1st Blood: "Poison Kiss"

23.4K 432 24
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017.

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM


1st Blood: "Poison Kiss"




"False tears are capable of hurting other people. False smiles are capable of hurting one's self."


THIS is the time of the month when Raven practically hate everything Academy wise. Ngayon kasi ang araw na nakatakda siyang rumonda sa napakaingay na mga pasilyo ng eskwelahang ito, bagay na ayaw na ayaw niyang ginagawa dahil ang ibig sabihin lamang niyon ay magugulo ang tahimik niyang mundo sa loob ng kanyang Black Room.

"Good morning, Raven! Nice to see you going around!"

"Good morning, Miss Raven!"

Magandang umaga, Miss!"

Sinuklian niya ng ngiti ang mga sunod-sunod na pagbating iyon ng mga estudyante na hilerang nakatambay sa hallway ng Black Room at Library. Iyon lang kasi ang tanging lugar sa hallway na tahimik at walang mga delinkwenteng black bloods ang nanggugulo. Palibhasa'y malapit lamang kasi sa Black Room na nagsisilbing quarters at opisina niya kaya't isang sumbong lamang o kakarampot na ingay ay matatapos ding kaagad.

Kabaliktaran naman iyon sa kabilang dako: ang tinatawag nilang Black Hallway. Doon namamalagi lahat ng pasaway na estudyante ng Academy. Lahat sila'y pawang mga black bloods, mga imortal at talents na minsa'y pumapasok lamang ng Academy para magbalatkayo at minsan naman ay talagang kailangan o gusto na rin.

At dahil nga may taglay ang mga itong kakatwa at kamangha-manghang mga abilidad na nakahihigit sa isang normal ng tao, may lakas na loob ang mga itong manggulo at magrebelde. Kung kaya nga kapag toka na niya sa pagronda'y ito ang lugar na ayaw na ayaw niyang

pinupuntahan.

"Second burn, fix your clothes," wika niya sa isang babaeng black blood na nakikipaghalikan sa kapwa babae. Raven shuddered at the image.

"What the hell? You again, Raven!" matinis na pahabol na sigaw ng babaeng nilagpasan niya lamang.

Inis siyang napabuga ng hininga.

Raven. Courtney Raven Weinlord ang buo niyang pangalan. Karamihan sa mga black blood ay nasanay siyang tawaging Raven dahil ayon sa mga ito'y tuso, mapanlinlang, at bayolente raw siya na gaya ng isang uwak.

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon