"MIND if I join you?"
Gosh, it's been days since that 'announcement' happened. Mas lalo akong naging suki nang bar na ito, their place is heaven especially the drinks.
Affordable drinks and beautiful ambiance. Gosh, perfect way to escape the hell I called home.
"Mind your own business, you dumbass." pagtataboy ko sa lalaking 'di ko kilala.
This is the most dumbest person I have ever met. Gosh, I thought na matatakasan ko na ang problema ko sa bahay, but with this dummy? I felt like madadagdagan lamang ito dahil sa lalaking ito.
"Hmm... feisty... I like it." rinig ko pang saad nito. "What are you drinking?" tanong pa nito na para bang close kaming dalawa, pagkatapos ay pinagsadahan niya ng tingin ang iniinom ko.
Agad kong nilayo sa kanya ang iniinom ko saka sinamaan siya ng tingin. "Can you please stay away from me?!" singhal ko sa lalaki.
Nasa matinong pag iisip pa ako ngayon kasi kararating ko lang dito. Lorelei and my other friends doesn't know that I am here. I didn't inform them, I just want to be alone.
"Look, I'm harmless... Your eyes are full of sadness, that's why I decided to approach you." aniya saka ngumiti ng tipid sa akin.
I was stunned by what he said. Is he some kind of sorcery... or something?
"Wala ka bang kasama na pwede mong pagtripan?" bwisit kong sambit sa kanya saka siya inirapan.
"Nah, I'm all alone, I'm all yours." Then the asshole winked at me.
"Are you some kind of what they call... what was that again?" panandalian akong napaisip. Nasa dulo na ng dila ko ang mga salitang gustong lumabas mula rito. "Oh, yeah... call boy- if you are a call boy, then you banged with the wrong person, hindi ako pumapatol sa mga katulad niyo."
I don't have problem with call boys, hindi lang talaga ako pumapatol sa kanila.
"Ouch," ma-dramang sambit pa nito sa akin. "sa itsura kong 'to, tatawagin mo lang akong call boy?"
Hindi ko mapigilan ang tingnan siya. Pinagsadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. But no, his feet and his face looks the same.
I admit, his eyes... parang marami itong gustong sabihin, his perfect thick eyebrows, his eyelashes are kinda long, too. Pointed nose and a pretty shape of lips. Sa sobrang ganda ng mga ito ay hindi na ito nagkasunduan sa mukha niya, his face looks horrible.
"Yes." I said with full conviction then smirked at him.
Ma-drama niyang hinawakan ang kanyang dibdib na para bang masakit ito sa kanya.
"Pasalamat ka at maganda ka," I heard him muttered.
"Look," I began. "If this is how you flirt with girls, then it will not work on me. I have no time for that."
The corner of his mouth turned up into a smile. "I am not flirting with you..." he said.
"Then, shoo!" pangtataboy ko pa rito. I can't enjoy my drink.
I saw him raise both arms as if he was surrendering. "Gotta go now,"
Finally! "Good," I said and smiled sweetly at him.
Papaalis na sana siya nang muli itong bumalik sa akin. "Before I forgot," he said. "My name's Adonis, what's yours?" he asked.
"None of your business," sagot ko rito saka tumalikod na, tinawagan ko ang bartender para humingi pa ng isa pang inorder ko.
Buti nga at wala na ang asungot na iyon, I don't like his vibe.
Hindi ko alam kung nakakailang baso na ba ako. I just want to forget the pain, kahit ilang oras lang.
---
WHEN I woke up, I could feel my head throbbing in pain.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi na ako iinom, because this pain won't stop me from drinking.
Idinilat ko ang aking mga mata, agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ko.
Wait... paano ako napunta rito? The last thing I remembered was that there was a man who tried to flirt with me and his name was... what was his name again?
I groaned in pain while holding my head, sumagi pa talaga sa isipan ko ang lalaking 'yon.
How the hell did I get my ass here? And who the hell changes my clothes? Kasi iba ang suot ko kagabi.
Dahan-dahan na akong bumangon nula sa aking kama, napaupo muna ako panandalian dahil sa sakit ng ulo ko. 'Di sadyang mapadako ang tingin ko sa lamesang nasa tabi lamang ng kama ko, agad na naningkit ang mata ko. May nakikita kasi akong isang pirasong papel at gamot.
Drink this med to reduce your hangover.
-<3
'Yon lang? 'Yong lang talaga ang nakasulat sa papel? Dry or cold? I don't know. And what's with that heart thing?
I immediately crumpled the paper and threw it in the trash bin near my study table. Dinala ko na lamang ang gamot pababa.
"Where's dad, Nanay Cely?" I asked Nanay when I saw her sweeping the floor.
Nakita kong bahagya pa itong nagulat saka lumingon sa akin. "Naku, ikaw talagang bata ka. Ginulat mo 'ko." she said as she catches her breath while holding her chest.
Bahagya akong natawa habang patungo sa dining area.
"Sorry Nanay, I didn't mean to startled you." natatawang saad ko. Hawak-hawak niya pa rin hanggang ngayon ang kanyang dibdib.
"Kamusta na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" tanong nito bakas sa kanyang boses ang sobrang pag aalala.
"My head hurts like hell, but I can manage." sagot ko.
Tinigil niya muna ang kanyang pagwawalis saka nagtungo sa kusina kaya sumunod din ako. I'm starving.
"Naku, kumain ka muna rito at ipaghahain kita." aniya habang inihahanda ang kakainin ko.
Umupo na lang muna ako habang naghihintay.
"Where is everybody?" tanong ko nang mapansin kong medyo tahimik ang bahay.
Because usually kasi sa umaga, nagpapa tugtog na ang anak ni Helen na si Khloe. Like she fucking owns this whole house.
May napapansin din akong difference sa kanilang magkapatid. Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, Gideon has screaming greek features while Khloe has filipina features. Or maybe they have different dad.
"Naku, maagang umalis ang Daddy at Tita Helen mo. Hindi ko lang alam kung saan. Habang 'yung dalawang magkapatid naman ay maaga ring umalis." Nanay said.
Tumango na lamang ako. Hinain niya sa harap ko ang the usual breakfast ko. Bread, bacon, eggs and orange juice.
"Kumain ka nang marami, lasing na lasing ka talaga kagabi." she muttered.
Muli akong napatingin sa kanya. I wanna ask her this question.
"Nay, sino po ang nag-uwi sa akin kagabi?"
Napangiti ito. "Si Gideon,"
Muntik pa sana akong masamid sa sagot niya. "Come again, Nay?"
"Si Gideon, siguro sa sobrang lasing mo hindi mo na napansin na siya ang nagbuhat sa 'yo papunta sa kwarto mo."
BINABASA MO ANG
Art Of Temptation Series: Forbidden Desire [COMPLETED]
RomanceSOON-TO-BE PUBLISH UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Art of Temptation Series: "I'm sorry, hindi ko kayang magpakasal sa 'yo." Eight words, thirty four letters that destroyed Caily Zain Sandirigo. As her love of her life leaves her during the day of t...