EPILOGUE

200 12 3
                                    

16 YEARS LATER

ISANG MAMAHALIN na sasakyan ang huminto sa tapat ng isang pribadong sementeryo. Matagal nang puno ang sementeryo nito at napag-iwanan na rin kadalasan ang mga inilibing dito subalit may isang libingan ang namumukod tangi sapagkat pinapalibutan ito ng mga mahahalimuyak na mga rosas sa loob ng labindalawang buwan ng isang taon. At iisang tao lang ang nag-me-maintain nito nang walang pagod at playa sa loob ng labing-anim na taon na para bang isa itong panata.

Lumabas sa sasakyan ang isang makisig na lalaking nakasuot ng three-piece-suit na mayroong dalang octopus stuffed toy at strawberry milkshake. Base sa tindig nito ay masasabing isa itong kilalang tao. Pero sa harap ng isang nityo, isa lamang itong simpleng hardinero.

Mabilis at sigurado ang mga yapak nito na huminto matapos ang ilang minuto nang sa wakas ay nasa harap na ito ng isang libingan na may nakasulat na pangalang Felecity Hidalgo.

"Kamusta ka na diyan? Miss mo na ba ako? Kasi ako, oo. Bawat araw ay name-miss kita lalo na sa bawat paglubog ng araw tulad noong nasa ferris wheel tayo." Pasimple nitong tinanggal ang coat at pasalampak na umupo sa harap ng lapida ni Felecity. "Heto nga pala ang mga paborito mo. Alam mo namang minsan lang ako makauwi sa Pilipinas dahil sa napakaraming kinakailangan kong tulungan, alam mo naman itong mahal mo, nagpapakabait upang tayo ay magkita sa langit. Mahirap na at baka sa impyerno ang bagsak ko. Eh di hindi kita makikita ulit. Syempre ayoko no'n."

"Oo nga pala, nakita ko si Tanya at Simmone sa hypermart kanina nang bilhin ko ang mga ito para sa'yo. Si Tanya pala at Rex ang nagkatuluyan. Si Simmone naman ay kay Senri pero nagkahiwalay daw sabi ni Tanya. Siya kasi ang kahera doon, hindi ko nga akalain na doon ko siya makikita ulit eh." Napailing ang lalaki habang inaalala ang nangyari kaninang pagpapapansin ni Tanya kahit na buntis ito.

"Nakita ko rin sina Mila, Ed, at Lyndrian kahapon. Engaged na pala si Lyndrian sa college sweetheart niya. Buti naman at naka-move on na siya mula sa'yo, akin ka lang noh. Tsaka sina Mila at Ed ay may pangalawang anak na paparating. Papangalanan daw nila na Felecity kapag babae, sabi ko naman, dapat siguruhin nilang maganda kasi maganda ka."

Tumawa ito nang mahina bago bumuntonghininga. "Hay, ang dami ng nangyari. Tayo na lang ang kulang."

"Sana hindi ka malumbay diyan. Nasa tabi mo na si Nana Belen at ang papa mo. Alam kong gusto mo silang makausap. Ang mama mo naman, wala na akong balita kung ano ang nangyari sa kaniya sa loob ng selda."

Nagtagal pa ito ng isang oras sa sementeryo bago napagdesisyunang umalis. Napatingin ang lalaki sa relo nito at bumuntonghininga. "Kailangan ko nang umalis, Felecity. May naka-booked na kasi akong flight papuntang Barbados. Hintayin mo lang ako diyan ha, at huwat kang mababagot." Tumayo na ito at nagpagpag ng pantalon.

"See you later, my love." Paalam ni Xyril Higashino sabay finger heart, ang head ng Higashino Clan, sa tanging babaeng kaya niyang mahalin.

"SIR XYRIL dumudugo po ang ilong niyo!" Sigaw ni Erni na nakatayo sa tapat ng pentagram na kinatatayuan niya. The heck! Ilang beses na ba ito ngayong araw?

"Don't mind me and focus! Malakas ang isang 'to! Ilang taon na rin siguro simula nang maging masamang kaluluwa ito." Nagkalat sa paligid nila ang daan-daang mga kandila habang bumubukas sara naman ang mga pinto at bintana. Ang kaniyang kulas asul na apoy ay nakapalibot sa pentagram upang hindi ito makalabas. Hindi kasi tumatalab dito ang kadalasan nilang ginagamit na kadenang kulay asul dahil na rin sa lakas ng kalaban nila.

Kung titingnan ay isa lamang itong manika na gawa sa tela sapagkat nasa loob nito ang isang matandang masamang kaluluwa.

Hindi ito pwedeng makawala dahil maraming mapapahamak kapag nagkataon! Pero kapag pinilit ko naman ay maaaring malagay sa peligro ang aking mga kasama maliban sa akin dahil kaya ko namang protektahan ang sarili.

"Toshiee, Erni, Ruso, Mikaela! Sa bilang ko ng tatlo ay dapat sabay kayong aatras. Tatapusin ko ito sa isang tirahan lamang. Nakuha niyo?" Sigaw niya sa mga ito dahil malakas ang boses ng kalaban nila na nagwawala.

Pumikit si Xyril bago dahan-dahang inipon ang spiritual energy sa kaniyang katawan. Bawat patak nito ay inipon niya dahil alam niyang kinakailangan ng malakas na spiritual energy upang ito ay tuluyang matalo.

"Be ready! 1, 2, 3!"

Kasabay ng pagsambit niya ng numerong tres ay dumilat naman ang kaniyang mga mata habang pinuntirya ang masamang kaluluwa na nasa sentro ng pentagram na gawa nila.

Ang naglalagablab na kulay asul na mga apoy ang huling natandaan ni Xyril bago nagdilim ang kaniyang paligid.

"Sir!"

"Sir Xyril!"

MAHAMOG. MADILIM. Ito ang mga salitang unang pumasok sa isipan ni Xyril nang bumukas bigla ang kaniyang mga mata. "Nasaan ako?" Nang umupo siya mula sa pagkakahiga sa mahamog na sahig ay inakala niyang sasakit ang katawan niya. Ito kasi ang palagi niyang nararamdaman tuwing natatapos ang trabaho niya.

Nasaan ang mga kasama ko? Ang kalaban nasaan na, nawala na ba ang pagiging masamang kaluluwa nito?

"Gising ka na pala, mabuti." Napalingon si Xyril sa pinagmulan ng boses. At doon niya lang napagtanto na may isang nakatayong pigura sa kaniyang harapan. Hindi niya ito napansin kanina dahil madilim ang paligid at ang liwanag mula sa isang nakausling pinto ang pinagmumula ng liwanag sa lugar. Idagdag pang nakasuot ng mahabang kulay itim na roba ang lalaki – lalaki kasi boses lalaki kahit hindi ko nakita ang mukha.

Pinakatitigan ito ni Xyril subalit hindi niya maarok kung anong klaseng nilalang ito. Sigurado kasi siyang hindi ito tao. "What are you? I am sure as heck that you are not a spirit."

"I'm not, but you are."

"What? So I am dead? Namatay ako sa paggamit ng sobra-sobrang spiritual energy?" Hindi alam ni Xyril kung ano ang mararamdaman. Ilang beses na niyang napaginipan ang ganitong yugto ng kaniyang buhay pero totoo nga pala talaga ang kasabihan na expection versur reality is a major truth slap.

Pinagsiklop ni Xyril ang kaniyang palad. "So ano? Sa impyerno ba ako o sa langit? Mabait akong tao, I swear! Tinutulungan ko ang mga ale na gumagamit ng pedestrian lane. I segregated my trashes properly. Hindi ako gumgamit ng plastic straw! Hindi ako drunkard at hindi na rin ako nagsasalita ng super bad words for sixteen years!"

Walang reaksyon ang bantay na parang nakikinig lang ito sa kaniya. "Why don't you found out?" At itinuro nito sa kaniya ang isang napakaliwanag na pinto.

Naloko na! To hell or to heaven expressway ba 'yan?

Walang magawang naglakad na papunta sa liwanag si Xyril Higashino. Pikit mata siyang pumasok sa loob ng pinto. Ngunit ang inakala niyang mga apoy na susunog sa kaniyang kaluluwa ay hindi dumating. Bagkus isang mainit pero maaliwalas na init ang humaplas sa kaniya.

At doon niya na napagdesisyunang buksan ang kaniyang mga mata. "Wow!" Sa kaniyang harapan ay ang isang imahe na sa bibliya niya lang nababasa. Namamanghang tinitigan niya ang napakalaking hagdan pataas.

Oh yeah! To heaven!

Isang mahinang tawa ang nakapagpabalik kay Xyril sa kaniyang katinuan. Nilingon niya ang pinagmulan ng tawang iyon at ganoon na lamang ang paninigas niya nang makita niyang nakaupo sa pinakaunang baiting si Felecity – nasa mga mata nito ang pagkaaliw.

Nakasuot ito ng putting bestida habang ang lambot tingnan ng buhok nitong may bulaklak na nakalagay bilang isang flower crown. Huli na nang mapagtanto ni Xyril na tumutulo na pala ang kaniyang mga luha.

"Ang aga mo ah. Akala ko matatagalan pa ako sa paghintay dito. Long time no see, my love." Nakangiting bati ni Felecity sa kaniya na sinagot niya ng isang magandang ngiti.

END

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing) 🎉
Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon