10th Blood: "Cupcake"

8K 196 19
                                        

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017.

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM





10th Blood: "Cupcake"




"Love is when the other person's happiness is more important than your own."




NILAPAG na ni Raven ang mga gamit niya sa desk pagkatapos ayusin sa

bulletin board ang mga announcements at events na gaganapin sa susunod na linggo. Unti-unti na ring umiingay ang homeroom, senyales na nagdadatingan na ang mga estudyanteng nakarinig ng unang bell para sa unang klase.

"Hey, Court. Good morning." Nakangiting bati ni Victoria na naupo sa silyang katabi niya.

"Hey, morning."

"Hindi ko nakita si Kill, ah. 'Di ka niya inihatid?" Alam kasi nina Victoria at Chiri na sa bahay niya nanatili si Kill buong magdamag.

"Sumabay siya kanina. Kaso tinakbuhan ako."

Kumunot ang noo ng kausap. Patuloy lang si Raven sa pagdidikit ng mga cards na naglalaman ng bagong schedule for the draft next week. "Bakit ka niya tatakbuhan?"

"Hindi ba siya sanay na makakita ng rejected reaction kapag nagbibigay ng stuff toy?"

Nakita niyang tinakasan ng dugo sa mukha si Vic. Namutla ito at feeling ni Raven ay parang hihimatayin pa nga. "W-well... n-never naman kasi talagang nagbigay si Kill ng s-stuff toy sa kahit na kanino."

Kumunot ang noo niya. "Sa tagal ko sa Academy na ito, lagi ko siyang naaalalang may kasamang babae. Bali-balita nga madalas sa mga Templars no'n na parang damit lang kung makapagpalit siya ng ka-relasyon. So how come hindi pa siya nakakapagbigay ng stuff toy kahit na kanino?"

"Hindi mo kasi naiintindihan. Flings lang ni Kill ang mga babaeng 'yon. Sila 'yong mga tipo na walang ibang habol kung hindi 'yong... 'yong ano... sa bed department."

Noon niya naunawaan. "Ah, kaya pala." Kung sabagay, maski naman siya'y hindi niya pagkakaabalahan ang mga lalaking gagamitin lang niya for a purpose.

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon