"Sorry na kasi"
tinakpan ko ang aking tenga dahil kanina pa ako kinukulit ni tizer, ilang beses na syang nag sorry pero hindi pa iyon sapat, at isa pa ay nahihiya akong harapin sya.
"Please liam, promise hindi na mauulit" pag mamakaawa nya pero di ko parin sinagot, mamatay sya dyan sa kaka sorry dyan, wala akong pake alam.
maya maya pa narinig ko ang boses ni mama kaya tumahimik narin sa wakas itong si tizer.
"Tita mano po" rinig kong sabi ni tizer.
"Si liam?" tanong ni mama.
"A-ah nandon sa kwarto" sagot naman nya.
Rinig kong papalapit si mama at kumatok.
"Liam? nandito si tizer" sabi ni mama. syempre ma alam kong nandyan sya, nakakainis talaga sya, sarap nyang barilin! bad mood ako buong araw dahil sa kanya.
"Uhmm" pag papanggap ko na natutulog, nahihiya na akong lumabas matapos ng ginawa ni tizer, nahihiya akong harapin sya.
"Bumaba ka na nga dyan at nang mapag saluhan natin tong dala ko" bigla akong nabuhayan sa sinabi ni mama kaya napatayo ako at inayos ang sarili. lumabas na ko pero sa kusina ako nag tungo dahil nasa sala namin si tizer, ang awkward kaya.
umupo muna ako para makapag isip, wala lang trip ko lang mag isip. sa tuwing naaalala ko ang mga nangyayari ay pinaghihinaan ako ng loob, nawalan narin ako ng ganang sagutin si tizer dahil sa takot.
"Nak dali dito kana, uubusin na namin to" nag mamadali akong nag lakad patungong sala at nakitang kumakain sila ng icecream, may cake rin at juice. tahimik lang kumakain si tizer, inikutan ko sya ng mata at tumabi kay mama.
"Ano palang meron ma?" tanong ko bigla, di ko na pinansin si tizer, satingin ko naman ay parang nahiya rin sya sakin.
"Ahh Oo, birthday kasi ng kaibigan ko kaya napag isipan kong ipag balot ka para naman makakain karin" sabi ni mama, nahiya tuloy ako sa sinabi nyang yun, Haayss si mama talaga, pero i appreciate her efforts naman, kaya mahal ko 'tong si mama eh. "At sa sunday narin uuwi ang papa mo" napa ngiti naman ko sa sinabi ni mama.
"Talaga? mabuti naman kong ganon" sabi ko at kumain na. tiningnan ko si tizer na kanina pa pala naka tingin sakin kaya tinaasan ko sya ng isang kilay, kita ko sa pisngi nya ang pamumula kaya natawa ako.
"Ah tita uwi na po ako, gabi narin po at baka hinanap na ako ni mama" napa tingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Huh? maya kana umuwi, mag usap muna tayo" sabi ni mama at yun nag usap nga sila.
usap lang sila ng usap habang ko ay nanonood lang ng TV. at nang di ko na kinaya ang antok ay napag desesyonan kong umakyat na ng kwarto.
pagkapasok ko ay agad na akong humiga at natulog.
***
Nagising ako ng may biglang naramdaman akong may yumakap sakin. una akala ko si mama pero nang maamoy ko ito ay kilala ko agad sya, nanlake ang mata ko sa gulat.
WHAT?? DITO TALAGA NATULOG ITONG SI TIZER??? AT PUMAYAG NAMAN SI MAMA?? HUHU TRAYDOR KA MA!!
gusto kong itulak sya pero wala akong lakas, at isa pa masarap syang yumakap... WAIT WHAT?? erase erase!!! gagi ang weird ng posisyon namin!
BINABASA MO ANG
The Unexpected Destiny (BL)
RomanceTHIS IS AN FILIPINO STORY He wants nothing more than a quiet and peaceful life, and the disappearance of the most annoying man in the world, tizer villafuente. This story is a prove that gender doesn't matter when it comes to love TAGLISH