Blackmail

448 22 0
                                    

IV

"Ms. Pinky, phone po para sa inyo," tawag sa kanya ng department secretary nilang si Hannah. "Blue Concepcion daw po."

Uh-oh! Danger level up by one point.

"Paki-sabi naman na busy ako," sabay ngiti kay Hannah at ibinalik ang atensyon sa pagsusulat ng column.

"Sure, Ms. Pinky," umalis na ito. Pero kaagad ding bumalik. "Ms. Pinky, ayaw pong pumayag ni Mr. Concepcion. Sabi po niya na kapag hindi n'yo po raw siya kinausap ngayon ay pupunta siya rito."

Oh no! Do I have a choice? "Okay, kakausapin ko na siya. Paki-transfer dito sa local ko," aniya kay Hannah.

She tried to compose herself while waiting for the call. "Yes, Mr. Concepcion," pormal na tugon niya sa pangalawang ring ng telepono.

"Hi Pinky, akala ko di mo ako kakausapin. Do you still remember me? Kamusta na ang luka-luka mong best friend?"

"What do you want?" walang kagana-ganang sagot niya.

"Kamusta na iyong wedding mo? Ready na nga pala iyong kontrata. Kailan ba kayo puwedeng pumirma ng future husband mo?"

"Look Mr. Concepcion, we're not going to sign that contract. Huwag ka ng umasa. May nakausap na kaming ibang wedding coordinator."

"Not so easy Pinky. Di ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ninyo sa amin. Baka naman gusto mong ikuwento ko kay Neil iyong nangyari sa singles party? Ano sa palagay mo? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nakipag-flirt ka sa ibang lalaki at ninakaw n'yo pa ang mga damit namin?"

"Correction, hindi ko ninakaw ang damit mo. Si Serena ang nagtago noon. Bina-blackmail mo ba ako?" galit na sabi niya.

"Hindi naman sa ganon. Ayaw ko sanang gawin ito pero kailangan ko ng client para ma-sustain ang business."

Duda siya kung kailangan nga nito ng kliyente. Sigurado siyang gusto lang nitong gumanti sa kanya.

"Ito ang naisip mong paraan?" Puno ng iritasyong sagot niya.

"Hey! I deserve an apology from the two of you. Hindi ko alam kung bakit ako ang napag-trip-an ninyo. Kaya kung hindi ka pipirma sa kontrata tatawagan ko talaga si Neil at iku-kwento ko sa kanya ang buong pangyayari."

Natahimik siya. Seryoso nga kaya si Blue? Paano kung gawin nito iyon? She can't afford to loose Neil. She'll think of a way to get out with this but for now she has to deal with it. "Okay, I'll talk to Neil first then I will tell you tomorrow."

"Sigurado ka?"

"I'm sure. Kailangan ko munang i-explain sa kanya kung bakit nag-iba ang desisyon ko. Call me tomorrow."

"Okay, thanks Pinky. I will take your word for this." He hung up.

Napagkasunduan nina Pinky at Serena na magkita sa mall pagkatapos ng office work niya para magpa-spa.

"You heard it right. Ikaw naman kasi, bakit mo ba ginawa iyon sa kanya? Akala ko naman tatapunan mo lang ulit ng drinks iyong polo niya. Iyon pala iba ang plano mo," aniya habang naka-upo sila sa waiting area ng mga customers.

"Ano na ang status ngayon? Pinirmahan n'yo na ba ang kontrata?"

Huminga siya ng malalim. "Wala na akong magawa. He is so persistent. Kaya tuloy nagdududa ako kung gay nga ba siya o straight. Alam mo kapag nag-i-insist siya sa gusto niyang mangyari, lalaking-lalaki siya. Authoritarian, kumbaga. Magaling magpasunod."

"Naman Pinky! Para namang di mo nakita ang mga tinginan nila ni Buddy nang kasama natin sila sa table. All the hints are there. Look at the way he dress. Masyado siyang mahilig sa loud colors. He is so neatly looking at ang lamya pang kumilos. Kulang na lang na pumilantik ang daliri niya habang nagpapa-ikot ng bote sa game natin na truth or dare. Unless, may naramdaman kang kakaiba nang magsayaw kayo ng dirty dancing."

Pink & Blue = GrAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon