Pinky

848 19 3
                                    

I

"Tulala ka na naman Pinky. Siguro nakasalubong mo ang crush mong si Tiger Blue Concepcion sa hallway no?" panunukso sa kanya ni Serena nang tabihan siya nito sa school canteen.

Agad niyang itinago sa bag ang love letter para kay Tiger. Ihuhulog niya ito mamaya sa post office. Di niya nilagay ang totoong pangalan.

Vacant period niya nang puntahan siya ng kaibigan sa campus ng St. Bridgette College. Foundation day ng school kaya irregular ang mga klase. First year high school siya samantalang sa St. Therese Academy naman naka-enroll ang best friend niya na freshmen rin. Magkalapit lang ang mga school nila kaya madali nilang madalaw ang isa't-isa. Ayaw kasing pumayag ng mommy ni Serena na sa St. Bridgette mag-aral ang anak dahil mas mahal daw ang tuition fee sa St. Therese. Pang-low class daw ang school nila. Kahit medyo matapobre ang nanay nito ay di noon nahadlangan ang pagiging mag-best friend nilang dalawa.

"Ewan ko ba Serena kung bakit nauubusan ako ng hininga kapag nakikita ko si Tiger," kinikilig pang sagot niya.

"Bakit ba naman kasi Tiger ang tawag mo para tuloy hayop ang dating. Blue na lang kaya," kinuha nito ang merienda niyang Pringles sa mesa.

"Cute kaya ang Tiger. Lalaking-lalaki," pagtatanggol niya sa crush. "Ang galing kaya niyang mag-volleyball."

Naging crush niya ito dahil sa galing mag-spike. Pamatay ang mga spike attacks ng fourth year at campus figure na si Tiger.

"Nabubulagan ka na Pinky. Wala namang kadating-dating ang totoy na iyon. Kung iyong pagiging star player lang ang nagustuhan mo sa kanya mawawala rin iyang pagka-crush mo. Dapat kilala mo ang ugali niya. Ano iyong mga likes at dislikes niya? May girlfriend na ba siya?"

"Ouch!" sabay hawak sa dibdib niya. "Masakit pakinggan iyang sinabi mo."

"Di ba? Clueless ka sa kanya. Magkasama nga kayo dito sa campus pero wala kang alam tungkol sa kanya"

"Nag-research po ako. Nalaman kong aside from volleyball hilig din niya ang basketball."

"Ano pa?"

"Iyon pa lang."

"Para iyon lang. Narinig mo lang yata yan sa kaklase mo."

"E, anong masama? Bigyan mo pa ako ng time. Makikilala ko rin siya."

"Sana makilala ka rin niya. D'yan ka na nga muna. Bibili lang ako ng soft drinks." Tumayo si Serena at nagpunta sa counter. Natatawang pinag-trip-an niya ang dalawang pigtails nito na nag-sway sa hangin.

Sisipatin sana niya ulit ang sulat nang biglang tumunog ang beeper niya. Galing sa mommy niya ang mensahe. Pinaalalahanan siya nitong umuwi ng maaga dahil may lakad ang mga ito. Kapag nakabalik si Serena ay aayain na niya itong umuwi. Itinago niya ang beeper sa bag at tiningnan ang kaibigan sa counter kung nakabili na ng soft drinks. Pero wala ito roon. Habang naghihintay ay pinasadahan niya ulit ang sulat.

"Ikaw ba si Pinky?" tanong ng babaeng namumukhaan niyang fourth year sa school. May kasama itong dalawang babae nang lumapit sa kanya.

"A-Ako nga si Pinky. Pero marami kasing Pinky sa campus. Kung Pinky De Vera ang hanap n'yo, that's me."

"Sige, piringan at posasan na iyan," utos ng babae.

"Teka-teka, ano ba ito?" Napatayo siya.

"May nagpahuli sa iyo kaya kailangan mong sumama sa amin. Pero kung may two thousand pesos ka, hindi ka na namin huhulihin."

Iyong allowance na five hundred sa buong linggo lang ang laman ng wallet niya. Lunes pa lang, mawawalan siya ng pera. Baka di na siya bigyan ng mommy niya. "Sige po, hulihin n'yo na ako." Iniabot pa niya ang dalawang kamay. Sino kaya ang nagpahuli sa akin?

Piniringan ng mga ito ang mata niya at nilagyan ng posas ang kamay. Habang papunta sa jail booth ay gina-guide siya ng mga ito sa paghakbang. Hint niyang si Serena ang may kagagawan. Malamang ay tumatawa na ito habang pinapanood siya.

"Pasok dito. Iyong upuan Cherry," narinig niyang sigaw ng isa sa mga humuli sa kanya.

"Tanggalan iyan ng piring," narinig niyang muli.

Pakiramdam niya ay maraming tao sa loob ng booth dahil masikip ang dinaanan nila at laging nag-e-excuse ang mga kasama niya.

"Upo ka dito," sabi ulit sa kanya. Naupo naman siya.

"Bago ko tanggalin ang piring mo, heto ang mga paalala, Di ka puwedeng lumabas sa loob ng fifteen minutes. Kung may mag-bail sa iyo ng five hundred pesos makaka-alis ka na."

"Teka, may five hundred ako," aniya.

"Sorry, di puwedeng i-bail ang sarili. Heto na, aalisin ko na ang panyo."

Pagkatanggal ng panyo ay bumulaga sa harap niya si Tiger. Magkasama sila sa iisang "selda."

"Sino naman ang isang ito? Kayo talaga kung sino-sino ang pinapahuli n'yo para maka-ipon ng fund. Hi. Pasensiya ka na kung magkakasama tayo sa loob ng fifteen minutes. Ako nga pala si Tiger. Anong pangalan mo?"

Natulala siya. Katulad ng nararamdaman niya pag nakakasalubong ito ay di na naman siya makahinga. Ngayon pa kayang kaharap niya ito at kinakausap?

"Freshmen ka ba? Parang ngayon lang kita nakita."

"Ako si---" Unti-unting nanlabo ang kanyang paningin. Blanko na ang mga sumunod na pangyayari.

__________

*040215
#PnB01
VOTE 💖
COMMENT PLS...

Pink & Blue = GrAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon