FELECITY
MAGAAN ANG katawan ni Felecity habang papasok sa paaralan. Kahit sa kaalamang makikita niya ang mga taong iyon ay napagdesisyunan ni Felecity na bigyan ang mga ito ng 'benift of a doubt' dahil tutulangan si ni Xyril sa pag-isa-isa sa mga kakilala niya. Pakiramdam kasi ni Xyril ay kakilala niya iyon sapagkat pinagtakpan talaga ang kaniyang kamatayan ng isang 'suicide pretext'.
YOU LOOK HAPPY. Puna ng boses ni Xyril na nasa likuran lamang ng kaniyang isipan.
I am happy. Gusto mo, kumanta ako habang tumatalon-talon sa paglalakad? She teased him which earned Felecity a grunt from him. Sanay na siya rito. Kapag walang kabuluhan ang kaniyang iniisip ay hindi ito nagsasalita na parang wala ito. Pero kapag makakakuha ito ng interes sa kaniyang mga iniisip ay minsan mauuwi sila sa isang mainit na debate. At doon napagtanto ni Felecity na hindi arogante o snob si Xyril. Talagang kapag wala itong interes sa isang bagay, hindi ito magsasalita. Pero kapag gusto nito ang usapan ay talagang mapapanga si Felecity dahil dinadaig siya nito sa mga theories nito o mga personal na opinyon.
STOP THINKING ABOUT ME. He chasticed me which earned him a chuckle from me. Nagba-blush ka na ba, Xyril?
Tatawid na sana si Xyril papunta sa St. James Academy nang biglang sumigaw si Xyril. WATCH OUT! Sa sigaw nito ay awtomatikong napahinto si Felecity dahil sa gulat. Pagkalingon niya ay sakto namang dumaan ang isang rumaragasang elementary school bus.
I-I am so sorry, Xyril! Muntik ko ng maipahamak ang katawan mo! Tarantang paghingi ng paumanhin ni Felecity. Malakas ang tibok ng puso ng katawan ni Xyril dahil sa gulat ni Felecity. Muntikan na siyang masagasan dahil nakalimutan niyang stop light na pala.
BALIW KA BA? KAHIT KATAWAN KO 'YAN AY IKAW ANG ANG MAY HAWAK NIYAN, IBIG SABIHIN IKAW ANG MAKAKARAMDAM NG SAKIT AT HINDI AKO! YOU WILL HAVE TO EXPERIENCE DEATH THE SECOND TIME AROUND!
Sa litanya ni Xyril ay napagtanto niyang hindi pala ito galit dahil muntikan na niyang maipahamak ang katawan nito kun'di dahil muntik na siyang masaktan. Bumalik na naman ang pag-iinit sa kaniyang pisngi – pisngi ni Xyril – dahil sa pagpapakita ni Xyril ng concern kahit tinawag siya nito ng baliw.
NAKIKINIG KA BA, FELECITY?
Huh? Ah oo! Sorry ulit, Xyril. Ang totoo ay hindi niya narinig ang sinabi pa nitong iba. Busy kasi siya pamumula. Bumuntonghininga ito bago nagsalita ulit. OH SIYA, TUMAWID KA NA. GREEN LIGHT NA AT BAKA MA-LATE KA SA KLASE.
Doon lang napansin ni Felecity na pwede na palang tumawid sa daan.
KAHIT NAKA harap kay Sir Vince at tila nakikinig siya sa kanilang guro ay naglalakbay naman ang kaniyang isipan kasama si Xyril.
So, sino ang uunahin sa pag-imbestiga?
Xyril hummed at the back of her mind. LET US START WITH THE LEAST CLOSEST TO YOU THEN TO THE CLOSEST.
Least closest? Sino nga ba? Sina Mistras at Serein siguro. Teka, paano tayo makakalapit sa kanila?
HAVE YOU FORGOTTEN? ANG MAKIKITA NILA NGAYON AY SI XYRIL, HINDI SI FELECITY. ANG DAPAT NATING PAGPLANUHAN AY KUNG PAANO MAKALAPIT SA KANILA NA HINDI SILA MAGDUDUDA.
Alam ni Felecity kung bakit 'yon ang main concern ni Xyril at iyon ay dahil sina Mistras at Serein ay halos hindi nakikihalubila sa kanilang klase. Pero may partikular na bagay na naalala si Felecity. Ang art room!
Napahampas si Felecity sa mesa kaya ang napakatahimik na klase ay napatingin sa kaniya. "May problema ba tayo rito, Mr. Higashino?" Tanong ng guro sa kaniya na ikinailing niya agad nang mapagtanto ang kaniyang ginawa. Oops.
BINABASA MO ANG
Ghostly Romance (Published Under Chapters of Love Indie Publishing)
ÜbernatürlichesXyril Higashino ran away from his family when he came to hate his so-called gift. Being the youngest heir of the Higashino Clan who was destined to reign as the head exorcist, Xyril lost his brother as he got entangled with a bad spirit upon one sum...