Why Are You Not Attracted To Me?

348 17 4
                                    

XIII

Hindi natuloy ang island hopping nilang tatlo. Pare-pareho kasi silang tinanghali ng gising. Di kasi siya makatulog sa kakaisip sa nangyaring halikan nila ni Blue at sa mga salitang binitawan nito.

Dapat ba siyang mag-apologize?

Siya na nga ang nanakawan ng halik siya pa ang magso-sorry? Kaya tuloy ang drama nila ni Blue sa fiesta kina Aaron ay ang mag-iwasan. Buti na lang at accommodating si Aaron at palaging nakaalalay sa kanya. Pinagtyagaan na lang niya ang company nito.

"Nag-away ba kayo ni Blue?" tanong ni Aaron. Dinalhan siya nito ng fruit salad at ice cream sa mesa nila.

"Hindi. Bakit naman kami mag-aaway?" depensa niya.

Magkasamang kumakain si Blue at Buddy sa kabilang table dahil nagpahuli ang mga ito kaya naki-table na siya kina Aaron at Lander. Naiwan pa sa resort sina Mark at Cheska dahil sa mga bagong divers na dumating.

"Ows? Bakit di kayo nag-uusap?" sabat ni Lander.

"Kayo talaga mga tsismoso kayo. Para di lang kami nag-usap nag-away na agad."

"Di naman kayo ganyan kahapon," susog ni Aaron.

Natawa siya. "Okay lang kami. Ano ba kayo?"

"Kung okay kayo sige nga at tawagin mo siya doon sa kabilang table," dare ni Lander.

"Ayaw ko nga. Kumain na lang tayo. Ang sarap nitong fruit salad. Dyowa mo ba Aaron iyong magandang babae na kausap mo kanina?" Sinubukan niyang ibahin ang topic.

"Si Lorena ba ang tinutukoy mo?" Nanlaki ang mata ni Aaron at parang nag-twinkle pa.

"D'yan muna kayo. Kukuha lang ako ng lechon," paalam ni Lander.

"Oo. Iyong morena na matangos ang ilong."

"Ang ganda niya di ba? Kababata ko iyon. Matagal ko na nga siyang type kaya lang di naman ako pinapansin."

"Iyang laki mong iyan tsope. Sayang lang ang mga pagpaparinig mo sa kin kagabi na crush mo ako kung hindi mo naman magawa iyon kay Lorena."

"Ikaw naman masyadong pranka. Crush naman talaga kita kaya lang matagal ko ng love si Lorena."

Napailing siya sa ka-corny-han ni Aaron. Eksakto namang napatingin siya kina Blue. Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Nag-iwas kaagad siya ng tingin. Sa sandaling pagtama ng kanilang paningin ay bumilis kaagad ang tibok ng puso niya.

"Kung iyong pagkakulit mo ay ginagawa mo kay Lorena baka napansin ka na noon. May hitsura ka naman. Sabi nila Blue maayos naman daw ang negosyo mo. Bakit hindi mo magawang sabihin ang totoong feelings mo sa kanya?"

"Ewan ko ba. Sabi nga nila pag true love daw ang tumama sa isang tao nagiging illogical," pailing-iling ito.

"Ikaw rin, baka maunahan ka ng iba. Maganda si Lorena at sigurado akong marami ang maghahabol sa kanya."

"Ano ba ang gagawin ko?" parang hopeless na si Aaron.

"Sige, mag-iisip ako ng paraan."

Masaya naman palang kasama si Aaron. The whole time na naroon sila sa bahay ng mga ito ay nag-enjoy siya. Ipinakilala siya nito kay Lorena. Nalaman niyang wala pa itong boyfriend at sa tema ng kuwentuhan nila ay naramdaman niyang may gusto rin ito kay Aaron. May naisip tuloy siyang paraan para magkaroon ng pag-asa ang mga damdamin ng dalawang pusong nagpapakiramdaman. She wants to play cupid.

Nakahiga na si Pinky sa kama niya sa resort nang may marinig na katok sa pintuan. Wala pa rin si Cheska kaya tumayo na siya para pagbuksan ito. Ginawa nga lang ni Cheska na bihisan at paliguan ang room na kinuha nila dahil lagi naman itong nasa room ni Mark.

Binuksan niya ang pintuan at si Blue ang tumambad sa kanya. Parang katulad ng eksena kahapon. Buti na lang at iyong disenteng pantulog ang naisuot niya, sweat pants at Sponge Bob na cotton shirt. Di na niya kailangang magpalit bago harapin ito. Nag-alangan siya kung paano pakikiharapan ang lalaking laman ng isipan kanina pa habang siya ay nakahiga.

Ngumiti ito. He looked so manly sa getup nito ngayon, blue starchy shirt, gray short at Chuck Taylor shoes. "Puwede ba kitang makausap?"

Hindi niya maintindihan kung bakit naumid ang dila niya. Wala siyang masabi kundi isang tango lang. Katulad kahapon doon ulit sila humantong sa mga upuan sa terasa. Naupo siya pero si Blue ay nanatiling nakatayo. Humarap ito sa dagat.

Sandaling naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Itinuon niya ang paningin sa sahig.

"Uuwi na tayo bukas. Sana naman huwag na tayong mag-iwasan," narinig niyang sabi nito.

Nag-angat siya ng ulo at itinuon ang paningin kay Blue.

"Alam mo bang ang araw na ito ay napakabigat sa akin? Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko tortured ang isip at puso ko."

"Blue, I'm really sorry sa ginawa ko kahapon. Hindi ko dapat ginawa iyon. Siguro, dala ng alak o kaya curious lang talaga ako. I hope you can forgive me."

Lumapit si Blue at naupo sa tabi niya.

"Ano bang dapat kong gawin para di mo pagdudahan ang kasarian ko? Wala ba akong karapatang kumilos sa paraang gusto ko? Wala ba akong karapatang manamit ng kakaiba? Pinky, this is me." Nakatingin ito sa kanya.

"I don't doubt you now. Honestly, the way I see you, you're a very attractive man. Siguro nga iba lang ang taste mo. Puwedeng impluwensiya ito ng mga kultura sa states since matagal kang nanirahan doon. I'm working on a magazine. Dapat naisip ko na marami ng lalaking kagaya mo ngayon. I misunderstood you."

Upon looking at Blue's reaction, he seemed pissed. Kinabahan tuloy siya kung tama ba ang mga sinabi niya o lalo lang niyang pinalala ang inaakalang impression niya sa binata.

"Then, why aren't you attracted to me?"

Nalaglag ang panga niya sa narinig. As in literal...

Totoo ba iyong narinig niya?

Kinukwestiyon ni Blue ang inaakala nitong feelings niya?

He smiled at her and massage his temple. He is trying to cover the awkwardness between them.

"Okay, bukong-buko mo na ako, Pinky." He smiled shyly. "Tingin ko nga in-love na ako sa iyo." He looked straight into her eyes.

Is this really happening? Mahuhulog yata siya sa inuupuan. Sa sunod-sunod na pasabog nito ay di niya maapuhap ang mga salitang gusto sanang sabihin.

"Wait lang, la-lasing ka ba? Please naman Blue huwag mo akong biruin ng ganito." She is still in disbelief.

He looked down for a while. "Pinky, ang mga ganitong bagay ay di binibiro."

Itinuon niya ang atensyon sa dagat. Mas mabuti ng iyon muna ang pagtuunan niya ng atensyon Nanood sa hampas ng alon. Wala siyang maapuhap na isagot. Sa totoo lang, punong-puno ng saya ang kanyang puso. Baka pag lalo niyang tinitigan si Blue at bigla na lang niyang yakapin ito at halikan ito katulad ng kahapon.

"Galit ka ba sa akin? Alam kong you're still hurting with Neil ... and here I am giving you another headache."

Hindi pa rin siya sumagot kay Blue.

"Maybe, this is wrong timing." Nabigla siya sa pagtayo nito. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Kung puwede burahin mo sa isip mo ang mga narinig mo. I'm sorry again Pinky." He walked away.

"Sandali lang Blue," habol niya. Susundan niya sana ito kaya lang ay natapilok siya biglang pagtayo.

Naiwan siyang parang sinabugan ng bomba at dinaanan ng ipu-ipo na mabilis na naka-alis makaraang sirain ang kapaligiran. At ang walang-hiyang ipu-ipo tinangay pa ang kanyang prince charming.

He might get the wrong signals sa pagtahimik niya. Kaya lang, hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. Gusto niyang magtatalon sa labis na kaligayahan. Pero dahil nga natapilok siya... "Aray!" na lang ang nasabi niya.

VOTE PLS...
COMMENT NA RIN PLS..😊

#PNBG13
----------

Pink & Blue = GrAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon