5

987 48 5
                                    

FELECITY


MATAPOS NIYA maghapunan ay ang paghula sa password ng cellphone nito ang inatupag ni Felecity. May calling card kasi itong si Xyril, calling card ng isang car wash center, may numero niya naman at pangalan so sa kaniya ang numero na nasa card kaya ito na lang ang ibinigay niya kay Nana Belen. Siguro ay isang family business ito, nakita niya lang ang card nang halungkatin niya ang wallet nito. Sino nga ba naman ang mag-aakalang makakalimutan niyang may cellphone pala ito na malamang ay nasa bag lang ni Xyril Higashino. Natuliro kasi siya noong umiyak sa harap niya si Nana Belen kaya nakalimutan ito ni Felecity. Pero ngayon ay ito na ang dilemma niya, paano siya makokontak ni Nana Belen kung hindi niya masasagot ang tawag nito. Pattern ang password. Ayaw naman niyang permanenteng ma-lock ito kaya napagdesisyunan niyang sumangguni na sa mga umaayos ng mga phone tutal maraming ganito sa downtown ng syudad.

"Magkano manong?" Tanong niya nang matapos na ang pagkumpuni sa phone. Wala na itong password.

"Three hundred," sagot nito.

Three hundred? Malalagasan ng three hundred ang perang pangkonsumo niya? Eight hundred na lamang ito tapos mababawasan pa. Bahala na nga!

Mabilis siyang umuwi sa apartment. Imbis na bibili ng take out ay magpapancit canton na lamang siya. Mabilis niyang kinutingting ang phone ni Xyril Higashino upang maisgurong masasagot niya ang tawag ni Nana Belen. Sabi nila sa gallery ng cellphone ng isang tao makikita kung ano ang hilig nito. Kaso ang tanging larawan na nasa gallery ni Xyril Higashino ay ang larawan ng pamilya nito. Isang album na may isang larawan lamang, this man!

Parang nahihinuha na niya na wala itong social media account. Pero may app naman ito ng facebook, instagram at twitter. Pinalitan niya ang wallpaper ng larawan na dinownload niya pati theme ng cellphone. Tiningnan din niya ang mga contacts nito at messages. Hindi tataas sa dalawangpu ang nasa contacts, nakita rin niya ang Xander Higashino na pangalan. Sa messages naman ay may limang threads ito, hindi na niya ito binuksan. Feel niya ay invasion of privacy na kapag binuksan niya pa ang mga threads nito. Ang tanging magagawa niya ay maghintay sa tawag ni Nana Belen.

Bandang alas otso na ng gabi nang biglang tumunog ang cellphone. Dali-dali niya itong sinagot nang makumpirma niyang si Nana Belen ang tumatawag.

Mabilis na bumangon siya mula sa pagkakahiga at puno ng antisipasyon na sinagot niya ang tawag. "Hello?"

"Good evening, si Xyril Higashino ba ito?" Tanong ni Nana Belen sa kabilang linya. Rinig niya mula sa boses nito ang pagod kaya hindi niya maiwasang maawa rito. Kung buhay lang sana ako, hindi ka n asana maghihirap ng ganito Nana.

"Opo ako nga po, Nana Belen."

"Hijo nakausap ko na si ma'am. Pumunta ka sa libing ng alaga ko dahil kakausapin ka nila pagkatapos."

Namanhid siya sa pagkabanggit nito ng libing niya. Bakit napakasama nang takbo ng kaniyang tadhana? Magiging saksi pala siya sa pagbaba ng kabaong kung saan nakalagay ang kaniyang katawan. Pinilit niyang sumagot kahit tila may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan. "Sige po, kailan po ba?"

"Dalawang araw mula ngayon. Alas tres ng hapon ang libing sa St. Mary Cemetery. Lapitan mo lang ako pagkatapos ng libing."

"S-sige po," atubiling sagot niya bago nagpaalam na rito. Nanghihinang napaupo na lamang siya sa sofa. Nanginginig ang kaniyang tuhod at nagbabadyang tumulo ang luha na kanina pa gustong mahulog mula sa kaniyang mga mata. At sa ganoong posisyon siya tahimik na umiyak.

"XYRIL, SASABAY ka ba sa amin mamaya? Sabay na kami nina Mila at Ed sa pagpunta." Biglaang saad ni Lyndrian na katabi na niya pala sa paglalakad papuntang canteen. Ang tinutukoy nito ay ang libing niya este ng katawan niya. Tuluyan na nga siyang magpapaalam sa mundong ito at kapag natapos na ang kaniyang misyon ay hindi na niya masisilayan pa ang kaniyang mga mahal sa buhay. Sa isipang 'yon ay hindi niya napansin na napahinto na siya sa paglalakad.

Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon