"Augusta, takbuhin mo nga sa supermarket ang mga ingredients na ito. Nakalimutan nating idagdag sa listahan noong nakaraang araw." Utos sa kanya ng kanyang tiya Magda.Tinanggal niya ang suot na apron. "Akin na po iyong listahan tita."
"Ako na ang maghihiwa ng mga iyan." Pagbo-boluntaryo naman ng kanyang ate Samantha sa hinihiwa niyang gulay.
Ibinigay niya dito ang kutsilyo. "Salamat ate."
"Samahan na kita." Alok naman ng kanyang ate Sonia.
"Huwag na ate. Malapit lang naman iyong supermarket dito sa amin. Kaya ko na." Tugon niya habang naghuhugas ng kamay. Kinuha niya ang listahan at pera mula sa kanyang tiya at saka lumakad na.
Isang sakay lang ng tricycle ang papuntang supermarket. Wala pang sampung minuto ay naroon na siya. Mabilis siyang pumasok sa loob at saka kumuha ng cart. Abala siya sa pagtingin sa listahan ng bumunggo ang cart niya sa isang matigas na bagay.
"Fuck!"
"Sorry-" Napasinghap siya sa sobrang gulat ng mapagsino ang nabunggo. "S-sir Cairo!" Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto ang ginawa dito. "Oh my god! Ayos lang po kayo?" Hinimas niya ang parte ng katawan nitong nasaktan niya. "Pasensiya na po talaga. Hindi ko po sinasadya..." Hingi niya ulit ng paumanhin. Sa sobrang alala niya, ni hindi na niya napansin ang tatawa tawa nitong kaibigan na nakatayo lang sa tabi nito.
Her boss cleared his throat. "What do you think you're doing, Ms. Perez?"
"Po?"
"Your hands, Ms. Perez." He said in a serious tone.
Awtomatikong bumaba ang mga mata niya sa kanyang mga kamay. At ganoon na lang ang panggigilalas niya ng makita kung saan nakadapo ang mga iyon!
Birheng Maria na mahabagin!
Tila napasong mabilis niyang inalis ang mga kamay na nakapatong sa umbok ng pantalon nito. Pulang pula ang mukha niya sa sobrang kahihiyan ng salubungin ng mga mata niya ang matitiim nitong titig. Tila siya aatakihin sa puso sa sobrang hiya at kabang nararamdaman habang nakatingin sa mga mata nitong ewan niya kung gusto siyang patayin sa talim o ano!
"H-Hindi ko sinasadya..." Turan niya sa natatarantang tinig habang nakatingin dito. "H-hindi ko naramdaman, promise..." Nasabi na lang niya sa sobrang kaba.
Mas lalong kumunot ang noo nito. Tila yata't mas lalo itong nagalit! Inalisa niya ang sinabi. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung ano ang mga salitang lumabas sa sariling bibig. Mabilis siyang umiling.
"A-ang ibig kong sabihin-"
Naputol ng isang malutong na halakhak ang kung anong sasabihin niya. Kagat ang ibabang labing napatingin siya sa kasama nitong lalaki na abala sa pagtawa sa kanya. Bumusangot ang mukha niya.
"I'm sorry." Hingi ng paumanhin ng lalaki. "It's just that... damn it, Cai. And here I thought you're big!" The man chuckled with mirth.
Gusto niyang manginig sa klase ng tinging ibinigay ni sir Cairo sa lalaki. His eyes were as cold as the freaking North Pole as he stared at the man! Kapag ganoon kalamig ang titig nito, isa lang ang ibig sabihin niyon— there will be hell to pay.
"Shut the fuck up, Percy."
The man he called Percy just bit his lips as if he's trying so hard to contain his laughter. Tumingin ito sa kanya.
"My name is Percy and you are?" Tanong nito bago ini-abot ang kamay sa kanya.
Kunot noong tinanggap niya iyon. "Augusta Rebekkha Perez."
BINABASA MO ANG
Sealed with a Kiss
RomanceAugusta Rebekkah Perez had been warned about the curse of working for Mr. Cairo Miguel Rodriguez. Ang sabi nila, tumatandang dalaga daw ang mga dalagang walang boyfriend na pumapasok sa kumpanya nito. Ang sabi niya, hindi mangyayari iyon dahil hindi...