5th Blood: "Foolish"

9.9K 224 18
                                        

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017.

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

5th Blood: "Foolish"




"The wise are wise only because they love. The fools are fools only because they think they can understand love."


NANG pumasok sa kanyang homeroom si Raven kinabukasan ay nakita niya si Victoria na nakaupo sa silya niya. Kumunot ng husto ang kanyang noo at nakaramdam ng bahagyang inis. Lahat ng silya sa Academy ay may name plaque sa ibabaw ng desk para madaling malaman kung saan nakaupo ang isang estudyante at madaling mapagkilanlan ng mga guro ang pangalan. Hindi ba nito nakita ang kanyang plaque?

"Excuse me, pangalan ko ang nakalagay sa silyang 'yan. That's my seat, Victoria." May talim na sabi niya sa pumiksing dalaga. She woke up on the wrong side of the bed today at wala siya sa mood na magpasensya.

Agad na tumayo si Victoria, namumula ang mukha nito na tila nahiya bigla. "P-pasensya na, hindi ko nakita."

Nagpalinga-linga ito, hinahanap marahil ang pangalan. Mukha namang totoong hindi talaga nito alam ang tungkol sa plaque. Kakapasok lang siguro nito sa silid nang madatnan niya at umupo na lang sa isang random seat. Mabilis na lumipat si Victoria sa silyang katabi niya nang mahanap nito ang pangalan. Si Raven naman ay naupo na sa kanyang silya at sumubsob sa mesa.

She was yet again plagued with dreams of darkness and that voice. Hindi rin siya nakatulog ng maayos dahil sa pag-aayos ng mga kailangan ni Victoria at ng mga Black Beasts. She facilitated the restoring of Earl, iyong bahay na ginagawang quarters ng Black Beasts noon sa loob ng Academy. That was maybe why she was so pissed off this morning. Hindi kasi talaga maganda ang kanyang mood ngayong araw.

"Uhm... natatandaan mo'ko? Nagkita na tayo dati. Roughly eight or nine years ago. I dressed you up. I'm Victoria Stealth. Ikaw si Raven, di ba?"

Hindi na siya nag-angat ng mukha mula sa desk ngunit mula roon ay napairap siya. Damn hard-headed woman. "Aren't you told not to use Stealth anymore? Ang sabi sa akin, from now on while staying in this Academy, you are to be named Victoria Lewis para itago ang identity mo at hindi ka kuyugin ng mga taong galit sa 'yo. Why are you using that as introduction?"

"Uhm... I just thought it would be senseless kung magpapakilala ako bilang Victoria Lewis since you... you know who I am."

"Hindi ba't mas senseless na balewalain ang effort ng mga taong gustong pumrotekta sa 'yo?"

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon