Chapter Two

223 11 0
                                    

Chapter two





Mabilis na nilapitan ni Bekkha ang tiya Magda niya at inalalayan ng makita itong papasok ng kusina.

"Good morning, tita." Ang masayang bati niya dito.

"Good morning. Ang aga mong nagising, Augusta. Alas singko pa lamang ay naririnig na kitang gumagalaw dito sa bahay. Maanong magising ka naman ng lagpas sa oras tutal ay sabado naman ngayon?"

"Bekkha, tita..."

"Augusta."

Bekkha chuckled. No matter how much she insists her tita Magdalena or Magda calls her by her preferred nickname, she will always be Augusta for her.

Sa totoo lang, wala naman iyon sa kanya. Gustong gusto niya lang na binibiro ito na ayaw niyang tinatawag nitong Augusta upang mapakinggan ang napaka-famous nitong linya sa kanya na...

"Ano bang ayaw na ayaw mo sa pangalang ako mismo ang nagbigay? Augusta means great... majestic..." Hinaplos ni tita Magda ang kanyang pisngi at saka nginitian. "And you are all that, my dear Augusta."

Nginisihan niya ito bago niyakap ng mahigpit.

"I love you, tita. Mahal na mahal ko po kayo."

"I love you too, my dear..."

Sinilip niya ito ng marinig itong suminghot. "Are you crying, tita?"

Humiwalay ito sa kanya. "Ano ba itong kay-aga aga eh napaka-drama ng umaga natin. Hala, halika na't kumain na tayo."

Nauna itong umupo sa mesa. Nakangiting sumunod siya dito. Habang sinasalinan ito ng sabaw ay binuksan niya ang usapin ng kaarawan nito.

"Siyanga pala tita, uuwi daw sina tita Simone dito at ang mga anak niya para daluhan ang kaarawan ninyo. Sabi nila sa group chat kagabi, sila na lang daw ang bahala sa venue at food, magsabi lang daw kayo kung saan ninyo gusto." Tukoy niya sa tita niyang nasa Canada.

Tita Magda harrumphed before she took a sip on her soup. "Sabihin mo kay Simone, huwag na silang mag-abalang gumastos ng venue venue na iyan. Kung balak nila talagang umuwi, kaunting handaan lamang dito sa bahay ay ayos na sa akin."

Nginitian niya ang kanyang tita. Being the eldest to her three siblings, her sensibility and frugality never fades no matter how old she gets. Ang tita Magda niya ang tumayong mga magulang nina tita Simone, tita Laura at ng kanyang namayapang ina noong mamatay ang mga magulang ng mga ito dahil sa isang aksidente. Si tita Magda din ang nagsakripisyo upang mapaaral lang ang mga kapatid. Anak siya ng mama niya sa pagkadalaga kaya nang mamatay ang mama niya sa panganganak sa kanya, ang tita Magda niya na ang kumupkop sa kanya, nag-alaga at tumayong magulang niya.

Hindi na nag-asawa at nagkapamilya si tita Magda kaya naman kahit gusto niyang mag-abroad din noon, hindi niya magawa dahil hindi niya maatim na iwanan itong mag-isa.

At dahil alam niyang hindi nito gugustuhin na ito ang maging dahilan ng hindi niya pagsunod sa gusto niya sa buhay, kada tatanungin siya nito noon kung ano na ang nangyari sa application niya, ang lagi niyang sagot— may hindi siya maiwan iwan na tao sa kumpanyang pinagta-trabauhan kaya hindi siya maka-alis.

Syempre, kalahati ng rason ay si sir Cairo at ang kalahati naman ay ang tita Magda niya.

"Kailan daw sila darating?"

"Si tita Simone po at ang dalawang dalaga niya ay sa makalawa. Si tita Laura naman po at ang dalawang maldita— este anak niya ay bukas."

"O siya, magbihis ka na pagkatapos nating kumain dahil tutuloy tayo sa supermarket. Mahirap ng walang maipaharap na pagkain sa mga bisita bukas at nakakahiya."

Sealed with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon