng mahina si Xyril bago ginulo ulit ang buhok nito. "Fine, fi – " Naputol ang mang sasabihin sana ni Xyril nang may isa na namang pamilyar na boses ang dumating. "Are you dating him, Miss Satie?"

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon