9th Blood: "Need"

8.1K 172 15
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017.

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

***

9th Blood: "Need"




"The entire sum of existence is the magic of being needed by just one person."




"HEY, Courtney. Okay ka lang?"

Tumingin siya sa salamin and Victoria was there behind her looking worried. Ni hindi man lang niya ito namalayan. "Kanina ka pa?"

"Kakapasok ko lang. May... problema ka ba?"

Umiling siya bago kumilos para kunin ang tissue sa purse niya. "Wala, okay lang ako. A little disturbed but fine."

Ipinahid niya ang lipstick ko sa kanyang labi. She fixed her hair, her face na nabasa ng tubig, and everything that is needed fixing.

"Does it have something to do with Kill?" muli na namang tanong ng dalaga.

Sinadya niyang tumigil at tignan ito sa salamin. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Victoria. Bakit ang bait mo sa akin? Sa amin? Hindi ba dapat pinipigilan mo ito? I mean ikaw ang nagmamahal sa kanya at—"

"...at ikaw ang mahal niya, Courtney."

"That's bullshit."

"Yes, I find it bullshit too but hey, he wouldn't last that long if that isn't true. Hindi niya sinasabi pero alam ko, alam ng mga taong nakapaligid sa kanya, alam ng mga taong nakakakita sa ikinikilos niya. Sa pagtingin sa mga mata niya kapag tumitingin sa 'yo, sa ngiting bihirang sumilay sa labi niya pero laging naroon kapag nakakausap ka niya. Sa kahit na ano'ng sandali lang, kahit nga magkasalubong kayo, maayos na siya ro'n eh. Okay na siya. Kailangan niya lang ng isang sandali na kasama ka, kuntento na siya."

"Why?" And that is the big question. Wala siyang ibinibigay na motibo para makaramdam si Kill ng ganoon sa kanya. Ni hindi niya nga halos maalala ang mga sandaling nagka-engkwentro silang dalawa eh. Hindi niya maunawaan ni Raven ang dedikasyon ni Kill na ibalik ang kanyang mga emosyon. Hindi niya maunawaan ang binata.

"Wala namang pinipiling rason ang pag-ibig kapag nagmamahal ka, Courtney. Mahal mo siya, iyon na 'yon. Hindi mo na kailangan ng iba pang dahilan. Hindi mo kailangan ng kahit na ano'ng bagay, dahil siya lang ang kailangan mo. You need him like water, like air to breathe, like shelter but without no reason at all. You need him because you love him. Gano'n siya sa 'yo, Courtney. Kailangan ka niyang makita dahil mababaliw siya kapag hindi."

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon