Ika-3 ng Mayo, taong 2020
Kyle,
Maaaring sa puntong ito ng ating buhay ay hindi pa ring kayang magtugma ang ating mga nadarama. Alam mo ba kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nagsusulat ng mga liham at tula para sa iyo?
Siguro—kasi hindi ko kayang tumigil, ayaw kong tumigil kahit wala na namang patutunguhan pa. Siguro—kasi ikaw lang 'yong nag-iisang inspirasyon at paksang aking mabubuo. Ikaw lang, Kyle. Siguro kung isinilang lang akong maganda, may balingkinitang katawan, mala porselanang kutis—kabigha-bighaning itsura, siguro iibigin at papansinin mo rin ako. Siguro may malaki akong tiyansa na magkaroon ng espasyo diyan sa puso mo.
Hindi ko makita ang sarili kong may minamahal na iba—bukod sa iyo. Hayaan mo lang akong ibigin ka—at hahayaan kitang ibigin siya. Sapat na iyon sa akin. Patawarin ako ng Diyos sa paghahangad ng mga bagay na hindi na maaaring maging akin pa. Patawarin mo ako sa paghihintay sa iyo. Patawarin mo ako sa pananatili ko. Kyle, batid kong wala talaga tayong pag-asa pang magkatuluyan—pero kapag dumating man ang pagkakataon—sa susunod nating mga buhay, na pwede nang magkaroon ng tayo, tiyak kong lubos pa kitang mamahalin.
Alam kong wala pa ako sa wastong edad, wala pa akong napapatunayan sa iyo at sa sarili ko—pero batid kong mahal na talaga kita, hindi man pagmamahal na kaya mong suklian—pero pagmamahal na kayang maghintay kahit gaano pa katagal. Hihintayin kita—kahit umabot man ng ilang dekada, kaya ko. Kahit pa siguro pumuti ang aking buhok o kumulubot man ang balat. Kahit pa siguro magkaroon ka pa ng sarili mong pamilya, magkaroon ng malulusog at matagumpay na mga anak at makukulit na mga apo—siguro kasi hindi ko makita ang sarili kong nagmamahal ng iba—gaya ng pagmamahal ko sa iyo.
Hangad ko lamang ay ang iyong tunay na kasiyahan—kahit sa piling man ng iba—ayos na sa akin, makita ko lang na masaya at malusog ka—sumasaya na rin ang puso ko. Naniniwala ako na minamahal kita gamit ang utak ko—pero katuwang nito ang aking puso. Kyle, kapag naisipan mo nang mahalin ako—kapag naisipan mo nang piliin at pulutin ako—huwag kang magdadalawang isip na puntahan ako sa kinaroroonan ko—o sabihin sa akin ng direkta, kasi naghihintay lang ako.
Mahal na mahal kita—kahit sobrang sakit na. Sa tuwing nakikita ko ang larawan niyong dalawa—naglalaban 'yong tamis at pait. Naglalaban 'yong sakit at kilig. Naglalaban 'yong tuwa at lungkot. Naglalaban 'yong luha at tawa. Kasi Kyle—totoong masaya ako para sa iyo—para sa inyong dalawa. Kitang-kitang naman kung gaano niyo kamahal ang isa't isa—masaya ako para sa iyo pero hindi ko rin maiwasang maluha at masaktan.
Nakakainggit lang kasi—ano kaya 'yong pakiramdam na minamahal at pinapahalagan ng isang tulad mo? Ako nga na kahit ni minsan ay hindi mo ginusto at minahal ay masaya pa rin kasi alam mo ang existence ko(kahit hindi naman halata) dito sa mundong ginagalawan natin. Ang swerte niya sa iyo—kaya sana huwag ka niyang sasaktan. Ayaw kong masaktan ka—hindi ko kakayaning malaman na nasasaktan ka—kahit ako na ang masaktan at magdusa—huwag lang ikaw. Gusto kong maging masaya ka palagi—kahit hindi ako ang dahilan nito.
Siguro nga—nagsasawa ka na sa pagiging madrama ko. Ganoon ba ako ka manhid para hindi mapagtanto na ayaw mo talaga sa akin? Oo, ganoon nga ako ka manhid. Kasi kahit halata namang hindi mo talaga ako kayang gustuhin, nananatili pa rin akong nandito para sa iyo. Hindi mo man ako tingnan pabalik—gaya ng pagtingin ko sa iyo. Hindi mo man ako kayang gustuhin, gaya ng pagkagusto ko sa iyo. Ayos lang.
Ikaw 'yong pangarap kong ang hirap-hirap maabot. Ikaw 'yong bituin na hinding-hindi mahuhulog sa akin. Ikaw 'yong kantang hindi ko kayang sabayan. Ikaw 'yong dagat na hindi ko kayang layungin. Ang layo-layo mo sa akin. Ang hirap-hirap mong abutin. Kahit minsan ang lapit mo lang sa akin.
Gusto kong mamuhay ka ng masaya at matiwasay. Gusto kong makamit mo ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay. Laban lang future Chef!
Hihintayin pa rin kita...
— L
YOU ARE READING
Letters to Kyle
Non-FictionLetters I wouldn't send to him. -We all have that one person in our lives whom we always look up to. The kind of person that gives us butterflies without even trying. The person that we always chase... Read the letters that would remain unsent.