DAHIL busy ang mga tao sa restaurant nang umagang iyon, dahil maraming customer, kaya naman si Nashnairah na ang sumagot sa nag-iingay na telepono.
"Rawnie's Restaurant," masigla pa niyang bungad sa kung sino man ang nasa kabilang linya. Sandali pa siyang natigilan nang marinig ang pag-ubo sa kabilang linya. "Hello?" muli niyang wika.
"Nai..."
Daizuke, aniya sa kaniyang isipan sa pangalan nito. Si Daizuke lang naman ang tumatawag sa kaniya ng Nai. Napalunok siya. "Dai? Bakit inuubo ka?" bigla ang pag-aalala niya para sa binata. Nang iwan naman niya ito kahapon ay okay pa ito. Walang bakas na uubuhin.
"I don't know. Puwede ba'ng mag-request kay Tito ng Chicken Arroz Caldo? 'Yon lang ang gusto kong kainin ngayon. Hindi pa ako nag-aalmusal. 'Yong dinner ko kagabi, kaunti lang ang nakain ko."
"Bakit hindi ka agad nag-text sa akin na masama ang pakiramdam mo? Uminom ka na ba ng gamot?"
"Hindi pa. Wala pang laman ang tiyan ko. Pasabi kay Tito—"
"Oo na. Oo na. Ako na ang bahalang magpaluto kay Papa. Teka, bakit hindi ka magpaluto sa kusinera ninyo?"
"Nai, luto ng Papa mo ang gusto ko."
Napabuntong-hininga siya. Napaka-choosy rin naman talaga ng appetite ni Daizuke kapag may sakit. "Okay po, mahal na prinsipe. Sige na. Dadalhin ko na lang diyan ang special request mo."
"Nai, 'wag mong kalimutan ang itlog. Sa isang kalderong maliit mo na ipaluto para 'yon na rin 'yong dalhin mo rito. Ipapabalik ko na lang ang lalagyan."
Natawa siya sa request nito. "Aba, daig mo pa ang buntis kung maka-demand, ha?"
"Para mamaya kapag nagutom ako, may kakainin pa akong Chicken Arroz Caldo. Sige na."
"Sige," aniya na nagpaalam na rito.
Nang maibaba niya ang telepono ay agad niyang pinuntahan ang kaniyang ama para mag-request dito ng Chicken Arroz Caldo. Dahil busy rin ito sa kusina kaya sa kaniya nito ipinahanda ang mga kakailanganin sa pagluluto niyon. Siya na ang naggayat ng mga sangkap.
"Sabihan mo ang maids nila na maglaga ng luya kung inuubo ang kaibigan mo," anang Mama Gilda ni Nai.
"Luya? Para saan po 'yon?"
"Maganda 'yon sa may ubo. Mas kilala 'yon na salabat."
"Ah," aniya nang ma-gets ang tinutukoy nito. "Sige po," aniya na ipinagpatuloy ang paghahalo ng arroz caldo sa maliit na kaldero.
Nang matapos iyong lutuin ay naglagay pa siya ng tatlong nilabon na itlog. Napangiti pa siya.
"Papa, pababayarin pa ba natin ito kay Dai?" tanong pa niya sa kaniyang ama.
Umiling ito. "Hindi na. Sabihin mo ay magpagaling siya." Pagkatapik nito sa kaniyang balikat ay ang pagluluto naman ng chami ang hinarap nito.
Napangiti siya. "Salamat, 'Pa," aniya bago inilagay sa dadalhing may kalakitang basket ang medyo maliit na kaldero. Good for three servings iyon. Bago umalis ay nag-text muna siya kay Daizuke.
Tapos ng lutuin 'yong order mo. Papunta na ako riyan.
Naka-bike ka? agad namang reply ni Daizuke.
Hindi. Lakad lang. Baka kasi mataktak kapag nag-bike ako. Mainit pa naman 'yong dala ko.
'Wag ka munang umalis diyan. Susunduin kita.
Akala ko ba, masama ang pakiramdam mo?
Pero hindi na nagreply pa si Daizuke. Naiiling na lamang na lumabas na siya sa restaurant dala ang basket na may lamang kaldero.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Hottie Billionaire
Teen FictionDAIZUKE NIWA's story. A story that evolve Friendship, Youth, Love and Romance. #TheUltimateHottieBillionaire Daizuke Niwa's own meaning of U.H.B. TEASER Kung mayroon mang pinakamayaman sa grupo ng mga UHB Men, walang iba kundi si Daizuke Niwa. Para...