CHAPTER 11

80 9 0
                                    

ILANG linggo ang lumipas ay wala paring kupas ang pagmamahal ni tizer sa'kin. Naging subrang seloso na sya pagdating sakin, naiinis rin sya sa mga tao sa paligid ko, ewan ko ba sa trip ni tizer, masyado na syang possesive.

"Nandito na tayo" Aniya at bumaba ng kotse. pinag buksan nya ako ng pinto at agad naman akong bumaba. Nandito kami sa hospital ngayon, dadalawin daw namin yong mama nya na maya sakit daw, nagulat nga ako nang malaman ko.

pag pasok ko sa room ay unang bumungad sa'kin ay ang ate nya, napangiti sya nang makita si tizer pero biglang nag iba ang kanyang ekspresyon nang makita ako, napa yuko nalang ako, lumabas sya nang room at di kami pinansin, halatang galit talaga sya sa'kin.

Lumapit kami sa mama nya at ramdam ko ang malakas na pag hawak nya sa kamay ko, mahimbing lang na natutulog ang mama nya at mukhang pagod na pagod ito.

"Anong sakit ng mama mo?" bigla kong tanong sa kanya, tumingin sya sa'kin at kita sa mata nya ang lungkot, may luhang namumuo sa mata nya.

"Meron syang brain cancer, malala na ito dahil matagal na nya pala itong dinadala" malungkot na sagot ni tizer sa'kin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, parang ang lakas nya pa noong pumunta ako dito, nakaka lungkot lang isipin na may ganito pala syang karamdaman.

"Kailan pa ito?" Tanong ko, hindi ko naman mapigilang mag tanong.

"Noong nakaraang araw pa, bigla raw kasi sumakit ng ulo nya at nahimataw daw" paliwanag nya, napa buntong hininga ako at nag-iisip kung ano ang pwede kung gawin para mapagaan ang loob nya. Alam ko kasi na walang gamot para ganyang sakit, may tanim na ang buhay ng mama nya, nakaka lungkot lang isipin, mahal na mahal kasi ito ni tizer, napa mahal na nga rin ako sa mama nya.

"Bakit di mo agad sinabi sa'kin?" tanong ko uli pero di sya sumagot, nag taka tuloy ako pero hinayaan ko lang, naintindihan ko naman ang kalagayan nya.

***

Nag paalam muna ako kay tita at kay tizer na uuwi na ako dahil nag text na si mama, kahit galit sa'kin si ate veronica ay nag paalam parin ako as respect.

Hinatid lang ako ni tizer sa bahay tapos pina uwi ko na sya agad, mas kailangan sya ngayon ng mama nya eh.

Nagulat naman ako nang sumakubong si tatay sa'kin kaya agad ko syang niyakap.

"Akala ko next month kapa uuwi tay?" tanong ko kay papa, ngumiti lang sya, pansin ko rin na parang may problema.

"Pa? anong nangyari? may problema ba?" tanong ko sa kanay, nag iba yong ekspresyon nya at umuponsa sofa.

"Yung Grocery store kasi nak ipinasara eh, kaya eto maghahanap ako nang trabaho" Malungkot na sabi ni papa, napa buntong hininga ako.

"Okay lang yan tay, may mga kompanya naman dito na nag hahire nang client eh, mas malapit pa" masayang sabi ko kay tatay, ngumiti namn sya.

"Oo nak, bukas na bukas ay maghahanap na agad ako" aniya at ngumiti. Lumapit si mama na may dalang snacks kaya kumain muna kami.

Sunday pala ngayon at bukas ay papasok na naman ako sa school. Napa tayo ako nang biglng tumawag si tizer sakin, agad ko naman sinagot.

"Oh?" bungad ko.

"Wala, namiss ko lang boses mo" sabi nya at tumawa ng mahina.

"kasama naman tayo kanina ah? miss agad?"

"Oo nga, pero gusto kita kasama palagi eh, everyday and every hour and every minutes and every second eh" aniya. Napa kagat ako sa kuko ko dahil sa kilig, iba na talaga si tizer eh, subrang clingy na nya at subrang sweet sakin simula noong maging kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unexpected Destiny (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon