DAMON'S POINT OF VIEW
Takot na takot kami ni Joemer nang marinig namin ang biglaang pagpasok ng mga kung sino sa health center.
Nakita namin ang mga sundalo na may hawak na mga baril. May hinahanap ang mga ito, iniisa-isa nila ang mga silid.
Nagkatitigan kami ni Joemer at tinanong ko kung ano ang dapat naming gawin. Sinabi nito na maghanap kami ng lugar na maaari naming pagtaguan.
Inikot namin ang kabuuan ng silid na aming kinaroroonan at naghanap nang naghanap ng mapagtataguan. Ilang sandali pa, nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pader kung saan naroroon ang isang malaking book shelf.
Madali kaming pumasok sa lagusan na iyon. Ibinalik sa dati ang pader na mayroong book shelf.
Bumukas ang maraming ilaw at napanganga na lang ako nang makita ang isang malaking laborotoryo.
"Shit! Ano ito?" tanong ni Joemer.
"Mukhang hindi lang ordinaryong health center ang lugar na ito. Mukhang mas malalim pa doon ang tunay na layunin ng gusaling ito." ang sabi ko.
Naghiwalay kami ni Joemer at nilibot namin ang lugar. Mukhang may eksperemento nga talaga na ginagawa rito at hindi ko lang masabi kung ano.
Nagtungo ako sa isang opisina at tinignan ang mga papeles na naririto. Napapakunot noo na lang ako dahil hindi ko naman naiintindihan kung ano ang mga nakalagay sa mga papel na aking binabasa. Isa lang ang alam ko, may ginagawang importante sa lugar na ito.
"Ang weird, pero kinakabahan ako sa lugar na ito." ang mahina kong sabi.
"Kahit ako ay kinakabahan." sabi naman ng isang boses sa aking likuran.
Napahawak ako sa aking dibdib at saka tinignan ang nagsalita sa aking likuran.
"Huwag mo nga akong ginugulat." inis kong sabi kay Joemer.
"Nilibot ko na ang lugar na ito at wala naman akong ibang nakita kung hindi mga gamit sa laborotoryo. Siguro kailangan na nating umalis dito, kailangan na nating hanapin si Jeyriel." ang sabi ng lalaki.
Parang nauga ang utak ko. Shit! Oo nga! Si Jeyriel, hindi namin kasama ang boyfriend namin!
"Shit! Nasaan na ba ang ungas na iyon?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam. Hindi ko naman kasi siya napansin na umalis siya." sabi ni Joemer.
"Ano aalis na tayo rito?" tanong ko.
"Ewan ko. Baka naman kasi naroroon pa sila sa taas." sagot nito.
"Okay, dito na lang muna tayo. Mas maiigi nang maging ligtas tayo." ang sabi ko.
"Papaano si Jeyriel?" tanong ko.
"Hindi pababayaan ni Jeyriel ang sarili niya. Magtiwala lang tayo sa kaniya." ang sagot ni Joemer.
Nanatili nga muna kami rito sa kung saan man ang lugar na ito. May nakita rin naman kaming mga pagkain dito na hindi pa naman expired kaya naman hindi kami nagutom.
EIGHT HOURS LATER
"Damon, gising." dinig kong sabi sa akin ni Joemer.
BINABASA MO ANG
THE CURE (I'LL FIX YOU WITH MY LOVE)
Mistério / Suspense(MXM - SPG) JULY 22, 2021 - DECEMBER 29, 2022 YEAR 2022 Okay na ang lahat at balik na sa normal ang karamihan. Kaya nang labanan ang virus, may vaccine na, at higit sa lahat ay hindi na rin kailangan pa na maging ilag sa ibang tao sa pangamba na bak...