Morning After

346 14 1
                                    

XI

Habang nakatitig si Pinky sa side mirror ng Revo ni Blue ay nagre-rewind sa ala-ala niya ang mga paliwanag ni Neil.

"I'm sorry, Pinky. Ginamit lang kita. Dumating ka sa buhay ko noong panahong kailangan ko ng po-protekta sa akin."

Magkatabi silang nakaupo sa sofa sa unit nito. Malungkot ang mukha ni Neil at ilang sandali pa ng katahimikan ang namayani sa kanila bago ito nagpasyang magsalita.

"I'm gay... Ito ang totoong ako."

Nagkariringgan yata siya sa sinabi ni Neil. "I beg your pardon?"

"I said I'm gay... Pinky, I'm sorry." Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa kanyang lap.

Nang malinawan sa sinabi ni Neil ay nanayo ang kanyang mga balahibo sa pagkagulat at bumitiw sa pagkahawak ni Neil sabay sapo sa naninikip niyang dibdib. Atakihin yata siya sa puso.

"Hindi pa ako noon handang lumantad kaya niligawan kita. Nag-propose pa ako ng kasal para lalong pagtakpan ang totoong ako. I love my father so much kaya ayaw ko siyang biguin at bigyan ng kahihiyan sa pamilya. Isipin mo na lang, army general si papa, ang mga kuya ko ay lehitimong macho samantalang ako ay isang bakla. Siguradong, susumpain ako ng pamilya."

Bagamat hirap siyang tanggapin ang mga isiniwalat ni Neil, she could feel the truth in his words. But those words he said literally stabbed her heart one by one.

"Gusto kong uminom. Gusto kong kalimutan ang mga nangyayaring ito." Her heart felt the stabbing pain again. Para iyong blade na unti-unting humihiwa sa kanyang puso.

"You know drinking won't help," sagot ni Blue habang nagda-drive.

"Please..."

"Di ako bakla-kla-kla-kla-kla-kla. Di ako shok-la-kla-kla-kla-kla-kla. Nililinlang ko lang ang iyong paningin, babae po ako!"

Hindi na makagalaw sa Pinky sa pagkatutok ng mata sa stage ng bar kung saan siya nagpapakalasing dahil lubhang naparalisado na siya nang makita ang pangunahing performer. Hayun at pakembot-kembot at pumipilantik pa ang kamay habang aliw na aliw sa pagkanta. Paano ba naman siya makakahinga ng maluwag kung pati sa pagdadalamhati ay sinusundan siya ni Neil at ibinabandila sa pagmumukha niya na out na out na ito sa pagiging miyembro ng pederasyon?

Todo bigay sa pagkanta at pagsayaw ang hitad sa stage. Nakita siya nito at lalapitan pa sa kanyang mesa. Sa sobrang pagkataranta ay nagtatakbo siya sa may pintuan papalabas ng bar pero naharangan siya nito. This time nakapagpalit na ito ng costume. Outfit naman ni Darna ang suot.

"I'm sorry Pinky. Patawarin mo ako," sabi nito habang pinipigilan ang kamay niya.

"Bitiwan mo ako! Let me go, Neil! Let me go!" malakas na tili niya. Ayaw niya itong tingnan kaya pilit niyang iniiwas ang mata.

"Anong nangyari sa iyo Pinky?"

Pagmulat niya ng mata, naroon si Blue sa tabi ng sofa.

"Bad dream?" Nagsalin ito ng tubig mula sa pitsel sa baso na nasa center table at ibinigay iyon sa kanya. "Here."

Noon lang niya napansin na nasa isang silid pala siya at nakasisigurong hindi niya silid iyon. "Nasaan tayo?" Nakahiga siya sa single sofa bed.

Hawak pa rin nito ang baso ng tubig. "Nandito tayo sa office ko sa itaas ng bar.

Kapag kasi hindi ako makauwi sa bahay dito na lang ako natutulog."

Typical bachelor's room. Katamtaman ang laki, puti ang pintura ng pader, may cabinet, office table at iyong sofa bed na hinihigan niya ngayon ay kalapit ng mesa nito. Nakaupo si Blue sa executive chair na inilipat sa tabi ng sofa.

Pink & Blue = GrAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon