We arrived at the party place at malayo pala ito sa city. Akala ko kasi typical club na nasa center nang city pero hindi pala. I looked around the area and napapagiliran ito ng trees (image below).This is not what I expect it to be like, yung party place kasi is parang bahay lang pero elegant and modern house ito. The place looks crowded though, knowing Vanira na madaming friends talagang mapupuno itong place. The said club looks like not a club but a vacation house. Totoong club ba ito?
Habang napupuno nang mga katanungan ang aking isip ay narinig kong sumigaw si Lucy sa akin.
"Hoy Ella! tutunganga ka lang ba diyan?" taas kilay na tanong ni Lucy sa akin habang sila ay nasa harapan ko at malayo layo na rin.
Inirapan ko nalang si Lucy at patuloy nang lumakad papunta sa kanilang direksyon.
"Here Ella oh, take my hand para hindi ka mawala." concern na saad ni Sophia sa akin habang nilalahad ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko nalang ito at baka mawala nga ako rito, ang dami kasing tao. At inalagay na namin ang mga gifts sa designated gift area before kami pumasok sa loob.
Pagpasok pa lang namin ay ang daming tao na sumasayaw and the place smells like alcohol and cigarettes.
"Heyyy girlss! You all look so fabulous! And thank you for coming, especially you Ella!" masayang bati sa amin ni Vanira at nakipag beso beso sa amin.
She looks sexy and elegant with her red dress (image below).
"Naman noh pinag handaan namin ito." pag mamayabang ni Zara habang nag pose pose pa na ikinatawa ng apat at ngumiti lamang ako.
"Wow girl ha, ginalingan mo dito. Bet ko." papuri ni Lucy ky Vanira habang iniikot niya ang kanyang paningin sa lugar.
"Of course noh di ako katulad mo kasi, pag magbibirthday pang jejemon at kinder party style." pang aasar ni Vanira pabalik sa kanya. Binelatan lang ni Lucy si Vanira nang kanyang dila na ikinatawa ni Vanira.
"Come, let me take you to your table." magiliw na sambit ni Vanira sa amin. Sumunod naman kami sa kanya pero habang nakasunod kami sa kaniya ay may mga guests rin na bumabati sa kaniya along the way kaya't medyo natagalan kaming makadating sa table namin.
BINABASA MO ANG
How I became a Mother (On-going)
RomanceGabriella Divata, a competent Ob-gyn doctor who is a workaholic person and focuses only on being the next Department Head of Obstetrics and Gynecology. But unexpectedly she became a parent guardian to her patient's child, as well as meeting Sebastia...