NAPAHINTO sa paglalakad si Nashnairah nang makita si Daizuke. Nasa labas ito ng kanilang restaurant. Mukhang may hinihintay. Kauuwi lang din niya mula sa dance practice kasama ang mga kaibigan niya na ka-member niya sa Teen Stuff na siyang pangalan ng dance group nila. Nilamon na rin ng kadiliman ang kalangitan nang mga sandaling iyon. Pero dahil may ilaw naman sa labas ng Rawnie's kaya kitang-kita niya si Daizuke. May suot itong sumbrelo sa ulo na bahagya lang nitong itinaas nang makita siya. Hindi man lang ito gumanti ng ngiti nang ngitian niya ito.
"May hinihintay ka?" tanong pa niya nang makalapit dito.
"Hmmm. At kararating lang niya."
Kunot ang noo na lumingon pa siya sa may likuran niya. Pero nang wala siyang makitang tao ay saka lang nag-sink in sa isip niya na siya ang hinihintay nito. Kagat ang ibabang-labi na muli niyang binalingan si Daizuke.
"Mukha bang may iba pa akong hinihintay?" wala pa ring kangiti-ngiti nitong tanong.
"Ang sungit mo ngayon, Dai. Daig mo pa ang may monthly period."
"Bakit ang tagal mong umuwi?" sa halip ay tanong nito.
Sa isip ay napailing siya. Daig pa nito ang tatay niya kung makatanong. "Galing ako sa practice."
"Practice," he muttered. Sandaling tumingin ito sa malayo bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. "Let's talk."
"Nag-uusap na tayo," pamimilosopo pa niya.
"Sumakay ka sa kotse."
Sa kotse nito? Bigla ay na-conscious siya sa kaniyang sarili. Kanina lang ay nanlilimahid siya sa pawis. Kahit nagpalit siya ng suot bago umuwi, pakiramdam niya ay pawis na pawis pa rin siya. Umiling si Nashnairah. "Dai, nanlilimahid ako sa pawis."
"So?"
Umawang ang labi niya. Ano ba ang pag-uusapan nila? Gaano ba iyon kaseryoso para hintayin pa siya nitong umuwi? Exposing his self sa labas ng restaurant nila na mag-isa lang? Paano na lang kung ma-kidnap ito para ipatubos sa mga magulang nito sa malaking halaga? Bigla ay parang kasalanan pa niya kung mangyari iyon.
"Bigyan mo ako ng ten minutes, mag-half bath lang ako," aniya na akmang lalampasan ito nang pigilan siya nito sa kaniyang braso.
"Kanina pa ako naghihintay sa iyo," ani Daizuke na hinila na siya papunta sa nakaparada nitong kotse.
Dahil mas malaki sa kaniya ang binata kaya naman halos sunud-sunuran si Nashnairah sa bawat kilos nito. Wala siyang nagawa nang pagbukas ni Daizuke sa kotse nito ay alalayan siya pasakay sa loob.
"Magpapaalam muna ako kay papa at mama," apila pa niya nang akmang isasara na ni Daizuke ang pinto sa gilid niya.
"Bago mo pa lang naisip, kanina ko pa nagawa," anito bago isinara ang pinto sa gilid niya.
Napabuga na lang ng hangin si Nashnairah. Mukha namang wala nga siyang magagawa nang mga sandaling iyon. Nang makasakay rin si Daizuke sa loob ng kotse nito ay ito pa ang nagkabit ng seat belt sa kaniya. Pigil tuloy ni Nashnairah ang kaniyang paghinga nang halos magkalapit ang kanilang mga mukha. Nang makalayo si Daizuke ay saka lang siya tila nakahinga ng maluwag.
Inilagay niya sa kaniyang kandungan ang bag at bahagyang niyakap. "Importante ba 'yong sasabihin mo at talagang hinintay mo pa ako? Paano na lang kung ma-kidnap ka? Pakalat-kalat ka dito sa labas."
Saka lang sumilay ang bahagyang ngiti sa labi ni Daizuke. "Kidnap?" anito nang pasibarin ang kotse nito.
Tumango siya. "Isa kang Daizuke Niwa, masyadong mabango ang pangalan mo sa mga kidnapper."
BINABASA MO ANG
The Ultimate Hottie Billionaire
Teen FictionDAIZUKE NIWA's story. A story that evolve Friendship, Youth, Love and Romance. #TheUltimateHottieBillionaire Daizuke Niwa's own meaning of U.H.B. TEASER Kung mayroon mang pinakamayaman sa grupo ng mga UHB Men, walang iba kundi si Daizuke Niwa. Para...