Kumatok ako sa pintuan ng office nang aming department head bago pumasok.Mga ilang segundo rin ako naghintay sa pag sang-ayon ng head namin na papasukin na ako kaya't tumingin muna ako sa label ng door na nakalagay.
Department Head of Obstetrics and Gynecology
Dr. Genevieve Reyes-Salvador, M.D.
Soon pangalan ko naman makakalagay diyan and I can't wait to make it happen.
"Come in." narinig ko na sambit ng department head namin kaya't pumasok na ako. Nakita ko sya sa swivel chair, naka suot ng reading glasses at seryosong nagbabasa ng papers.
"Good afternoon po, Dr. Salvador." pagbati ko sa kanya at hinihintay na alokin niya ako't umupo.
Tumawa sya ng mahina at tinanggal ang glasses niya't tumingin sa akin.
"Don't be so formal Ella, come on sit my dear." malambing na pag-alok ni Dr. Salvador habang hindi nawawala ang mga ngiti niya sa labi. "How are you my dear?" tanong nya sa akin.
Umupo ako sa upuan niya sa harap ng table at ngumiti. "Mabuti naman po ako Dr. Salvador, kayo po?"
"Maayos rin naman and didn't I tell you na stop calling me that? Instead, call me Tita Gen?" pagsaway ni Dr. Salvador sa akin habang nakatingin ng deritso sa aking mga mata.
She always tells me kasi na to call her as Tita Gen but I can't, knowing na boss ko sya and I am aiming to be next in line to hers. Baka kasi sabihin ng iba na nakuha ko ang posisyon as department head dahil sa connections and hindi sa sariling sikap.
"Sorry po Dr. Salva--ah Tita Gen, nasanay lang po." nahihiyang pagdadahilan ko sa kanya at yumuko.
"Ikaw talaga Ella." sambit ni Tita Gen habang umiiling. "By the way, do you know the reason why I called you here?" patanong na sambit ni Tita Gen na ikinabilis kong tumingin sa kaniya at umiling.
"Your assistant called and said na you were always on your office daw at parang hindi na umuuwi sa inyo, totoo ba iyon Ella?" striktong tanong ni Tita Gen na ikinatuyo ng aking lalamunan.
"Paminsan po, mas kumportable po kasi ako sa office kysa bahay." pagdadahilan ko at umiwas ng tingin ky Tita Gen.
"Ella, yes it's normal for us doctors to stay at the office for how many hours. But your assistant said that you stayed there in the office kahit wala ka namang kailangan gawin dun." pag-eexplain ni Tita Gen sa akin habang naka tingin pa rin sa akin ng masama. "Because of that, I will be giving you office leave for 1 month." dugtong pa niya dito na ikinagulat ko.
"Tita Gen I have things to do sa office naman and what about my patients?" natatarantang sambit ko sa kanya.
"I am giving you this for you to rest, masyado ka ng workaholic Ella. It is not good for you and your body."
"Tita Gen—"
"Ella, you are the most skilled and intelligent doctor we ever had. Kaya nga't binibigyan kita nito dahil gusto ko magpahinga ka muna at enjoy your own time." worried na sabi ni Tita Gen at sumandal sa likod ng swivel chair niya.
"How about my patients? They need me Tita Gen, I can't just leave them." nag-aalalang sambit ko sa kanya.
"I'm giving them to Dr. Suarez for a while. Don't worry, she'll take care of them." panatag na sabi niya sa akin habang ako ay hindi, kakompetensya ko rin ito sa position as department head. Alam kong gagawin niya talaga ang lahat para maging department head and when I say lahat as-in lahat.
BINABASA MO ANG
How I became a Mother (On-going)
RomantikGabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastia...