that boy is a monster

2.4K 27 0
                                    

DAY NINE
JEYRIEL'S POINT OF VIEW

"Kumusta ang kamay mo?" tanong ko kay Rafael.

"Tol natatakot ako, baka maging zombie na rin ako." nag-aalala na sagot nito sa akin.

"Hindi naman siguro. Basta, lagi mo lang babantayan ang sugat mo at kapag lumalala siya, ka-agad mong sabihin sa amin." sambit ko sa kaniya.

"Riel, sorry kung naging ass ako sa iyo dati. Alam ko na hindi talaga ako naging mabait sa iyo noon, nagsisisi na ako sa lahat ng mali na nagawa ko sa iyo." seryoso nitong sabi sa akin.

"Raf, huwag na nating intindihin ang tungkol sa bagay na iyon. Basta kapag may kailangan ka, sabihin mo ka-agad sa amin." sagot ko sa kaniya at pagkatapos no'n ay tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat.

After that ay iniwan ko na si Rafael at tinungo ko naman si Joemer na kasalukuyang kausap si Shaun.

Huminto sa pag-uusap ang dalawa nang naka-lapit na ako sa kanila at hindi ko ipinahalata na nahalata ko ang ginawa nila kung kaya naman tinanong ko si Shaun kung ano ang gagawin namin kay Rafael.

"Kumusta ba siya?" tanong nito sa akin.

"Not too good. Infected na iyong buong kamay niya and I am afraid na baka hindi na siya magtagal." sagot ko.

"Bukod sa kaniya, may isa pa tayong malaking problema. Ubos na naman ang stocks natin ng pagkain. Kailangan nating muling lumabas para humanap ng makakain." sambit sa akin ni Shaun.

"Pero halos wala na tayong nakuha sa buong palengke ng Magalang. Anong gagawin natin?" tanong ko sa kaniya.

"Actually, iyan din ang pinag-uusapan namin ni Taeyu kagabi at sasabihin ko na rin sana ito sa inyo ngayon, pero naunahan mo lang ako. Kailangan na nating lumipat ng lugar. Ayoko man dahil mas ligtas tayo dito, pero wala na tayong makakain. Kailangan nating humanap ng pagkain at ang tanging paraan lang para magawa iyon ay ang lumipat ng lugar." sagot sa akin ni Shaun.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong naman ni Joemer kay Shaun.

"Sa Daan papunta ng Arayat o kaya papuntang Angeles." sagot ni Shaun.

"Taga Angeles kaming lahat. Maybe may makakatulong doon na taga sa amin." ka-agad kong sabi kay Shaun.

"Sana nga, pero huwag na lang tayong umasa. We're on our own at ang sarili lang natin ang totoo nating kakampi." sagot naman sa akin ni Shaun.

"Kahit na, at least may makakatulong pa rin sa atin. Ano okay lang ba sa iyo na doon tayo tutungo?" tanong ko sa lalaki.

"Kahit saan, Tol. Wala namang ligtas na lugar e. Ang mahalaga lang ay sama-sama tayo." naka-ngiting sagot sa akin ni Shaun.

"Okay settled na ang patutunguhan natin. Let's talk about, Rafael. Anong gagawin natin sa kaniya?" tanong ni Joemer.

"He'll slow us down." sagot ni Shaun. "Isa pa baka mag-turn din siya, malaking problema pa iyon." dagdag pa nito.

"Kaibigan namin siya." sambit ko sa kaniya.

"Nakita ko na naging zombies ang buong pamilya ko 'Tol. Wala nang mas sasakit pa doon." sagot sa akin ni Shaun.

"I'm sorry." saad ko dito.

"I'm sorry din na kailangan natin itong gawin kay Raf, pero iyon na lang ang pinaka-okay na paraan." sambit pa ni Shaun.

"Iiwan natin siya dito?" tanong ni Joemer kay Shaun.

"Iiwanan natin siya ng pagkain habang okay pa siya. Ipapaintindi natin sa kaniya ang sitwasyon natin and I hope maunawaan niya." sagot ni Shaun kay Joemer.

THE CURE (I'LL FIX YOU WITH MY LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon