7th Blood: "Promise"

8.8K 191 9
                                        

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017.

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

7th Blood: "Promise"




"The problem with promises is that once you've made one, it's bound to be broken. It's like an unspoken cosmic rule."


KUNG may isang bagay man na kinamumuhian si Raven sa tanang

buhay niya, iyon ay ang mga taong pilit na inaalam kung sino siya, ano siya, at bakit siya ganoon. Hindi una at hindi magiging huli ang bampirang katabi niya sa kotse at ang dalawang babae sa likuran nila na lubhang nakakairita na sa sobrang ingay. May mga nauna sa kanila pero lahat ng mga iyon at nagsawa rin at nilubayan siya. May ilang dinispatya niya, tinanggalan ng alaala kapag hindi na niya nakakaya pang tiisin ang pagkarita niya sa kanila.

At tiyak na kapag sinabi niya iyon sa tatlong ito'y lalo lamang mapapaigting ang kanilang paniniwala na isinarado nga niya ang kanyang emosyon. And maybe they were right. She had lived a long, suffering life. A life nobody would want to wish for. At siguro'y isa ngang conscious na desisyon ang pagtatanggal niya sa kanyang emosyon. All the pain... the guilt and the hope that would eventually wither away... it was hard for Raven to bear.

Narinig na niya iyon dati. Many many years ago. The art of switching off humanity. Naniniwala ang mga imortal na kapag isinarado nila ang kanilang emosyon, they are also turning off their humanity, enabling them to be remorseless calculating killers. Pero hindi alam ni Raven na ganoon pala iyon. The feeling of not feeling anything. Not until of course that fateful day when Kill brought her to the vampire banquet.

Noon siya muling nakaramdam ng tunay na emosyon. Awa sa mga babaeng iyon, galit at inis—tunay na galit at inis—kay Kill dahil sa mga ginagawa nito. That's where it started. Unti-unti, hindi na niya nakakayang pigilin ang pag-alpas ng mga emosyon niya. When Tsuka and Quincy came around, she realized they bring out more of those from her. She felt happy when Tsuka asks funny questions, she felt worried that Quincy would get in trouble with the Colony everytime he speaks against them.

At ngayon, habang pinagmamasdan si Victoria sa rearview mirror, she feels the same worry. Same dull ache in her guts. Biglang-bigla'y parang hindi siya makahinga. Pakiramdam niya'y nata-trap na naman siya sa kadilimang iyon.

"S-stop the car. Stop the car!"

Litong bumaling sa kanya si Kill. Ayaw niyang makausap ito. Ayaw niyang makita ang nakakalunod nitong emosyon sa mga mata. Kaya't nang huminto ang sasakyan sa gitna ng highway ay kaagad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at nagtatakbo palayo roon.

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon