JEYRIEL'S POINT OF VIEW
"Okay ka lang?" tanong ko kay Arjun.
"I'm fine." sagot nito.
Pareho kaming tulog nang lumindol nang malakas. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa amin at matibay itong lugar na aming pinagtataguan.
Kaagad kaming lumabas ng basement at nagtungo sa daan. Nakita namin na maraming nasirang mga kabahayan at marami ring mga tao na katulad namin ay nasa labas.
Nagtaka tuloy ako. Bakit parang wala na ang mga zombie? Bakit parang malayang nakakalabas kaming mga normal na tao na wala dapat na ikatakot.
Napansin din pala ito ni Arjun. Kaagad niyang sinabi na bumalik na kami sa taguan namin dahil hindi maganda ang nararamdaman niya.
"Anong nangyayari?" tanong ko kay Arjun nang nasa basement na kami.
"Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayaring ito. Pakiramdam ko ay ang Holy Four ang may gawa nito.
"Ah? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Wala, huwag mo na lang intindihin ang mga sinabi ko." sagot nito sa akin.
"Anong huwag isipin? E halata ko na may inililihim ka sa akin." turan ko.
"Kung ano man ang hindi ko sinasabi, mas maiigi nang hindi mo malaman. Mas ligtas ka kung wala kang alam." tugon nito.
Bumuntong hininga ako.
"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako pinagkakatiwalaan?" tanong ko kay Arjun.
"Hindi ganoon iyon. Ang akin lang e ayaw kitang mapahamak. Maraming tao na ang nawala nang dahil sa akin. At ayaw ko na idagdag kita sa mga taong iyo." seryosong sabi ni Arjun.
Hinawakan nito ang magkabilaang pisngi ko at pagkatapos ay hinalikan niya ang aking mga labi.
Ipinikit ko ang aking mata. Tumugon ako ng halik sa kaniya. Makamundo, matagal, gigil na gigil kaming pareho. Hindi kami tumigil hanggang sa halos maubusan na kami ng hininga.
"I really like you, Jeyriel. Hindi ko nais na mawala ka sa akin. Sana ay pagkatiwalaan mo na lang ako. Ginagawa ko lang ang bagay na ito para sa ikakabuti ng nakakarami." ang sabi ko.
"Pero hindi ko kasi maintindihan kung saan ka nanggagaling. Kung ano man ang problema, alam ko na may maitutulong ako sa iyo kahit papaano." saad ko.
"Kung gusto mo talagang makatulong sa akin ay pagkatiwalaan mo na lang ako. Please, Jeyriel, magtiwala ka na lang sa akin." ani nito at pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit.
Bumuntong hininga ako. Tumango at saka nahiga sa kama namin. Tumingin ako kay Arjun na nakatingin na rin sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Pino-protektahan lang kita." ang sabi ko.
Hindi na ako sumagot pa. Wala na rin namang mangyayari kahit magpilit ako na sabihin niya ang totoong nangyayari. Matigas siya at hinding-hindi bibigay sa akin.
Ilang minuto rin kaming naging tahimik ni Arjun bago may kumatok sa pintuan ng basement.
Nagkatitigan kaming kaagad. Bumangon ako at kinuha ang aking espada. Si Arjun naman ay kinuha ang baril niya. Dahan-dahan itong lumapit sa may pintuan at sinilip sa maliit na butas kung sino ang kumakatok.
BINABASA MO ANG
THE CURE (I'LL FIX YOU WITH MY LOVE)
Gizem / Gerilim(MXM - SPG) JULY 22, 2021 - DECEMBER 29, 2022 YEAR 2022 Okay na ang lahat at balik na sa normal ang karamihan. Kaya nang labanan ang virus, may vaccine na, at higit sa lahat ay hindi na rin kailangan pa na maging ilag sa ibang tao sa pangamba na bak...