Para nang sasabog yong puso ko sa subrang kaba. kaharap ko ngayon yong nanay ni tizer, sa subrang hiya ko ay gusto ko nang mag palamon ng lupa.
"Oh nak, di mo pala sinabi sakin na may bisita ka ngayon?" naka ngiting sabi ng mama ni tizer. masasabing magkahawig sila pag ngumiti.
"Mom, si liam, future bo-"
"Kaibigan po ako ni tizer maam" putol ko sa sinabi nya, nako baka kung ano pa ang isipin ng mama nya.
"Well hello liam, call me tita grace okay? nice to meet you" naka ngiti parin sya, ba't ganon? ang ganda nya pag ngumiti? ang unfair ng mundo!
"Sige po, t-tita grace" medyo nahiya pa ako, mukhang mabait naman ang mommy ni tizer kaya wala na dapat akong ipag-alala.
"Yaya, paki kuha nga kami ng maiinom" sabi ni tita sa kasambahay nila.
"So tizer, ngayon kalang ulit nag dala ng kaibigan ah? i'm so glad na ipinakilala mo sya sakin" sabi ni tita grace kay tizer na naka ngiti, grabe ang pantay ng ngipin nya, samantalang sakin ang kumawala sa line ang pangil ko.
"Syempre special sya sakin eh" nanlake ang mata ko sa sinabi ni tizer.
"A-ah, ang ibig po nyang sabihin bestfriend na po ako kaya special!" nagulat naman si tizer sa sinabi ko.
"Really? Kong ganon welcome na welcome ka sabahay anytime, simula ngayon ay pwede kang bumisita dito" tiningnan ko si tizer na naka ngiti, ngumiti nalang din ako kay tita. jusko ang hirap itago ang tunay kung kulay.
Nag kwentohan lang kami ni tita grace at kalaunan ay magkasundo na kami, para rin syang 18 kung makapag salita eh, at ang saya nyang kausap, sinabi ko nga kong paano kakulit itong si tizer at ayon tawa kami ng tawa.
"So pano napo tita grace, uwi napo ako, medyo gabi narin at baka nag alala na sakin ang mama ko ngayon"
"Ok sige, basta balik ka dito ulit nak ah, sige tizer ihatid mo na sya" sabi ni tita at ayon sumakay na ako sa kotse ni tizer.
"Nak" bulong nya at tumawa. Baliw naba to?
"Deretso nalang tayo ng mental hospital" sabi ko sa kanaya, napatingin naman ito sakin.
"anong gagawin mo don?" takang tanong nya.
"Mukhang nasisiraan kana kasi ng utak, tumawa man daw mag-isa?" tumawa ulit sya, baliw na talaga to.
"Hindi, naiisip ko lang yong tinawag ka ni momy ng nak" nanlake ang mata ko sa sinabi nya.
"Sinabi nya yon? diko narinig ah?" yun pala ang dahilan kung bakit tawa ng tawa itong si tizer.
"Oo, at subrang saya ko na naging close na kayo. Pakasal na kaya tayo?" Sinapak ko yong balikat nya, kung ano ang pinag sasabi eh.
"di panga naging tayo pakasal agad?" napatakip ako ng bibig sa sinabi ko, kung no na ata ang pinag sasabi ko.
"Edi liligawan kita?" umiling ako, ano kaya ang nakain ng isang to.
"Ano bayang mga pinagsasabi mo tizer? di na nakakatuwa ah" yan lang ang nasabi ko kasi sa totoo lang wala na akong masabi sa kanya.
"Sagutin mo na kasi ako" di ko na alam kong ano ang sasabihin ko, naubusan na ako ng salita. "saan nga pala yong bahay nyo?" tanong nya kaya wala akong magawa kundi ituro kong nasaan ang bahay namin.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Destiny (BL)
RomanceTHIS IS AN FILIPINO STORY He wants nothing more than a quiet and peaceful life, and the disappearance of the most annoying man in the world, tizer villafuente. This story is a prove that gender doesn't matter when it comes to love TAGLISH