JEYRIEL'S POINT OF VIEW
Naririto kami ngayon sa isang abandonadong eskwelahan. Mula nang makaalis kami sa sitio ng mga kanibal, malaki na ang nagbago sa aking buhay.
Hindi na ako masyadong pinapansin ni Damon dahil si Tope na ang inaasikaso nito.
Sobrang sakit dahil nararamdaman ko na ginawa lang niya akong panakip butas. Panakip butas sa puso niyang nasugatan nang magkahiwalay sila ni Tope.
Gusto kong sabihin sa kaniya na nasasaktan ako, ngunit hindi ko magawa. Hindi ko pagmamayari si Damon. Si Tope ang nobyo niya at hindi ako.
Ang tanging kaya kong gawin ngayon ay mag-move on at tanggapin na hindi sa akin itinadhana si Damon.
"Pare." tawag ng isang lalaki sa akin.
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Tope.
"Buti na lang at solar panels ang ginagamit ng eskwelahan na ito para magka-kuryente sila, ano? Ang tagal-tagal ko na ring hindi nakakagamit ng air conditioner. Ang tagal-tagal ko na ring hindi nakakaligo na may hot water." nakangiti kong sabi kay Tope.
"Galit ka ba sa akin?" ang tanong ng lalaki sa akin.
"Bakit naman ako magagalit sa iyo?" kunot noo kong tanong.
"Alam ko ang tungkol sa inyo ni Damon. Hindi ko sinasadya na makagulo sa inyong dalawa." ang sagot nito.
"Hindi ka nakakagulo, ikaw ang tunay na nobyo ni Damon at hindi ako. Ngayong bumalik ka na, nararapat lang naman na ilugar ko ang sarili ko." ang sabi ko.
"Payag ka ba sa throuple?" tanong ni Tope sa akin.
"Ah?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Mahal na mahal ka ni Damon at masakit mang isipin e alam ko na mas mahal ka na niya." ang sagot nito.
"No, mas mahal ka ni Damon. Don't worry, hindi ako manggugulo." ang nakangiti kong sabi.
"Gusto ko lang din kasi na mawala ang mga agam-agam sa isip ni Damon. Payag naman ako na maging boyfriend niya tayong dalawa." ang sabi ni Tope.
"Pero kung papasok tayo sa throuple, kailangan din nating magustuhan ang isa't isa." ang sabi ko.
"Maaari naman siguro natin na gawin iyon para kay Damon, hindi ba?" si Tope.
"Maaari ba na pag-isipan ko?" tanong ko.
"Take your time, pero huwag naman sana na sobrang tagal. Baka kasi ipagdamot ko na si Damon sa iyo." nakangiting sagot ni Tope.
Tinapik ni Tope ang balikat ko at pagkatapos ay lumabas na rin ito sa kwartong kinaroroonan ko.
Bumuntong hininga ako.
"Anong kalokohan naman iyong throuple? Ang hirap-hirap naman nun." ang mahina kong sabi.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Naglakad ako patungo sa may bintana at tumingin ako sa labas ng eskwelahan. Nagkalat pa rin ang mga zombies sa palibot ng lugar. Wala silang katapusan, walang kamatayan.
Nalulungkot ako dahil alam ko na hanggang sa huli ay wala nang pag-asa ang lahat. Alam ko na mamamatay din kaming lahat dahil sa mga pesteng zombies na ito.
Muli na naman akong bumuntong hininga. Naglakad ako patungo sa mahabang sofa at pagkatapos e nahiga dito.
Hindi pa man ako nagtatagal sa ganitong pwesto ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng silid. Kaagad kong tinignan kung sino ang pumasok at nakita ko si Joemer na may dalang pagkain.
"Kagabi ka pa nagkukulang dito sa kwartong ito. Gets ko na sabik ka sa air conditioner, pero kailangan mo ring kumain." nag-aalalang sabi ni Joemer habang palapit ito sa akin.
BINABASA MO ANG
THE CURE (I'LL FIX YOU WITH MY LOVE)
Mystery / Thriller(MXM - SPG) JULY 22, 2021 - DECEMBER 29, 2022 YEAR 2022 Okay na ang lahat at balik na sa normal ang karamihan. Kaya nang labanan ang virus, may vaccine na, at higit sa lahat ay hindi na rin kailangan pa na maging ilag sa ibang tao sa pangamba na bak...