Chapter Five

372 24 1
                                    

"Magtapat ka nga sa amin, Bekkha. Anong gayuma ang ipina-inom mo sa boss natin ha?" Tanong sa kanya ni Aira matapos siyang sundan nito at ni Janna dito sa kusina.

"Wala." Sagot niya bago nilapitan ang rice cooker. Sinimulan niyang magsalin ng kanin sa serving bowl.

"Wala? Eh bakit nandito iyan?" Pangungulit ni Aira sa kanya.

"Wala nga, aksidenteng nakita ko siya sa supermarket kanina tapos nagprisinta siyang ihatid ako dito sa amin dahil malakas ang ulan at wala akong payong. Nakita siya ni tita Magda tapos inaya siya dito. Pumayag naman si sir Cairo." Paliwanag niya.

"Supermarket? Bakit naman pupunta sa supermarket si boss? He has tons of maids to do his gocery for him." Napapantastikuhang turan ni Aira sa kanya.

"Actually, pangalawang beses na ito na nakita ko siya sa supermarket na iyon."

"Ang alam ko may branches din ng mga supermarket si sir Cairo eh. Hindi siya family business. Bale nauna niyang ipinundar ang mga iyon kasama ng bestfriend niyang si sir Percy. Madalang lang umuwi dito si sir Percy. Most of the time, sa states ito nakabase kaya si sir Cairo ang madalas na bumisita sa mga supermarkets nila."

Napasinghap siya. "Did you just say Percy?"

Kumunot ang noo ni Janna sa kanya. "Oo, bakit?"

"Siya iyong kasama ni sir Cairo kanina sa supermarket."

Napasinghap si Aira. "You've met the bestfriend already? Oh my... mukhang ibang level na iyan, Bekkha!" Bulalas nito.

"Huwag mo ngang sinusugsugan iyang si Bekkha, Aira. Baka mas lalong umasa iyan eh."

Napasimangot siya kay Janna. "Hindi naman ako umaasa..."

Janna just gave her a deadpanned look. "Talaga lang ha?"

"Eh malay mo nanan kasi Janna, baka may something na din si sir dito kay Bekkha." Turan ni Aira.

Janna sighed at them. "Hindi kita nilalait Bekkha ha. But have you seen the women sir Cairo have been with? Mga babaeng matatangkad at pang model type ang katawan girl. Now don't get me wrong. You're beautiful Bekkha. I think you're one hell of a woman. But in an innocent and naïve type of way. Sir Cairo have been with women who are experienced and more open for... you know... casual sex?"

Hindi nga siya nito nilalait pero ang feelings niya, lait na lait!

"At papaano mo naman nalaman ang lahat ng iyan, Janna? Akala ko pa naman hindi ka nagpapaniwala sa mga chismis." Ingos dito ni Aira.

Inikutan ito ni Janna ng mga mata. "Sekretarya ako ng Vice President ng kumpanya, okay? Close friend ni sir Cairo si VP. Siyempre naririnig ko ang mga kwentuhan nila minsan. Mas legit pa sa pinaka-legit na source mo ang source ko, Aira."

Natahimik si Aira.

Napabuntong hininga naman siya. "Alam ko naman... Alam ko namang hindi ako magugustuhan ni sir Cairo."

"Feeling ko kasi hindi mo alam, Bekkha. Ayaw lang kitang masaktan sa bandang huli."

"Hindi ako masasaktan." Tugon niya dito bago bumalik sa dining room. Biglang nasira ang mood niya. Mas lalo pa siyang napasimangot ng makitang kinu-kwentuhan ng dalawang maldita niyang pinsan ang kanyang boss.

"Sinasabihan nga namin si Bekkha eh. Dapat maghanap na siya ng boyfriend or else, tatanda siyang dalaga tulad ng dalawang pinsan naming ito." Turo ni Marianne kina ate Samantha at ate Sonia.

Sealed with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon