Chapter 121:Pagsasakripisyo

443 23 319
                                    

For now,happy na muna tayo.Mabubuo na lahat ng mga puso na yan😂

Di na tayo mananakit ngayon,promise

Anyways,happy reading😊

Francine's Pov
Ilang araw na kami dito sa batanes dahil hinintay muna namin ang recovery ni blythe and thankfully,hindi malala yung naging tama ng bala sa kaniya.

Mabilis nga ang naging recovery ng kapatid ko,sabi ng doctor baka ngayon daw pwede nang idischarge si blythe.

Si seth at justin naman nauna nang bumalik sa Manila nung araw din na dinala na sa manila si grae para ikulong.Sila kyle naman ay pinahatid na kahapon ni dad pabalik ng manila.

Umaga pa lang ngayon pero busy na sila dad at mom sa pagaasikasa ng papers ni blythe para madischarge na siya at makaalis na din kami maya maya.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan si kyle pero hindi nanaman sumasagot si mokong.Nagtatampo pa din siguro kasi pinauwi ko kahapon haha...hayaan niyo na siya,parang bata kung magtampo eh

"bakit nakasimangot ka nanaman?"tanong ko at umupo sa gilid ni blythe
"nabobored na ko dito eh,okay na ko kaya uwi na tayo"sambit niya
"uuwi na nga tayo mamaya,inaayos lang nila dad yung hospital bill mo"sagot ko
"finally! i miss manila"sambit niya at ngumisi naman ako
"manila ba talaga miss mo? os yung nasa manila?"mapang asar na tanong ko
"syempre namiss ko na din sila jay at ac pati si althea"sagot niya
"eh si seth? miss mo din ba?"nakangising tanong ko
"hindi! bakit ko naman mamimiss ang taong walang pakialam sakin?"sambit niya sabay crossed arm
"paano mo naman nasabing wala siyang pakialam sayo?"tanong ko
"kasi umuwi agad siya,hindi man lang niya hinintay na magising ako"naiinis na sambit niya
"sabi ni seth may importante pa daw siyang aayusin sa manila kaya umuwi agad"sambit ko
"mas importante pa kesa sakin? hays,dapat inamin niya na lang na talagang wala na siyang pakialam sakin or in other words,im not his priority anymore"dagdag pa ni loka
"sissy hindi totoo yan...kung wala siyang pakialam sayo bakit sumama siya dito sa batanes? sissy sobrang nag alala din siya sayo,naaksidente pa nga yan kakahanap sayo"sambit ko at napatingin naman siya sakin
"naaksidente?"nagtatakang tanong niya
"oo,naaksidente habang nagmamaneho sa kakahanap sayo"sambit ko at halata namang nagulat siya
"gagawin niya ba yun kung wala siyang pakialam sayo?"tanong ko
"then bakit umalis agad siya? nung nagising ako siya yung unang hinanap ko pero wala na pala siya,umuwi siya sa manila nang di man lang nagpaalam sakin"sambit niya nagpipigil ng luha
"oh wag ka nang umiyak,wag ka na ding mag isip nang kung ano ano"sambit ko at hinagod ang likod niya
"siguro sissy hindi talaga kami ang para sa isat isa no? kasi kung kami talaga diba dapat kami na ngayon?"tanong niya at nagpunas ng luha
"kung kayo talaga magiging kayo,hindi mo masasabi kung kailan pero dadating ang tamang oras at tamang pamnahon"sambit ko na kinabuntong hininga niya
"ewan ko,basta final na talaga to...wala na kong ibang mamahalin kundi siya lang"sambit ni blythe
"si seth lang?"pang aasar ko
"hindi sissy! siya lang! yung una't huling lalaking minahal ko"paglilinaw niya at tumawa na lang ako
"kaya nga,so si seth nga lang?"nakangising tanong ko
"hindi nga siya!"may diin na sagot ni blythe
"so kapag nakita mo si seth,dedma na lang ganon?"tanong ko
"oo"sagot niya
"eh bakit sabi mo siya lang ang una't huling mamahalin mo?"nakangising tanong ko ulit
"hindi nga siya yung tinutukoy ko sissy!"naiinis na sambit ni blythe
"di mo sure"natatawang sambit ko
"anong di mo sure?"may pagtatakang tanong niya
"wala"sagot ko
"ano nga?"pangungulit niya
"malaman mo ang sagot pagdating natin sa manila"sambit ko na kinairap na lang niya bago manahimik.

We knew everything...sinabi na samin lahat ni seth bago pa siya umuwi sa manila.

"sissy"sambit niya habang nakatulala
"hmm?"tugon ko
"paano kaya kung hindi ako nakawala kay grae o kaya napatay niya ko?"tanong niya na kinalaki ng mata ko

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now