DAY 67 (12:47 A.M.)
JEYRIEL POINT OF VIEW"Nasaan tayo?" tanong ko sa aking mga kaibigan.
"Hindi ko alam kung saan banda na itong hinintuhan natin. Basta malayo na sa lugar na pinanggalingan natin kanina." sagot sa akin ni Jerome.
"Saan na tayo pupunta niyan?" tanong naman ni Damon.
"Sa totoo lang ay hindi ko na rin alam kung saan tayo pwedeng pumunta." sagot ni James kay Damon.
"Alam ko ang lugar na ito, nasa may Mexico na tayo, sa bandang Anao. May kakilala ako dito na naging barkada ko dahil sa online game. Baka buhay pa siya at ang pamilya niya at baka matulungan niya tayo." biglang sabi naman ni Jayson.
"Malapit na lang ba iyon dito?" tanong ni Harvey kay Jayson.
"Oo, sumakay na muli tayo sa mga sasakyan natin para maka-tungo na doon." sagot naman ni Jayson kay Harvey.
Ganoon na nga aming ginawa. Muli na kaming sumakay sa aming mga sasakyan at matapos iyon ay pinuntahan na namin iyong lugar na sinasabi ni Jayson.
Habang patungo kami doon, kapansin-pansin na wala kaming nakikitang mga zombies na naglilibot dito at parang napakatahimik din ng buong kalugaran.
Isa pa, may kuryente sa buong lugar at parang walang nangyayaring apokalips dito hindi katulad sa iba.
"Nakikita ninyo ba ang nakikita ko?" tanong ni Martin sa amin.
"Oo, hindi ako makapaniwala na may lugar pa rin pala na hindi nasasakop ng mga halimaw." sagot ko.
"Pero papaano?" tanong naman ni Jomar.
"Posible ba ito?" tanong naman ni Grey Mark.
"Nakikita natin na totoo kaya baka posible." sagot ni Damon kay Grey Mark.
"Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito." sambit naman ni Shaun.
Nagtuloy-tuloy ang pagba-byahe naming iyon hanggang sa tuluyan na rin naming narating ang lugar na sinasabi ni Jayson.
Bumaba kami sa aming mga sasakyan at pagkatapos no'n ay nagtipon-tipon na habang mangha pa ring tinitignan ang kaayusan ng buong paligid.
"Hindi ako makapaniwala na may ganito pa ring lugar." naiiling na sambit ni Jhay.
"Mabuti na rin siguro ito at baka dito na natin matatagpuan ang katahimikan na ninanais natin." sambit naman ni Lawrence.
"Tara, sumunod kayo sa akin. Dito ang bahay ng kaibigan na sinasabi ko sa inyo." biglang sabi naman ni Jayson at makaraan iyon ay naglakad na ito palayo sa amin.
Sinundan namin si Jayson at naglakad na rin kasunod niya. Nang makarating na kami sa lugar na kaniyang sinasabi, kaagad na siyang kumatok sa may pintuan ng bahay ng kaibigan niya at kaagad din naman itong bumukas.
Pagkabukas ng pintuan, bumungad sa amin ang isang lalaki na naka-kunot pa ang noo. Marahil ay nagtataka ito at nagtatanong din kung sino kami.
Ngumiti naman si Jayson at pagkatapos ay hinarap niya ang lalaki. "Nico, Bro'! Si Jayson ito." panimula niya.
"Jayson?" tanong naman ni Nico.
"Tangina nito o, lagi mo akong kakampi kapag naglalaro tayo ng The Legend Bloody Mary" sagot ni Jayson sa lalaki.
"Jayson as in Jayson Slayer?" tanong ni Nico.
"Gago oo!" masayang sagot ni Jayson.
"Gago! Hindi na kita nakilala. Ang laki ng pinayat mo at ang dumi-dumi ng itsura mo." sambit ni Nico.
BINABASA MO ANG
THE CURE (I'LL FIX YOU WITH MY LOVE)
Mystery / Thriller(MXM - SPG) JULY 22, 2021 - DECEMBER 29, 2022 YEAR 2022 Okay na ang lahat at balik na sa normal ang karamihan. Kaya nang labanan ang virus, may vaccine na, at higit sa lahat ay hindi na rin kailangan pa na maging ilag sa ibang tao sa pangamba na bak...