nagising ako sa ingay ng boses ni mama, parang may kausap sya sa baba kaya napag desesyonan ko nang bumaba. nanlake ang mata ko ng makita si tizer, simple ang ang suot nya pero attractive.
"Good morning" bati nya. bago pa sya maka lapit ay lumayo na agad ako, tumaas yung kilay nya.
"Good morning din" bati ko rin pabalik saka nag tungo na ng bathroom.
matapos kong mag prepare ay umupo na ako para kumain. kumain narin si tizer, kapal talaga ng mukha, nag papabuhay ba to?
matapos kaming kumain ay nag paalam na kami kay mama. pag labas namin ng bahay ay sumalubong agad ang pulang kotse ni tizer sakin, napa nganga ako ng makita ito, subrang ganda at ang kintab, imaginin nyo yun sasakay ako dito? Ang taray.
pinag buksan ako ni tizer ng pinto at syempre pumasok agad ako, choosy pa ba ako? eh first time kung maka sakay ng ganitong kotse eh kaya dapat hindi ko sayangin ang pagkakataon na'to.
nag simula ng mag patakbo si tizer at syempre feeling mayaman naman ako, nasa front seat ako naka upo habang naka tingin sa labas, grabe kahit sa loob ay maganda rin, magkano kaya to? mas mahal pa ata to keysa sa'kin.
"Flower's for you" nagulat ako ng bigla nya akong abutan ng rose, nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi, ene be tizer, nakakakilig nemen.
"P-para saan?" nauutal kung tanong, na aawkward narin ako sa mga tingin nya, para bang nang-aakit.
"Syempre nangliligaw ako remember?" namula ang buong pisngi ko, subrang kinilig ako, kinilig ata pati atay ko.
"Ah salamat ah" sabi ko lang at kinuha yung rose, inamoy ko muna ito at tapos napangiti, kakilig subra. rinig ko ang pag tawa ni tizer kaya tiningnan ko sya ng masama. "Anong nakakatawa?" taas kilay kong tanong.
"Nothing... ang cute mo kasi" mas lalo akong namula sa sinabi nya, ayan na naman sya tumatawa, hubby nya talaga yon? Marami kasi ang nag sabi na maraming nahuhulog kay tizer dahil sa tawa nya, pero not me. para nga syang demomyo eh.
makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang school. papasok palang kami ay pinalibutan kami ng mga babae, siguro alam nila na si tizer ang nasa loob, kinabahan tuloy ako. siguradong pag chi-chismisan ako neto.
"Let's go" aniya pero di ko magawang lumabas, natatakot ako.
"H-hindi pwede, maraming makakita sakin at siguradong magagalit sila" paliwanag ko kay tizer, tinapik nya ang braso ko na para bang ipinahiwatig nya sakin na nandyan lang sya palagi.
"Don't mind them, ikamamatay mo ba ang galit nila? hindi naman diba?" mas lalo akong napa lunok. maraming nag kakagusto kay tizer, at alam narin ng buong school kung ano ang tunay kung kulay. hindi naman talaga ko ganito dati eh, pero simula nong ganyang umasta si tizer ay mas lalo na akong naging bakla, ayaw kung husgahan nila ako without knowing my story, natatakot ako.
Huminga ako ng malalim, 10 minuits nalang at mag sisimula na ang klase, wala na akong ibang choice kundi ang bumaba.
unang bumaba si tizer at rinig ko yung mga sigawan ng mga babae. eh nakita lang nila na maganda ang dalang kotse ni tizer eh ganyan na sila maka sigaw. huminga muna ako ng malalim. dahan dahan akong lumabas at nang makita nila ako tumahimik bigla, yumuko nalang ako sa hiya.
"What? kasama ni tizer yang baklang yan?"
"I can't believe this!"
"ang Feeling naman nya"
BINABASA MO ANG
The Unexpected Destiny (BL)
RomanceTHIS IS AN FILIPINO STORY He wants nothing more than a quiet and peaceful life, and the disappearance of the most annoying man in the world, tizer villafuente. This story is a prove that gender doesn't matter when it comes to love TAGLISH