Chapter 04

10.6K 613 179
                                    

AKMANG bababa na si Nashnairah sa kotse ni Daizuke nang pigilan siya nito sa may balikat niya at muling paupuin sa may passenger seat ng kotse nito.

"Ihatid na lang kaya uli kita pauwi sa inyo?"

Pinalo niya ang mga kamay nitong nasa balikat niya. "Tigilan mo ako," aniya na sinukbit sa balikat ang bag bago tuluyang bumaba sa kotse nito at bahagya pa itong itinulak para makadaan siya.

"Bakit kasi ang kulit? Sinabi ng 'wag ng sumama."

Inirapan lang niya si Daizuke na nakasunod sa kanya papasok sa entrada ng UHB mansion na ipinatayo ng magkakaibigan. Anang mga ito ay hide out daw ng mga ito ang bahay na iyon. Malayo nga naman sa matataong lugar. Napapalibutan ng mga puno ang UHB mansion na nasa Phase III ng Valle Encantado Village. Sa future daw ay marami ring titira sa lugar na iyon ayon na rin kay Daizuke na siyang nagmamay-ari ng buong Phase III ng village. Exclusive nga lang. Hindi katulad sa Phase I at II na pagmamay-ari naman ng ina nito.

Lumawak ang ngiti sa labi ni Nashnairah nang maabutan sa malawak na salas sina Keigo, Wayne at Mark Brice. Naglalaro ng chess si Mark Brice at Keigo, habang nanonood naman sa dalawa si Wayne.

Maingat na naglakad siya papunta sa may likuran ni Keigo at mabilis na itinakip sa mga mata nito ang kamay niya. Sumenyas siya kina Mark Brice na 'wag maingay.

"Nash," saway pa ni Keigo na tinanggal ang mga kamay niya.

"May mata ka ba sa likod ng ulo mo, Kuya Keigo?" biro pa niya rito nang maupo siya sa tabi ni Wayne.

"Naamoy ko 'yang mumurahin mong pabango," pang-aasar pa nito sa pabango niyang baby cologne.

"Ah, ganoon?" aniya na ginulo ang chess board. "Angal?" taas kilay pa niyang tiningnan si Mark Brice at Keigo. "Nasaan si Kuya Kienlee?" para kasing ito lang ang wala.

"Mamaya pa 'yon may lakad sila ng family niya," sagot ni Wayne.

Tiningnan niya si Daizuke na hinayon ang papunta sa kusina. Muli niyang binalingan ang tatlo nang magsalita si Keigo.

"Mag-college ka sa MHU next year."

Itinuro niya ang sarili. "Ako?" Tumango si Keigo na inilingan niya. "Alam niyo naman na allergy ako sa Mori High. At hindi magbabago ang isip ko," nginitian pa niya ng matamis si Keigo Mori.

Katulad nina Tita Beasly, panay din ang alok sa kanya nina Keigo na mag-aral siya sa MHU. Wala siyang poproblemahin sa tuition fee. Pero panay rin ang tanggi niya.

"Change topic," mabilis niyang wika nang akmang magsasalita pa si Keigo. Napabuntong-hininga na lang ito. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binigyan siya ng instant mga Kuya sa katauhan ng mga ito. Na halos ihain na sa kanya ang lahat na sa panaginip lang niya puwedeng mangyari o makuha, pero panay pa rin ang tanggi niya. Masaya siya sa mga simpleng bagay kaysa sa mamahaling mga materyal na bagay. Bonding lang nila, priceless na para sa kanya.

Ang mga pagkakataon na magkakasama sila sa UHB mansion, isa sa mga moment na sobrang itini-treasure niya dahil hindi naman sa lahat ng oras ay nakakatambay sila roon, lalo na siya.

Kung ang iba siguro ay tataasan siya ng kilay dahil kababae niyang tao pero puro lalaki ang mga kasama niya. Para sa kanya ay wala namang masama lalo na at hindi siya pinababayaan ng mga ito at wala silang ginagawang masama. At isa pa, pamilya sila kahit na sa magkakaibang sinapupunan sila mga nanggaling. Pamilya ang turing niya sa lahat, maliban kay Daizuke na kahit kailan ay hindi niya matawag-tawag na 'Kuya'. Maliban na lang kapag inaasar niya ito.

"Dalhin ko lang sa kuwarto ko itong gamit ko," paalam niya sa tatlo bago tumayo at hinayon ang grand staircase ng mansiyon. Napatingin siya sa fire place na nasa tabi lang din halos ng hagdanan. Napangiti siya nang matitigan ang malaking portrait nila na nasa itaas ng fire place. Mukhang mapapalitan iyon dahil nadagdagan na ang grupo nina Daizuke.

The Ultimate Hottie BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon