Chapter Three

176 12 0
                                    

Chapter three





Dumating ang tita Laura at ang dalawang anak nitong sina Margarita at Marianne umaga ng linggo. Nagmano siya at yumakap sa tita Laura niya pagpasok nito ng gate.

"Kaawaan ka ng Diyos." Wika ni tita Laura sa kanya bago tumuloy sa loob.

Pagharap niya, ang nakangising mukha ng pinsan niya ang bumungad sa kanya.

"Kamusta, Bekkah? May boyfriend ka na ba?" Ang unang tanong ni Marianne sa kanya.

"Huwag mo na ngang tanungin ang obvious, Marianne, masasaktan lang si Bekkah eh. Siyempre, wala pa din siyang boyfriend hanggang ngayon. Paano pa mabubuo ang tres marias ng pamilya kapag nagka-boyfriend si Bekkha?" Ang nangyuuyam na sabat naman ni Margarita bago humalakhak.

Padabog niyang isinara ang gate bago hinarap ang dalawa niyang malditang pinsan. Ito ang pinaka-aayawan niya sa tuwing nagkakaroon ng salo-salo sa pamilya, ang makita ang dalawang impaktang ito at marinig ang mga patutsada nila!

"Pwede ba, Margarita. Hindi kababaan sa isang babae ang kawalan ng nobyo o asawa. Kayo lang naman ng kapatid mo ang nag-iisip na parang nakakahawang sakit ang pagiging single eh."

"Kasi totoo naman. Suwerte si tita Magda kasi kahit hindi siya nagkaroon ng asawa't anak, nandiyan ka para pumuno niyon. Eh papaano kapag ikaw naman ang tumanda? Sino sa pamilya ang magpapa-ampon naman ng anak niya sa iyo? Definitely not us, cousin."

Ikinuyom niya ang mga kamao. "Wala akong balak mag-ampon Marianne dahil magkaka-anak ako!"

"Papaano naman? Through immaculate concepcion?" Turan ni Margarita saka humalakhak. Sinabayan pa ito ng impaktang si Marianne.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa pagmumukha ng dalawa. Inis na inis siya! Gustong gusto niyang ingudngod ang pagmumukha ng mga ito sa lupa! Handa na siyang makipag-sabunutan at bigyan ng leksiyon ang mga ito ng isang boses ang pumigil sa kanya.

"Kayong tatlo! Ano pa ang ginagawa ninyo diyan? Halina kayo't pumasok na ng bahay!"

She relaxed her fists when her tita Magda looked at her pointedly. Bumuntong hininga siya at kinalma na lang ang sarili bago sumunod sa dalawa. Pinapatay niya ng tingin ang mga impakta habang nagmamano ang mga ito kay tita Magda.

"Kaawaan kayo ng Diyos."

"Oo nga at ng bigyan naman kayo ni Lord ng kabutihang asal."

"Augusta..." Came tita Magda's warning tone.

She gave her two cousins a fake sweet smile before she entered the house. Buong araw na hindi niya kinakausap ang dalawa. Para wala ng gulo at para hindi naman nakakahiya sa tita Laura niya, siya na lang ang nag-adjust. So far ay hindi naman siya maasar asar ng dalawa dahil lagi siyang nasa tabi ng kanyang tita Magda. Takot lang nila ano!







"O, kamusta naman sa bahay ninyo? Dumating na ba sina ate Samantha at ate Sonia galing Canada?" Tanong sa kanya ni Janna. Ito ang lagi niyang kasamang magkape dito sa pantry kada six thirty ng umaga. Si Aira kasi ay eksaktong oras ang dating palagi dahil may baby na dapat asikasuhin sa umaga.

Tinitigan niya ang kanyang wrist watch. Alas siyete naman ang laging dating ni sir Cairo kaya may thirty minutes pa siya para makapag-kape.

"Mamayang ten o'clock pa sila darating. Iyong dalawa kong impaktang pinsan ang dumating kahapon."

"So I guess, inasar ka na naman ng dalawang bruhang iyon?"

Isang buntong hininga na lang ang isinagot niya kay Janna.

Sealed with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon