I DON'T know kung ilang minuto na akong naghihintay dito sa conference room.
Ngayon kasi ang araw na ime-meet ko ang bago naming investor. Kung hindi lang talaga malaki ang ipapasok niya sa company namin ay kanina ko pa kinansela ito.
I'm still thankful that he chose our company… Kahit late na lang siya.
Lumingon ako sa gawi kung nasaan ang anak ko. I brought him with me, wala kasing magbabantay sa kanya. Wala kasi akong tiwala kung kukuha ako ng titingin sa kanya, medyo mahirap na rin ang magtiwala sa panahong ito. Ayoko rin naman istorbohin ang iba, hindi naman malikot ang anak ko kapag sumasama siya sa akin dito.
Minsan nga ay kinagigiliwan siya ng mga investors ng kompanya namin, pati na rin ang mga ibang empleyado dito.
“Are hungry, Zeus?” tanong ko sa anak ko, medyo busy siya sa paglalaro sa kanyang IPad.
“No, mommy.” sagot nito. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin, dahil nanatili ang mga mata nito sa kanyang ginagawa.
Kameng dalawa lamang ang narito sa conference room. Wala kasi rito ang secretary ko, busy siya sa labas upang kontakin ang investor na hanggang ngayon ay wala pa.
Ilang minuto muli ang nakalipas ng makitang kong pumasok ang sekretaryo kong hinihingal pa.
“Miss Sandirigo, nandito na po ang bago nating investor.” Konti na lang ay hihimatayin na siya sa sobrang hingal nito.
Iniwan niya munang nakabukas ang pintuan upang bigyan ng espasyo ang pagpasok ng magiging investor namin. Tumayo na ako upang maghanda rin upang salubungin siya.
Todo ngiti pa sa akin ang sekretarya ko. Ngingiti na sana ako ng mapansin ko kung sino ang pumasok.
Tila bumagal ang oras dahil sa kanyang pagpasok. Palihim kong kinuyom ang kamao ko. Muli kong nilingon ang pwesto kung nasaan si Zeus, nakita kong busy pa rin siya sa paglalaro sa kanyang IPad.
He's wearing a formal attire. Ang laki ng pinagbago niya, mula sa kanyang pangangatawan. Sabagay… Matagal na pala siyang nag bago, kahit no'ng magkasama pa kami.
Kung siya ang magiging bagong investor namin… Mas mabuti pang wag na lang, wala na akong pake sa perang ipapasok niya rito sa kompanya namin. Alam kong hindi siya tanga upang hindi mapansin na kompanya namin 'to. Dahil minsan na rin niya itong pinatakbo no'ng mga araw na kailangan ni daddy ng tulong niya.
Gusto niya ba kaming guluhin muli? Ang saya namin kahit wala siya ay sobrang saya namin ni Zeus.
Nakantingin siya sa akin bago niya inilipat ang kanyang mga mata sa anak ko. Buti na lamang at nagsalita ang sekretarya ko kaya bumaling muli ang atensyon niya rito.
“Ahm, Miss Sandirigo, this is Mister Gideon Castellano our soon-to-be new investor.” pagpapakilala sa kanya ng sekretarya ko.
I looked at my secretary and said. “No need to introduce him.” Kita ko ang gulat sa mukha ng sekretarya ko.
“W-why, Miss Sandirigo?”
Muli kong tinitigan ang lalaking nasa harapan ko. “Kasi walang magaganap na transaksyon sa silid na ito.” seryosong aniko sa kanya habang tinitignan siya sa mata.
“Are you accepting already my offer to invest in your company?” Ang kapal talaga ng mukha.
Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi sa kanya. “Who told you that I will accept your offer?” aniko saka pinagkrus ang braso sa aking dibdib. “Our company will still run even without the help of your fucking investment.” buong tapang kong saad.
BINABASA MO ANG
Art Of Temptation Series: Forbidden Desire [COMPLETED]
RomanceSOON-TO-BE PUBLISH UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE Art of Temptation Series: "I'm sorry, hindi ko kayang magpakasal sa 'yo." Eight words, thirty four letters that destroyed Caily Zain Sandirigo. As her love of her life leaves her during the day of t...